UPDATE: Fire hits Cotabato City's PC hill residential area
Local News • 23:00 PM Wed May 25, 2022
1
By:
DXMS
COTABATO CITY - SUMIKLAB ANG SUNOG sa PC hill Cotabato City na tumupok sa ilang mga tahanan na nasa likod ng Cotabato City Naitonal High School annex building.
Naganap ang sunog pasado alas 8 ng gabi at dahil masikip ang daan patungo sa fire scene, hirap ang mga fire truck na mapasok bukod pa sa dami ng mga sasakyang nakaparada sa gilid at mga tao na naki-tsismis.
Sinabi ni Cotabato City fire spokesperson Anthony Henilo na tinatayang sampung mga bahay ang apektado ng sunog. May 15 pamilya din ang apektado.
Ayon kay Henilo, ang fire origin ay inaalam pa ng mga arson investigator.
Tumulong sa pag-apul ang apoy ang mga fire truck ng Datu Odin, Sultan Kudarat at Parang, Maguindanao.