Friday May, 17 2024 02:27:17 PM

Illegal logging area na tinaniman ng saging, pag-aari ng mayor ng Magpet

Local News • 19:45 PM Fri Dec 18, 2020
1
By: 
NDBC NCA
Bakas ng mga pinutol na hardwood sa Don Panaca, Magpet, North Cotabato. Ang sagingan ay pag-aari ni Magpet Mayor Florenito Gonzaga.(DENR photo)

MAGPET, NORH COTABATO – Hindi kumbinsido si Magpet Vice- Mayor Rogelio “Bebot” Marañon sa pahayag ng ilang mga Barangay Official ng Don Panaca na umano’y wala silang alam hinggil sa illegal mining at logging sa kanilang barangay.

Ito ang sinabi sa Radyo BIDA ng bise-mayor matapos ang isinagawang legislative inquiry ng Sangguniang bayan kung saan naging bisita ang Barangay Kapitan ng Don Panaca at isa sa mga kagawad na pinangalanan ng MENRO na umano’y sangkot sa small scale mining.

Sa pahayag ng Barangay Officials, hindi nakalagay sa kanilang logbook ang pangalan ng mga pumasok sa kanilang barangay na nagsagawa ng exploration at soil sampling sa kanilang AOR na galing pa anya ang isa sa mga ito sa Tagum City.

Para kay Marañon may tinatago at takot lamang ang mga barangay official sa kanilang nalalaman hinggil sa iligal na aktibidad na kinasasangkutan ng local official.

Bukod sa mga pamumutol ng kahoy pinalitan pa anya ito ng mga tanim na saging na pagmamay-ari anya ni Alyas Tatoy pero batay sa source ni Marañon ang tototong may-ari ng malawak na sagingan ay ang alkalde ng bayan na si Mayor Florenito Gonzaga.

Samantala, dagdag pa ni Marañon magsasagawa ng legislative inquiry sa Barangay Don Panaca mismo upang makausap din ang ilan pang mga mamamayan at ibat-ibang sector ng nasabing Barangay.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang alkalde hinggil sa akusasyon ng bise-mayor laban sa kanya.

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...

Cotabato Light: Increased generation costs lead to a rise in the overall electricity rate

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) increased by P1.90 per kilowatt hour (kWh)...

Lalaking taga Cotabato City patay sa pamamaril sa Sultan Mastura, Maguindanao Norte

PATAY on the spot ang lalaking naka motor nang pagbabarilin ng mga gunmen sa Sitio Amadeo, Brgy. Boliok, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte,...

PNP wants Maguindanao Norte prosecutor out of slain cop's case

MANILA – The Philippine National Police (PNP) has sought the inhibition of a Maguindanao del Norte prosecutor from the case involving the fatal...

2 NPAs die in clash with Army in Lebak

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasawi ang dalawang mga kasapi ng teroristang komunista matapos na makipagbakbakan sa mga operating units...