3 years old na bata, kinidnap sa Tacurong
TACURONG CITY, Sultan Kudarat- Pinaghahanap pa ng mga otoridad ang 3 taong gulang na batang lalaki na dinukot ng 2 armadong suspect sa Barangay Tina, Tacurong City, Sultan Kudarat pasado alas 2:00 ngayong hapon.
Sa panayam ng Radyo BIDA kay Tina Barangay Chairman Joan Gabio, ang batang biktima ay sapilitang isinakay ng mga suspek sa puting Toyota Hi-Ace Van.
Sinabi ni Gabio na bago natangay ang bata, nakipagtalo pa sa mga suspek ang lolo nito.
Kinumpirma din nito na nagpaputok din ng armas ang mga suspek.
Ayon pa kay Gabio nahagip pa ng CCTV camera ang pagpasok ng van sa kanilang barangay.
Ipinahayag nito na nakuhanan din sa video ang putol na Y108 license plate ng humarurot na van
Kasunod ng insidente naghigpit din ng kanilang checkpoint operation ang mga pulis sa Tacurong City.