Landmine blast at Surallah construction site leaves 1 dead, 2 hurt
KORONADAL CITY - Extortion ang motibo na tinukoy ng militar sa pagsabog ng landmine sa Sitio Lamsugi, Upper Sepaka, Surallah, South Cotabato. Ayon kay Lt.Col. Ronald Jess Alcudia, ang Commanding Officer ng 27thInfantry Battalion ngmilitar naganap ang insidente dakong ala syete ng umaga kahapon. Ang landmine, ayon kay Alcudia, ay sumabog sa road construction project sa lugar. Pagsabog ng landmine agad namang gumanti ng putok ang CAFGU sa mga umanoy kasapi ng Front 73 ng New Peoples Army. Ang palitan ng putok sa pagitan ng mga CAFGUat mga rebelde ay tumagal ng halos 30 minuto. Ito ayon, kay Alcudia, ay ikinasugat ng dalawang CAFGU at isang kasapi ng Barangay Police Action Team o BPATs. Tumanggi muna si Alcudia na pangalanan ang isang sibilyan na kasama sa construction team na nasawi sa insidente. Ang mga sugatang CAFGU ay pawang nagpapagiling pa sa iba’t ibang ospital sa South Cotabato. Ayon kay Staff Sergeant Ephraim Tupas, detachment commander ng Golf Company 72ndCAA/CAFGU na nagbabantay sa lugar, ang engkwentro ay ikinasawi din ng ilang mga kasapi ng ng NPA.