Friday May, 03 2024 12:52:29 AM

NDBD BIDA BALITA Feb. 5, 2016

 • 17:07 PM Fri Feb 5, 2016
1,771
By: 
NDBC NCAT

NDBC NEWSCAST

FEBRUARY 05,
2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MILF, tiniyak na walang karahasang
magaganap sa Mindanao kahit napurnada ang Bangsamoro Basic Law.

2. Dalawang mga bahay sa Magpet, North
Cotabato, magkasunod na pinasok ng mga kawatan 400 thousand pesos cash at iba
pang mga gamit, natangay

3. Local Government Operations Officer
ng Koronadal City, sinuspinde ng
Ombudsman

4. PANUKALANG DAGDAG sahod sa mga
kawani ng gobyerno, posible pa ring maipatupad kahit hindi na nakalusot pa sa Kamara.

TINIYAK ng pamunuan ng Moro Islamic
Liberation Front o MILF na hindi sila mag-aalsa laban sa pamahalaan at walang
magaganap na karahasan sa Mindanao kahit hindi naisabatas ang isinusulong na
Bangsamoro Basic Law o BBL.

Sinabi ni MILF peace panel chairperson
Mohagher Iqbal na ipina-uubaya na lamang nila ang pagsasabatas ng BBL sa susunod
na administrasyon.

Nilinaw ni Iqbal na handa pa rin ang
MILF ba ipagpatuloy ang usaping pangkapayapaan sa pamahalaan ngunit dapat ay
wala nang negosasyon pang mangyayari.

Aniya, napag-usapan na ang mga isyung
dapat pag-usapan kaya’t ang tanging responsibilidad na lang ng susunod na
administrasyon ay ang pagsasabatas ng BBL.

Dagdag pa nito, maaaring baguhin o
palitan ang BBL pero nararapat na kasama sa pagbalangkas nito ang Bangsamoro
Transition Commission.

Iginiit naman ni Iqbal na walang hinanakit
ang MILF kay Pangulong Aquino.

Naniniwala aniya sila na ginawa ng
pangulo ang kanyang makakaya para maipasa sana ang BBL.

Sabi ni Iqbal ang lack of
quorum ng mga kongresista sa tuwing isinasalang sa pagdinig ang BBL, ang dapat
na sisihin kung bakit matagal na nabinbin ang naturang panukalang batas.

Samantala, ikinatuwa naman ng
Malacañang ang naging pahayag ng MILF.

Sabi ni Communications Sec. Sonny Coloma,
hindi nagkulang ang Pangulo sa pagsusulong ng BBL sa Kongreso.

Saksi naman aniya ang mamamayan sa
naging determinasyon ni Pangulong Aquino at hindi nakitaan ng pag-atras sa
peace process.

Tulad ng pahayag ng MILF, naniniwala
ang palasyo na hindi na dapat ‘back to zero’ ang peace process dahil napakalayo
na ng narating nito at sinuman ang magiging susunod na Pangulo ay tiyak na
kikilalanin ang malaking progreso nito.

Simula nang lagdaan ang Framework
Agreement on the Bangsamoro noong October 2012, sinabi ni Coloma na nagpakita
na ang MILF ng kanilang kakayahan at sinseridad na mapanatili ang kaayusan at
kapayapaan sa Mindanao.

Kaugnay nito, inihayag din ni Coloma na
sisikapin ng pamahalaan na mai-preserba ang lahat ng pagod para maipatupad ang
Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB na siyang magsisilbing papel sa
paglutas ng karahasan sa rehiyon.

Matatandaan na pinairal ang ceasefire
sa pagitan ng gobyerno at MILF simula July 18, 1997 na bunga ng inilargang
usapang pangkapayapaan?ng?magkabilang panig.?

Nilagdaan?naman ang CAB noong March 17,
2014 makalipas ang 17-taong negosasyon na nagbigay-daan sa pagbalangkas ng mga
aksyong gagawin para maipatupad ang kasunduan kung saan kabilang sa ikinamada
ang pagkakaroon ng batas na magtatatag ng isang political structure na ipapalit
sa Autonomous Region for Muslim Mindanao.

Kumpiyansa naman ang Malacañang na mas
magiging agresibo ang aksyon ng susunod na administrasyon hinggil dito upang
hindi mabokya ang pag-asam at matagal ng ipinaglalaban ng Bangsamoro.

