Sunday May, 05 2024 07:24:41 PM

Maguindanao barangay kagawad, patay sa pamamaril

Mindanao Armed Conflict • 11:45 AM Tue Jun 28, 2022
986
By: 
DXMS RADYO BIDA

 

NAMATAY ON THE SPOT ang isang barangay kagawad matapos barilin sa Barangay Labungan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Kinilala ng Datu Odin PNP ang biktima na si Kagawad Macmod Masiangal na taga Barangay Labungan.

Sinabi ni Datu Odin municipal police deputy chief Lt. Guiseppe Tamayo na nagpapatuloy pa ang kanilang imbesigasyon sa motibo ng krimen at kung sino ang may gawa nito.

Sa pahayag ng isa sa kaanak ng biktima, naglalakad si kagawad patungong barangay hall kahapon ng tanghali nang barilin ng di pa nakilalang mga suspect.

Sa likod tinamaan si Kagawad Masiangal at nasawi on the spot. Tumakas ang mga suspect sakay ng motor. Sinabi rin ng kaanak nito na wala siyang kaaway sa barangay at siya ay walang ibang hangarin kundi magsilbi sa barangay.

Sa isa pang kaso ng pamamaril, sugatan ang dalawa katao na sina Amer Morad at Mohaimen Saipodin na parehong taga Buldon matapos na sila ay ambusin ng hindi pa nakilalang mga suspect.

Sakay ng motor ang dalawa nang paputukan ng mga suspect na sakay din ng hiwalay na motor sa boundary ng Buldon at Parang, Maguindanao.

Nasa ospital na ang dalawa.

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...

Suspected gunrunners huli, mga armas nakumpiska sa kanila sa Alamada

COTABATO CITY - KULONG na ngayon ang dalawang mga gunrunners matapos mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM sa isang...

High value drug peddler falls, yields 150 grams of shabu in Lanao Sur

MARAWI CITY - Lanao del Sur PPO's Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operations Group, 1st Provincial Mobile Force Company, Marawi...

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...