P34-M shabu, nakumpiska sa Lanao Sur mula sa drug pusher na taga Cotabato Ctty
COTABATO CITY - KASUNOD ito ng isinagawang drug buy bust operation ng PDEA BARMM sa Brgy. Matalin, Malabang, Lanao del Sur pasado 1:00 ng hapon kanina.
Kinilala ni PDEA BARMM Regional Director Cesario Gil Castro ang suspek na si Zacaria Jaji Nandang alias Dats, nasa hustong gulang na taga Bagua 2, Cotabato City.
Nakuha sa kanya ng 5 malalaking pakete ng shabu na may bigat na 5 kilograms na nagkakahalag ng P34,000,000.00
Katuwang ng PDEA BARMM ang PDEA Maguindanao, PDEA Lanao del Sur, Provincial Drug Enforcement Unit-15, Police Regional Office ng BARMM, Regional Highway Patrol Group, NBI, NICA at 3rd Scout Ranger Battalion.
Narekober din ang Php 1,000,000.00 boodle money na ginamit bilang buy-bust money at iba pang non drug items.
Kulong na ngayon sa PDEA BARMM custodial facility ang naarestong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Mga larawan mula sa PDEA-BARMM