Monday Apr, 29 2024 03:13:42 AM

T'nalak fabric ibibida ng mga kandidata sa Mutya ng South Cotabato 2022

TOURISM • 10:15 AM Sat Jul 2, 2022
1
By: 
DXOM-RADYO BIDA KORONADAL

KORONADAL CITY - Handa nang rumampa sa Mutya ng South Cotabato 2022 ang 14 na mga binibini sa lalawigan.

Kinabibilangan ang mga ito ng mga pambato ng 16 na mga local government units at 3 malalaking organisasyon.

Ayon kay Mutya Committee Chair Cynthia Barrientos rarampa sa beauty pageant ang mga Mutya ng mga LGU na hindi nabigyan ng pagkakataon noon na lumaban noong 2019 dahil sa pandemya.

Sinabi din nito na may pambato rin ang malalaking mga organisasyon sa lalawigan kabilang ang PNP, Chamber of Commerce and Industry at Philippine Councilors League South Cotabato Chapter.

Ayon kay Barrientos kabilang sa mga ibibida ng mga kandidata sa nasabing beauty pageant ang T’nalak Haute Couture.

Pero nilinaw ni Barrientos na ibabalik ito sa 3 mga original color ng tinalak fabric na puti, pula at itim.

Dagdag pa ni Barrientos sa kauna-unang pagkakataon ang water Lily fabric na malaki ang potential para maging kabuhayan ng mga mamamayan ng Lake Sebu ay i-incorporate din sa swimsuit ng mga kandidata.

Ang Mutya ng South Cotabato na isa sa mga inaabangan tuwing T'nalak Festival ay gaganapin sa July 17.

Cotelco announces power service interruption

Carmen area TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following...

Dealer killed, P13.6-M worth shabu seized in Sulu PDEA operation

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents seized P13.6 million worth shabu from a peddler who was killed in a shootout he provoked when he sensed he...

Miss Unverse PH in float parade in Sultan Kudarat

ISULAN, Sultan Kudarat - The 2024 Miss Universe Philippines candidates during float parade from Tacurong City to Isulan town. ...

DSWD advises 4Ps cash grants beneficiaries to use ATM cards wisely

MANILA - Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) eligible beneficiaries may now claim their cash grants from select Land Bank of the Philippines...

New political party in BARMM inducts new officers, members in Cotabato City

COTABATO CITY - Mass oath taking of officers and members and general assembly ng "Serbisyong Inklusibo Alyansang Progresibo" o SIAP Party na...