P3.4 million halaga ng shabu, nakumpiska ng PDEA-BARMM sa Cotabato City
Peace and Order • 07:15 AM Tue Feb 20, 2024
344
By:
NDBC NCA
COTABATO CITY - ABOT sa P3.4 milyong pisong halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-BARMM sa matagumpay na buy-bust operation sa bahagi ng Sinsuat Avenue, Poblacion 5, Cotabato City pasado alas 10 kagabi.
Kinilala ni PDEA-BARMM Information Officer Jocelyn Mary ang nahuling drug suspek na si Norhan Padao, nasa hustong gulang na taga Isulan, Sultan Kudarat Province.
Sinabi niya na abto na sa P22-M halaga ng shabu na ang nakolekta ng PDEA-BARMM magmula Enero hanggang ngayong Pebrero habang halos P13-M ang nakumpiska sa Cotabato City.