Saturday Jun, 01 2024 05:15:24 AM

Pagpatay sa kakandidatong Barangay Kapitan sa Midsayap, kinundina ni Mayor Sacdalan

Breaking News • 15:45 PM Tue Aug 29, 2023
861
By: 
DXMS Radyo Bida

COTABATO CITY – Mahigpit na kinundina ni Midsayap Mayor Rolly Sacdalan ang naganap na pagbaril at pagpatay sa kandidato sa pagka-barangay Kapitan na binarily sa harap ng municipal hall kanina.

“Mariin ko itong kinukundina, hindi papayag ang mga peace loving people of Midsayap na maulit ito, sinuman ang may gawa nito ay nararapat na mapanagot upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Haron Dimalanis,” ayon kay Sacdalan sa isang news conference.

Dahil diyan, tiniyak ni Sacdalan ang sapat na seguridad ng lahat ng mga maghaharap ng kanilang kandidatura sa Comelec office.

Ang tanggapan ng Comelec ay nasa municipal hall grounds.

Si Dimalanis, 40 taong gulang, ay katatapos lang nagfile ng kanyang COC sa Comelec at kumakain ng kanyang pananghalian dakong alas 11:45 ng umaga nang pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay ng motor at naka bonnet.

Si Dimalanis ay idineklarang dead on arrival sa Amado Diaz District Hospital.  Sugatan ang kanyang supporter na si Habir Kambiong, 27.

Si Dimalanis ay kakandidato sana sa pagka-barangay Kapitan ng Barangay Malingao, isa sa 13 barangay ng Midsayap na ngayon ay sakop na ng Special Geographic Area ng BARMM.

Ayon kay Sacdalan, mainit ang local politics sa naturang barangay.  Ang barangay Kapitan nito ay binaril at napatay noong 2019 sa kahabaan ng Quezon Avenue, sa Midsayap.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pagpatay kay Dimalanis.

Nakaalerto na ang buong PNP at Army sa Midsayap at kalapit lugar. 

May be an image of 1 person and text

May be an image of 3 people and car

May be an image of 6 people

Cotabato Light announces power service interruption for June 2

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) today announced a scheduled power interruption affecting Clemente Aliño Street...

Drug den in North Cotabato province shutdown, 3 operators nabbed

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P85,000 worth of shabu and arrested three alleged drug den operators, suspected of sharing earnings with...

Kidapawan residents feast on 3K hito, tilapia in ‘Sugba sa Dalan’

KIDAPAWAN CITY –Thousands of residents flocked to the national highway here Thursday afternoon to partake of free grilled tilapia and “hito” or...

NDBC BIDA BALITA (May 31, 2024)

HEADLINES 1   SIMBAHANG KATOLIKO sa Cotabato, humiling na mapakinggan ang kanilang panig bago tuluyang ipasa ang divorce bill 2...

Application for August 2024 Career Service Exam open till June 13

MANILA – Individuals wanting to take the Aug. 11, 2024 Career Service Examination - Pen and Paper Test (CSE-PPT) for both Professional and...