Sunday May, 19 2024 10:27:00 AM

3 pang karagdagang barangay halls itatayo ng BARMM

GOVERNANCE/POLITICS • 11:30 AM Fri Jul 30, 2021
1
By: 
John M. Unson
 Tatlong barangay sa Datu Odin Sinsuat ang gagawan ng mga bagong barangay halls ng Bangsamoro government. (From MILG-BARMM)

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao - Magkatuwang na pinasimulan kahapon ni Bangsamoro Local Government Minister Naguib Sinarimbo at Mayor Cheryl Ann Lu ang pagpapatayo ng tatlong mga bagong barangay halls sa bayan.

Ang mga barangay halls ay itatayo sa Barangay Makir, Kurintem at Labungan bilang capacity-building intervention, o good governance promotion initiative ng Ministry of the Interior and Local Government-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MILG-BARMM) para sa mga barangay governments ng mga naturang lugar.

Ang Datu Odin Sinsuat ay siyang pinaka-malawak na bayan sa unang distrito ng Maguindanao.

Ang Maguindanao ay isa sa limang mga probinsya ng BARMM na sakop din ang Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi at ang mga lungsod ng Marawi, Lamitan at Cotabato.

Malaki na ang bilang ng mga barangay halls na nasimulan ng itayo ng MILG-BARMM na nasa ilalim ng pamamahala ni Minister Sinarimbo.

May ilang mga town halls na rin ang kasalukuyang tinatayo ng mga local governments sa BARMM na wala pang ganung gusali bilang programa din ng tanggapan ni Minister Sinarimbo.

Ang mga town hall at barangay hall construction program ng local government ministry ng BARMM ay magkatuwang na ipinapatupad ni Minister Sinarimbo at ni Bangsamoro Chief Minister Hadji Ahod Ebrahim.

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...