Saturday May, 18 2024 08:28:19 PM

31 mga miembro daw ng kulto sa Arakan, North Cotabato nailigtas ng LGU

Local News • 16:00 PM Tue Feb 16, 2021
1
By: 
DXND radyo Bida

ARAKAN, North Cotabato  - Nasa incident management post na ng Arakan LGU ang 31 mga indibidwal na na-rescue sa isang malayong sitio ng barangay Libertad na una ng napaulat na mga miembro umano ng isang kulto.

Ito matapos makumbinsi sila ni Mayor Rene Rubino na bumaba na dahil sa hindi na maganda ang kanilang kalagayan sa bukid.

Sa report, mag-iisang taon na umano ang grupo sa malayong sitio ng naturang barangay dahil hinikayat umano silang pumunta dahil doon ang kanilang kaligtasan at para mailayo sila sa COVID-19 virus.

Dahil sa sobrang lamig at sa wala na halos makain ay tatlo sa kanila ang namatay. Ang isa ay katapusan pa ng Enero umano namatay na kinilalang si Leonardo Lauron Capillan, 61 anyos. Nitong Februiary 1 ay sumunod na namatay ang anak nitong si Bernardo Provida Capillan, 32 anyos at nitong February 6 ay namatay din ang isang Ailyn Magali, 18 anyos.

Natunton ang lugar kung saan namalagi ang grupo nang umakyat ang pamilya ng isa sa mga namatay para kunin sana ang bangkay ng kanilang kaanak pero ayaw umanong ibigay sa kanila.

Matapos na magreport sa Arakan PNP ay sumunod na umakyat ang mga tribal leaders’ para makumbibsi silang bumaba.

Una ay nagmatigas ang ilan sa kanila dahil sa doon umano sa lugar sila maliligtas. Pero matapos ang negosasyon ng mga tribal leaders ay unang nakababa ang ilan sa kanila nitong sabado.

Fenruary 14, araw ng linggo ay umakyat si Mayor Rene Rubino sa Barangay Libertad at dito ay nakumbinsi nila ang iba pa na bumaba na.

Dagda sa kwento ng mga nasa lugar ay tinipon umano sila at umakyat sa lugar para sambahin ang isang sanggol na iniluwal ng anak ni Leonardo na sinasabing nilang Niño Jesus at siyang magliligtas sa kanila.

Sa ngayon ay nasa bundok pa ang bangkay ng tatlo na dinalhan ng kabaong ng LGU at hindi pa naililibing dahil nasa advance state of decomposition na.

Kinukumbinsi narin ng LGU ang 31 na nasa incident management post para sumailalim sa medical exam para masigurong ligtas sila sa ano mang sakit dahil sa pamamalagi sa bundok.

Inihahanda na rin ng Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO Arakan ang kanilang gagawing Psychosocial Intervention para sa 31 na-rescue.

Nauna ng sinabi ng mga residente sa lugar na pinaniniwalaan nilang mga myembro ng kulto ang naturang grupo pero pinabulaanan ito ng barangay officials at iniimbistigahan narin ito ngayon ng LGU.

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...