Thursday Dec, 07 2023 03:11:46 PM

Pre-trial sa kasong murder sa Hall of Justice, di natuloy, suspect sa kaso binugbog

Peace and Order • 15:45 PM Mon Nov 13, 2023
369
By: 
DXMS
Si City Police Director Col. Querubin Manalang at ang naganap na pambubogbog sa mga akusado habang sakay ng police patrol car.

COTABATO CITY - “Dinadaan na nga natin sa legal na proseso, huwag nating ilagay sa kamay ang batas, mali po yan, otherwise, kayo naman ang masasampahan ng kaso.”

Ito ang paalala at panawagan ni Cotabato City PNP Director Col. Querubin Manalang Jr. sa mga sangkot sa nangyaring pambubogbog sa Hall of Justice ng Cotabato City kaninang umaga.

“Lalo lang pong lalala ang problema at madadamay kayo, pabayaan natin ang hustisya na gumulong,” dagdag pa ni Manalang.

Nasa PNP vehicle palang kasi ang 12 mga akusado na dadalo sana sa arraignment at pre-trial sa korte nang sugurin, kuyugin at bugbugin ito ng mga supporters ng kabilang kampo.

Sa dami ng mga sumugod sa mga akusado ay hindi na ito naawat ng mga pulis.

Dahil sa insidente ay hindi na natuloy ang arraignment.

Ayon kay Manalang, sasampahan naman ng kaso ang mga nambugbog matapos matukoy ng mga akusado.

Nabatid na sinampahan ng kasong multiple murder with double frustrated murder ang 12 mga akusado dahil sa nangyaring pamamaril noong gabi ng Oct.22.

Tedurays oppose mining activities in Upi, South Upi

SOUTH UPI, Maguindanao del Sur – Around 500 Lambangian, Teduray Indigenous peoples, and migrant settlers expressed their opposition to the first...

BARMM turned over MILG building in Pigcawayan and Midsayap SGA clusters

The new Ministry of the Interior and Local Government Field Office opened on December 4, 2023, at Brgy Datu Binasing, Pigcawayan Cluster of the BARMM...

PNP tags 2 Dawlah Islamiyah members as suspects in MSU bombing

MANILA – The Philippine National Police (PNP) on Wednesday identified the two persons of interest (POI) allegedly linked to the Dec. 3 bombing...

SK gov offers P1-M for arrest of MSU bombers

KORONADAL CITY  – A P1 million reward will be given for any information on the identification, whereabouts, and eventual arrest of persons...

3 face illegal possession of 6 rifles, narcotics raps

COTABATO CITY -  The Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region confirmed on Tuesday that the three residents of this city captured...