South Cotabato farmers opposed open pit mining, want SP to listen
KORONADAL CITY - Umaasa si South Cotabato Irrigators Agricultural Federation o SCIAF Inc. President Teodorico Fadrigo Jr. na marinig ng Sangguniang Panlalawigan ang kanilang mga hinaing kaugnay sa pag-amyemda sa environment code ng lalawigan.
Ito ay ang pagbabago sa probinsyon ng ordinansa na nagbabawal ng open pit mining operation sa South Cotabato.
Sinabi ni Fadrigo na kung matutuloy kasi ang open pit mining operation sa karatig bayan ng Tampakan, maaring maapektuhan ang kanilang kabuhayan.
Ayon kay Fadrigo ang kanilang grupo ay binubuo ng sampung mga farmer association na may mahigit 1,600 na mga myembro na nagsasaka sa 3,700 ektaryang lupain.
Hindi pa kalakip dito ayon kay Fadrigo ang libo-libong mga farm laborer na umaasa sa kanila.
Ipinaliwang ni Fadrigo na ang supply ng tubig na dumadaloy sa kanilang mga sakahan ay mula pa sa upland areas ng Tampakan na ayon sa kanya ay maaring maapektuhan ng mining operation doon.
Umaasa naman si Fadrigo na matapos magpadala ng sulat ay ipatatawag din sila at pakinggan ng konseho. (Roel P. Osano)