Monday Apr, 29 2024 02:50:34 AM

Sa Mamasapano, MILF vs BIFF at sa Rajah Buayan naman ay MILF vs MILF

Mindanao Armed Conflict • 08:30 AM Wed Jan 25, 2023
695
By: 
Ruffa Mokalid/Radyo Bida
Ilan sa mga bakwet na lumikas sa takot na madamay at mga local officials na gustong tumulong mapahupa ang tensyon. (shared photos to DXMS)

AMPATUAN, Maguindanao del Sur - HUMUPA NA ANG TENSYON sa Mamasapano, Maguindanao del Sur matapos magkabakbakan ang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na ikinasawi ng 2 MILF members at pagkasugat ng apat pang kasamahan nila.

Nasawi sina MILF members Muhidin Kasanudin at Mackboy Mama at sugartan ang apat nilang kasamahan na pawang kasapi ng MILF 105th base command sa pamumuno ni Commander Ben Tikaw.

Ang grupo ng MILF ay patungong headquarters ng 33rd Infantry Battalion para makipag-usap kay Battalion commander Lt. Colonel Benjamin Cadiente kung paano mapabuti at mapaunlad ang kanilang lugar.

Pero inambus sila ng BIFF na ka-rido nila sa Sitio Amilil, Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao del Sur sa pamamagitan ng pagpapasabog ng IED sa daanan ng MILF. Ang BIFF ay pinamumunuan ni Commander Abdulkarim Lumbatun alyas Boy Jacket.

Sinabi ni 601st Brigade Commander Brigadier General Oriel Pangcog na meron nang intervention ang Army nang ginagawa ang army upang hindi na magkasagupa ang mga naglalabang grupo. 

At patuloy ang giangawang monitoring ng AFP.

Samantala, nagkasagupa naman ang MILF laban sa MILF sa Raja Buayan.

Sa report ng PNP, patay ang isang kasapi ng Civilian Armed Forces Geographical Unit o CAFGU sa nang makasagupa ang pwersa ng MILF 105th at 106th base commands sa Raja Buayan.

Sinabi sa DXMS Radyo Bida ni Rajah Buayan PNP commander Captain Joel Lebrilla na naganap ang engkwentro umaga ng Lunes at humupa lamang ito pasado alas una ng hapon kahapon.

Away sa lupa ang dahilan ng engkwentro ng dalawang MILF groups, ayon kay Lebrilla.

Aniya, nadamay lang ang CAFGU matapos nitong ilikas ang kaniyang pamilya. Namamagitan na ngayon ang LGU, Army, PNP at MILF CCCH upang matigil ang labanan.

Cotelco announces power service interruption

Carmen area TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following...

Dealer killed, P13.6-M worth shabu seized in Sulu PDEA operation

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents seized P13.6 million worth shabu from a peddler who was killed in a shootout he provoked when he sensed he...

Miss Unverse PH in float parade in Sultan Kudarat

ISULAN, Sultan Kudarat - The 2024 Miss Universe Philippines candidates during float parade from Tacurong City to Isulan town. ...

DSWD advises 4Ps cash grants beneficiaries to use ATM cards wisely

MANILA - Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) eligible beneficiaries may now claim their cash grants from select Land Bank of the Philippines...

New political party in BARMM inducts new officers, members in Cotabato City

COTABATO CITY - Mass oath taking of officers and members and general assembly ng "Serbisyong Inklusibo Alyansang Progresibo" o SIAP Party na...