MATAPOS
ISAILALIM SA STATE OF CALAMITY ang lalawigan ng Maguindanao ay nagsimula nang
mamahagi ng tulong ang pamahalaang panlalawigan sa mga pamilyang lubhang
apektado ng tagtuyot at pag-atake ng mga pesteng daga.

Sinabi ni
Maguindanao Provincial Budget Offcer Lynette Estandarte, siya ring pinuno ng medical
mission team, na kahapon ay nagtungo sila sa barangay Kigan, South Upi para
mamahagi ng relief goods at magsagawa ng medical mission sa mga residente sa
lugar.

Kasama ng
medical mission team ang mga sundalo mula sa 6th Infantry Division
ng Philippine Army.

Sabi ni
Estandarte, namahagi sila ng tigsa-sampung kilong bigas, canned goods, mga
gamot, isdang Tilapia at tubig.

Ang barangay
Kigan ang isa sa mga barangay na apektado ng El Niño at rat infestation.

Dito rin sa
barangay na ito nagmula ang magsasakang si Jimmy Sabia Takilid na nagbigti
dahil hindi matanggap ang sinapit ng kanyang maisan.

Tuluyang
iniwan ni Takilid ang kanyang asawa at tatlong maliliit na anak.

Ngayong araw,
sinabi ni Estandarte na tutungo naman sila sa barangay Kuya at San Jose para
magbigay din ng tulong sa mga residente doon.

Una nang
nagbigay ng tulong ang Autonomous Regional government sa pamamagitan ng ARMM
HEART.

Maging ang
DSWD ARMM ay nagsagawa na rin ng relief mission para sa mga apektadong
residente ng South Upi.

Inaasahan
naman na mabibigyan din ng tulong ang iba pang mga bayan sa Maguindanao na
apektado ng tagtuyot at pagsalakay ng mga daga tulad ng Buldon, Datu Odin
Sinsuat, Datu Unsay, Guindulungan, Northern Kabuntalan, Mamasapano at Sultan
Mastura.

Samantala,
nabatid na sa buong ARMM, tinatayang nasa mahigit 140 million pesos na ang
halaga ng mga pananim na napinsala ng matinding tagtuyot na nararanasan sa
iba’t ibang mga lugar.

HINIHIKAYAT
ng Department of Health Region 12 ang mga magulang na may anak, edad limang
taon pababa na samantalahin ang kanilang programa na 2016 Catch-up Oral Polio
Vaccine immunization.

Isasagawa
ito sa February 22 hanggang 26, 2016 sa lahat ng health centers o vaccination
posts.

Ayon
kay DOH-12 OIC-Assistant regional director Dr. Franc Mateo, LIBRE nilang
isasagawa ang naturang programa sa North Cotabato, South Cotabato, General
Santos City at Sultan Kudarat.

Hindi
naman kabilang ang Cotabato City at Sarangani Province dahil una nang nakapagsagawa
ng malawakang oral polio vaccine immunization sa naturang mga lugar.

Sa
halip routine immunization na lamang ang kanilang ibabahagi sa mga bata doon.

Nilinaw
ni Dr. Mateo na kahit pa nakatatlong OPV immunization na ang isang bata ay
maari parin itong sumali dahil wala namang overdosage sa naturang vaccine.

Aniya,
mas makakadagdag ito sa immunity laban sa sa sakit na polio. PUMALAG
ang isang opisyal ng Malacañang sa utos ng Commission on Elections o Comelec na
nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na i-post online ang kanilang opinyon sa
pulitika.

Tinukoy
ni Deputy Presidential Spokesperson Under Sec. Abigail Valte ang Section 4(e)
ng implementing rules ng Comelec, kung saan ang lahat ng government officials
mula sa ehekutibo, lehislatura, hudikatura, Constitutional Commissions at mga
miyembro ng civil service ay hindi na maaaring magbigay ng personal na opinyon
o pananaw sa pinapaborang kandidato sa social media dahil ituturing na itong
electioneering”.

Sabi
ni Valte tila mayroon ng censorship on all public servants at parang bumalik
ang Martial Law.

Iginiit
ng opisyal na para payagan ang censorship dapat ay mayroong malinaw na banta sa
pambansang seguridad, kalusugan o moral.

