KCC-Cotabato security guard, patay sa pamamaril
Local News • 13:00 PM Thu Jun 23, 2022
948
By:
DXMS Radyo Bida Cotabato
NAISUGOD PA SA PAGAMUTAN ngunit binawian din ng buhay ang security guard ng ginagawang KCC mall sa Cotabato city matapos itong barilin ng hindi pa tukoy na mga salarin sa bahagi ng Parang road, Quezon Avenue, Poblacion 5 kaninang 5:20 ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Willy Domingo na residente ng Landasan, Parang, Maguindanao.
Ayon sa report ng Cotabato Police Station 1 sa pamumuno ni Major Rustum Pastolero, habang nakaduty ang biktima malapit sa KCC ice plant, bigla siyang pinagbabaril ng hindi pa tukoy na mga salarin at tumakas sa hindi matukoy na direksyon.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP hinggil sa insidente.