Sunday May, 05 2024 11:17:03 PM

BIFF sub leader patay sa labanan kontra Army

Local News • 19:00 PM Mon Jul 18, 2022
795
By: 
Mark Anthony Tayco/DXMS

Patay sa operasyon ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army ang isang myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa ilalim ni Muslimin Amilil ng 2nd Division- Karialan Faction na kinilalang si Ramos Amilil alyas Ramos.

Ang operasyon ay nangyari alas 2:15 ng madaling araw kahapon sa Barangay Duguengen, Sariff Saydona Mustapha, Maguindanao. Ayon kay Col. Oriel Pangcog, Commander ng 601st Brigade, nagsasagawa ng military operation ang tropa ng 33rd IB sa lugar nang makasagupa nila ang grupo ni Amilil.

Umabot ng 11 minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng dalawang grupo na nagresulta sa pagkamatay ni Amilil. Nakuha naman ng militar sa lugar ang isang M14 rifle, isang M16 rifle, mga magazine at bala.

Pinuri naman ni Major General Roberto Capulong, siyang Acting Commander ng 6th ID ang tropa ng 33rd IB sa pagkakapatay kay Amilil na malaking kawalan aniya sa grupo ng BIFF.

Si Amilil ay ikatlo na sa mga myembro ng BIFF na napatay sa operasyon ng militar simula nitong Enero habang abot naman sa 133 ang nagbalik loob sa gobyerno na mga myembro nito at 105 na mga hig-powered firearms ang narekober ng militar

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...

Suspected gunrunners huli, mga armas nakumpiska sa kanila sa Alamada

COTABATO CITY - KULONG na ngayon ang dalawang mga gunrunners matapos mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM sa isang...

High value drug peddler falls, yields 150 grams of shabu in Lanao Sur

MARAWI CITY - Lanao del Sur PPO's Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operations Group, 1st Provincial Mobile Force Company, Marawi...

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...