Sunday May, 19 2024 05:22:43 AM

BARMM, MILF vow to work for peaceful elections

BANGSAMORO NEWS UPDATES • 21:30 PM Thu Mar 10, 2022
545
By: 
Edwin O. Fernandez
BARMM RPOC meeting na pinangunahan ni Chief Minister Ahod Ebrahim (back to camera) kaugnay ng nalalapit na aleksyon. (Photo from Atty. Sinarimbo)

Sa ginanap na BARMM regional peace and order council meeting, tiniyak ni Chief Minister Ahod Ebrahim na tutulong ang MILF upang mapanatiling maayos at tahimik ang halalan.

Sinabi ni BARMM Interior minister at spokesperson Atty. Naguib Sianrimbo na ito ang unang pagkakataon na aktibong lalahok ang MILF maliban sa ginanap na plebesito noong 2019 na nagpatibay sa Bangsamoro Organic Law.

Sinabi niya na iginiit ni Minister Ebrahim na ang MILF sa pamamagitan ng political party nito – ang United Bangsamoro Justice Party, ay kumikilala sa electoral process ng bansa.

Aniya, ang MILF at UBJP ay susunod sa demokratikong paraan ng pagpili ng mga lider at hindi papayag na mangibabaw ang nakagawian ng mga traditional politicians.

Sinabi rin ni Ebrahim na hindi dapat maulit ang nakagawiang gumagamit ng pera, suhol, intimidation, harassment at pananakot ang mga pulitiko upang alisan ng karapatang bumuto ang mga tao.

Kasabay nito, tiniyak ng AFP at PNP leaders sa mga mamamyan ng rehiyon na ang Army at mga police ay mananatiling apolitical at neutral.

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...