Monday May, 06 2024 04:08:06 PM

UPDATE 2: Hold-up sa Bagontapay, Mlang, North Cotabato: 7 na ang patay, kabilang ang isang police officer

Peace and Order • 17:00 PM Wed Nov 23, 2022
3
By: 
DXND radyo Bida

MLANG, North Cotabato - Umakyat na sa apat katao ang nasawi kasunod ng nangyari hold-up sa Brgy. Bagontapay, M’lang, North Cotabato ngayong hapon.

Isa ring pulis ang nasawi sa naturang insidente kasunod ng isinagawang pursuit operation.

Patuloy pang inaalam ng Radyo Bida ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.

KUMPIRMADONG isang pulis ang napatay sa sa pagtugis ng awtoridad sa mga suspect sa robbery hold up sa Bagontapay, M'lang, Cotabato kaninang alas 3:00 ng hapon.

Kinilala ang pulis na si PSSG Rudy Amihan Jr. habang sugatan naman ang kasamahan nitong si CPL Noli Labesores.

Anim naman sa walong mga suspect ang napatay sa operasyon ng PNP.

Nabatid na nangholdap ang mga suspek sa isang bakeshop sa bayan.

Hinabol ang mga ito ng awtoridad at sa Barangay Sangat na nagpangabot ang dalawang grupo at nagkapalitan ng putok ng baril.

Inaalam na PNP ang pagkakakilanlan ng mga napatay na suspek.

Samantala, nagdadalamhati ngayon ang mga kasamahang police dahil sa pagkamatay ng isa sa PNP personnel ng Mlang PNP.

Si SSgt. Amihan ng Mlang MPS ay nasawi sa follow up at pursuit operation laban sa mga hold-up incident suspects sa Barangay Bagontapay, Mlang Cotabato kanina particular sa Renz-Kirk Bakeshoppe and Arozcaldo.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Larawan ng nasawing pulis.

May be an image of 1 person and text that says 'RADYO BIDA PSSG (PERMANENT) RUDY VERONA AMIHAN JR'

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...

Suspected gunrunners huli, mga armas nakumpiska sa kanila sa Alamada

COTABATO CITY - KULONG na ngayon ang dalawang mga gunrunners matapos mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM sa isang...

High value drug peddler falls, yields 150 grams of shabu in Lanao Sur

MARAWI CITY - Lanao del Sur PPO's Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operations Group, 1st Provincial Mobile Force Company, Marawi...

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...