Wednesday May, 22 2024 10:19:52 PM

Socoteco employee patay sa pamamaril sa Koronadal

Peace and Order • 09:00 AM Fri Mar 24, 2023
904
By: 
DXOM Radyo Bida Koronadal

KORONADAL CITY - Kinilala ang nasawing biktima na si Valentine Lope, 55 anyos at taga Barangay Paraiso.

Sa panayam ng Radyo BIDA sa live-in partner ng biktima na si Charmaine Areola, sinabi nito na bubuksan na sana ni Lope ang gate matapos silang nag-gym nang nakarinig ito ng apat na putok ng baril.

Nagtamo ng gunshot wounds si Lope sa ulo at dibdib nito na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Dagdag ni Areola, wala silang nakilala na posibleng may galit kay Lope.

Batay naman sa isa sa mga testigo, makailang beses umano minanmanan ng mga lalaki na sakay sa kulay pula at puting XRM motorsiklo ang biktima bago nangyari ang pamamaril.

Sinasabing may kinalaman rin ito sa isang investment scheme ngunit tumanggi muna silang magkomento ang PNP sa bagay na ito.

Sa ngayon ay inaalam pa nila ang ibang posibleng motibo sa pamamaril at hiling ang hustisya sa pagpatay kay Lope.

Nabatid na 29 taong nagtatrabaho sa SOCOTECO-1 ang biktima.

Another bloody Basilan clan war settled amicably

COTABATO CITY - Army officials and local executives in Basilan on Tuesday settled amicably another deadly clan war in the province, ending hostility...

P1.1-M worth shabu seized in Pagadian City

COTABATO CITY - Non-uniformed policemen seized P1.1 million worth of shabu from a 19-year-old dealer entrapped in a residential area in Pagadian City...

Ex-councilor killed after claiming housing unit for MILF in BARMM

Ex-councilor killed after claiming housing unit for MILF in BARMM By Drema Quitayen Bravo COTABATO CITY (May 22) - A former council member in...

OMI first profession of religious vows and acceptance to the OMI Novitiate

COTABATO CITY - LIMANG MGA OBLATE NOVICES ng nagsagawa ng kanilang first profession of vows sa Oblates of Mary Immaculate kahapon. Ito ay sina...