DALAWANG TAGA South Cotabato at isang taga Maguindanao, kabilang sa 433 kataong nanalo ng lotto 6/55 jackpot prize
Local News • 07:00 AM Mon Oct 3, 2022
699
By:
DXMS RADYO BIDA
DALAWANG TAGA SOUTH COTABATO at isang taga Maguindanao, ang kabilang sa 433 kataong nanalo sa October 1 Grand Lotto 6/55 draw.
Ang lotto jackpot prize ay mahigit P236 million at sa 433 katao na mapalad na nagwagi ay makatatanggap lang ng mahigit kalahting milyong piso.
Sa kasaysayan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) lotto draw, ngayon lang ito nangyari na napakaraming nanalo na ayon sa isang senador ay nakapagtataka at parang imposible.
Pero giit ng PCSO walang iregularidad at isang “natural occurrence” lamang ang pagkakapanalo ng 433 katao.
Ayon kay PCSO General Manager Melquiades Robles, ang karamihan umano ng mga mananaya ay kumapit sa numerong “9” na maituturing na lucky number, kasama na rin ang mga multiples nito.