Diin
pa niya, hindi dapat mangibabaw ang IRR ng Comelec sa Section 55 ng
Administrative Code, kung saan hinahayaan ang sinumang opisyal o empleyado ng
gobyerno na ihayag ang kanilang pananaw sa mga isyung politikal o sa pagbanggit
ng pangalan ng kandidatong kanilang sinusuportahan.

Samantala,
sa iba pang balita, inamin naman ng Comelec at Smartmatic na may 250 mga depektibong
vote counting machines silang natukoy mula sa Taiwan na dinala sa Pilipinas.

Ayon
sa kinatawan ng Smartmatic, bagama’t minor issues lang ito, tiniyak nilang
hindi na maisasama ang mga iyon sa gagamitin sa eleksyon hangga’t hindi ganap
na naaayos ang mga nasilip na diperensya.

Ayon
naman kay Comelec Chairperson Andres Bautista, ang pagkakatuklas ng mga may
aberyang makina ay bunga ng maagap na pagsusuri dito ng service provider at
Comelec technical team.

Sa
ngayon, nasa 71,456 vote counting machines na ang nakalagak sa Comelec
warehouse sa Sta. Rosa, Laguna mula sa manufacturing area ng Smartmatic sa
Taiwan.

Kabuuang
90 libong makina ang kinakailangang para sa darating na halalan at inaasahang
makukumpleto ito sa mga susunod na araw. PINAG
IINGAT ngayon ng Department of Health o DOH-ARMM ang lahat ng mga mamamayan ng
Autonomous Region in Muslim Mindanao at mga karatig na lugar sa ZIKA VIRUS na
mabilis na kumakalat ngayon sa bansa.

Ipinaliwanag
ni DOH-ARMM Sec. Dr. Kadil Sinolinding na ang lubos pangunahing apektado ng
sakit na ito ay ang mga buntis sa Latin Amerika at Asya.

Ayon
sa kalihim, ang zika virus ay sanhi ng kagat ng Aedes aegypti na lamok na
karaniwang nagdadala ng virus na dengue.

Kabilang
sa mga sintomas nito ay pagkakaroon ng lagnat, pamamantal ng balat, pamumula ng
mga mata at pananakit ng kasu-kasuhan.

Para
maiwasang makapasok ang ZIKA Virus, inirekumenda naman ni Sinolinding na mas
maghigpit sa pagtanggap ng mga dyuhang bisita na maaaring magdala ng naturang
virus.

Samantala,
payo naman ng kalihim na palakasin ang immune system at panatilihing malinis
ang paligid, bantayan ang mga gamit o lugar na maaaring pag-imbakan ng tubig
dahil dito pwedeng tumira at mangitlog ang mga lamok na may dala ng Zika Virus.

