Monday Apr, 29 2024 05:35:50 PM

Man dies in Kidapawan City fire

Local News • 12:15 PM Sat Mar 11, 2023
684
By: 
DXND Radyo Bida Kidapawan

KIDAPAWAN CITY - Patay ang isang lalaki makaraang masunog ang kanilang bahay sa Caña Compound, Purok 3A, Boragay, Lanao, Kidapawan City nitong madaling araw ng March 11, 2023.

Nakilala ang nasawi na si Roel Binoya, 55-years old na siyang may-ari ng bahay. HIndi na siya nakalabas sa at nadamay sa sunog na nagsimujla alas 2:30 ng umaga. 

Sa panayam ng Radyo BIDA ngayong umaga kay Fire Marshal CINSP MARLEAP P. NABOR, sinabi nito na lumalabas sa imbestigasyon na nakipaginuman ito kagabi sa kaniyang mga kasamahan sa trabaho.

Nagsindi pa umano ito ng sigarilyo bago natulog na siyang posibleng dahilan ng insidente.

Kasamang nasunog ang isa pang bahay at kapilya na katabi nito. Naideklarang fireout ang sunog alas 3:50 ng madaling araw.

Tinatayang aabot sa higit kumulang P126,000 ang danyos sa sunog.

Maliban dito, nauna ng natala kagabi ang isa pang sunog sa isang bahay sa Sitio Sibug, Barangay Sudapin, Kidapawan City.

Nagsimula umano ang sunog sa napabayaang sinindihang kandila. Agad naman itong naapula bago pa lumaki ang sunog.

 

Graduation ceremony ng MILF, MNLF police recruits, pinangunahan ni P. Marcos

PARANG, Maguindanao del Norte - PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang graduation ceremony ng unang batch ng mga Moro combatants na...

Cotabato Light announces power service interruption for May 2

COTABATO CITY - Please be informed of the scheduled power interruption affecting Upper Dimapatoy, Awang D.O.S. on Thursday, May 2, 2024, from 8:00 AM...

Political alliances of former archrivals unfolding in BARMM

COTABATO CITY - Ang dating magkakalaban ngayon nagtutulungan. Sa isang pambihirang pagkakataon nagyakapan, nagkabati at magkasama na sa isang...

NDBC BIDA BALITA (April 29, 2024)

NEWSCAST 1   P. MARCOS, bibisita ngayong sa Maguindanao del Norte, at Pikit, North Cotabato 2   MGA PARTIDO pulitikal sa...

3 finalists ng Miss U Ph, napili na

ISULAN, Sultan Kudarat - Tatlo sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines ang napili bilang finalists ng best in national costume sa ginanap na...