Kalaboso ang tatlo katao sa bayan ng Surallah, South Cotabato.
Ito ay matapos aktong mahuling gumagamit umano ng illegal na droga.
Kinilala ng Surallah PNP ang mga suspek na sina Welhim Labios Jr. disi otso anyos ng Liwanay, Surallah Jerson Hueler biente tres ng Barangay Cingco, Banga at isang disi sais anyos na residente ng Libertad, Surallah.
Nabatid na ang mga suspek ay natiyempuhan lamang ng mga pulis na nagpa-pot session malapit sa airtrip sa Barangay Libertad ng arestuhin nila ang wanted na si Alex Padrones, mag aalas dos ng madaling araw kamakalawa.
Nakuha ng mga pulis mula sa mga ito ang isang sachet na may bakas ng suspected shabu, tooter at disposable lighter.
Sina Labios at Hueler ay nakakulong na sa lock up cell ng Surallah PNP.
Inihahanda na ng mga pulis ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa kanila.
Habang ang menor de edad na kasama ng mga ito ay nai-turn over na sa Municipal Social Welfare and Development Office.
Tiniyak ni Senior Police Officer 4 Renjun Bagaman,ang spokesperson ng South Cotabato PNP na walang presensya ng anumang pribadong grupo sa South Cotabato.
Sa isang pulong balitaan ipinaliwanag ni Bagaman na mayroong dalawang uri ng Private Armed Group.
Kabilang sa mga ito ayon kay Bagaman ang guns,goons and gold o triple G .
Ang mga ito ayon kay Bagaman ay inaalagaan ng mga politiko o kilalang personalidad.
Ang isang pang private armed group ayon kay Bagaman ang Organized Crime group O OCG.
Ang OCG ayon kay Bagaman ang grupo ng mga criminal na nagpapabayad ng kanilang serbisyo.
Ni isa sa dalawang mga private armed group na ito ayon kay Bagaman ay hindi matatagpuan sa South Cotabato.
Ito ang dahilan kung bakit ayon kay Bagaman, aasahan na ang matiwasay at maayos na eleksyon sa lalawigan sa Mayo a nuebe.
Sa katunayan ayon kay Bagaman, wala pang natukoy na area of concern” o election hot spot” sa South Cotabato ang PNP hanggang sa ngayon.0-0Nakuha ng isang taga South Cotabato ang milyong milyong panalo nito sa 6/42 lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.
Ang winning combination na 4-12-19-25-29-35 ay napanalunan ng sitenta’y tres anyos na reitree noong January 23.
Magisang nakuha ng sitenta’y tres anyos na retiree ang mahigit apatnaput siyam na milyong pisong jackpot price.
Ayon kay PCSO General Manager Ferdinand Roxas, sinabi sa kanya ng lotto winner na ang pagkapanalo nito ay sagot sa matagal na niyang panalangin.
Kaya din daw siya nagbabasakaling tumaya sa lotto sa nakalipas na dalawang dekada para maitaguyod ang labin apat nitong mga anak.
Plano naman ng lotto winner na ito mula South Cotabato na ibili ng bahay, lupa, at mga gamit pansaka ang bahagi ng perang kanyang napanalunan. Pinauwi ang isang atleta ng South Cotabato sa ginaganap ngayong SOCCKSARGEN Regional Athletic Association o SRAA meet.
Ayon kay Haydee Templonuevo ng Provincial Information Office ito ay matapos makitaan ng sintomas ng dengue fever.
Inihayag ni Templonuevo na maliban sa lagnat, bumaba rin ang platelet ng atleta.
Ayon kay Templonuevo, ang pagpapauwi sa isang atleta sa boxing ay desisyon mismo ng medical team ng South Cotabato delegation sa SRAA meet.
Ipinahayag ni Templonuevo na ayaw din kasi ng DepEd na malagay sa panganib ang buhay ng atleta kaya kahit na nagatubli ay pinaagbawalan pa rin itong makapaglaro.
Sakabila nito tiniyak din ni Tamplonuevo ang maayos na kalagayan ng mga delegado ng south Cotabato at maging cotabato city na kasama nilang na naka- billet ngayon sa Kiamba National High School.
Ang SRAA meet na ginaganap ngayon sa Kiamba,Sarangani province ay magtatapos sa Pebrero a syete. Anim na buwang suspension na walang sahod.
Ito ang ipinataw na kaparusahan ng Office of the Ombudsman kay Juanito Agullana, ang City Local Government Operations Officer o CLGOO ng Koronadal.
Ang desisyon na ito ng Ombudsman Mindanao, ay kinumpirma mismo ni Agullana sa panayam sa kanya ng Radyo Bida Koronadal.
Ayon kay Agullana siya ay sinuspinde dahil sa Conduct pre-judicial to the best interest of public service na inihain laban sa kanya sa Ombudsman.
Si Agullana ay inireklamo sa ombudsman matapos umanong magwala nang piliting isayaw ang isang babae kahit na ito ay labag sa kanyang kalooban.
Naganap umano ang pagwawala ni Agullana habang dumadalo sa foundation anniversary ng Barangay Zone 3 noong nakaraang taon.
Ito ay mariin namang itinanggi ni Agullana.
Ayon kay Agullana nagpalabas ng desisyon ang Ombudsman na wala umanong imbistigasyon sa kanyang panig.
Ipinahayag din ni Agullana na hindi siya sang ayon sa naging desisyon ng Ombudsman .
Gayunpaman nilinaw din nito na handa siyang tanggapin anuman ang magiging kahihinatnan sa motion for reconsideration na balak nitong ihain sa Ombudsman,
Ang suspension ng CLGOO Officer ay epektibo simula noong Pebrero a dos.-0ISA ang Kidapawan City sa mga lugar sa North Cotabato na tinungo ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas para ipalaganap ang adbokasiya niya na, Daang Matuwid.”Sa kanyang talumpati sa isang pagpupulong sa city gymnasium kahapon, ipinangako ni Roxas na itutuloy niya, at lalo pa nga’ng palalakasin, ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.Sa Kidapawan City, abot sa 2,500 ang mga benepisyaryo ng 4Ps.Isa sa mga kwento ng tagumpay ng 4Ps sa North Cotabato ang kanyang ibinahagi sa mga taga Kidapawan.Kwento ito ng isang 19-taong gulang na estudyante sa hayskul na residente ng bayan ng Matalam na nakapagtapos ng pag-aaral sa tulong ng conditional cash transfer program ng PNoy administration.Samantala isa rin sa ipinangako ni Roxas kung papalarin maging presidente ng Pilipinas na tatapusin nito ang una nang na delay na konstruksyon ng Central Mindanao Rural Airport sa Barangay Tawan-Tawan, Mlang North Cotabato.Ayon pa sa opisyal kung matapos ang naturang proyekto at tuluyan ng mag operate makatutulong itong mapalago ang bayan maging ang mga kalapit bayan dahil sa mga negosyo na papasok rito na siya namang magdadala ng trabaho sa mga mamamayan.Ito na rin aniya ang panahon para makipagsabayan ang North COtabato sa mga malalaking probinsiya sa buong bansa. Dalawang bahay sa Magpet North Cotabato, magkasunod na nilooban, 400 thousand pesos na cash, natangaySa sobrang dami ng mga gamit na tinangay ng mga magnanakaw, iniwan na lamang nila ito sa gitna ng rubber plantation sa Sitio Matas, Poblacion, Magpet North Cotabato.Sa report ng Magpet PNP, kahapon ng madaling araw, pwersahang pinasok ng mga kawatan ang bahay ng isang Edna Bogay, 49 -anyos , at isang LGU employee.Pasado alas singko na ng madiskubre ni Bogay na bukas na ang bintana sa kanilang kwarto at nawala na ang pera nitong abot sa 400 thousand pesos at mga gamit.Nabatid na sa kaparehong araw at oras pinasok rin ang bahay ng isang Julius Rosete, 35-anyos kung saan nakuha sa kanya ang iasng unit ng samsung netbook.Alas syete naman ng umaga sa araw ring iyon AY agad nagsumbong ang isang rubber tapper ng pamilya Bogay na meron raw mga inabandonang gamit sa gitna ng kanilang rubber plantation.Agad namang tinungo ng PNP ang lugar at doon na tumambad sa kanila ang ibat-ibang gamit na tingay mula SA KANILA.Narekober sa lugar ang unit ng laptop, netbook, camera, walong mga cellphone, , assorted na mga susi, charger, ibat-ibang atm cards at passport, at iba pang mga mahahalagang gamit.Ayon naman sa PNP tanging ang cash na 403 thousand pesos lamang ang tingay ng mga suspek.Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng PNP ang insidente habang nakakuha naman sila ng ebidensya sa lugar na na posibleng magagamit sa mas mabilis na pagtukoy at pagkakahuli sa mga suspek.-00-Pormal nang umupo bilang bagong commanding officer ng 39th Infantry Batallion ng Philippine Army si Lt. Col. Harold Argamosa na pumalit kay outgoing Lt. Col Jun Lamaton.Ang turn over of command pinangunahan mismo ni 10th Infantry Division Commander, Major Gen. Rafael Valencia sa loob ng bagong kampo sa Poblacion, Makilala, North Cotabato noong nakaraang araw.Sa kanyang mensahe, pinuri nito ang liderato ni Lamaton sa naimplementang kaayusan sa kanilang area of responsibility sa kabila ng banta ng limang mga guerilla units at dalawang PBC ng grupo ng New People's Army o NPA.Matagumpay ring pinangunahan ni Lamaton ang isang daang platoon units, 18 mga combat operations, siyam na mga enkwentro at pagtago sa dalawang mga high Powered fire-arms, granada, Improvised Explosive Device at pagpapabalik loob sa gobyerno sa dalawang mga rebel returnees.Sa lideraro rin ni Lamaton nadeklara na Conflict Mangeable ang mga baragay ng Tulunan at Makilala. Sa nabanggit na programa, niyakap na ni Argamosa ang kanyang bagong mga responsibilidad kabilang na rito ang tatlong mga pinanghahawakang prinsipyu.Una, patuloy nilang aalagaan ang katahimikan at handang ibuwis ang buhay kung kinakailangan.Pangalawa, protektahan ang mga proyekto sa gobyerno at panghuli ay pagsiguro na mananatili ang 39th IB bilang organisasyon na may disiplina, integredad at respeto sa mamamayan.NDBC BIDA BALITA

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...