Saturday Jun, 01 2024 01:53:50 AM

Airline exec visits Cotabato airport, eyes new route from Awang

Economic News • 21:30 PM Wed Oct 18, 2023
844
By: 
Drema Q. Bravo/DXMS/NCA

COTABATO CITY - PARA sa mas malawak na air connectivity, tinitingnan ngayon ng isang cooperative airline firm ang posibilidad ng pagkakaroon tatlo pang direct flight mula Cotabato Awang airport.

Ang Leading Edge Air Services Corp. o LEASCOR ay positibo sa pagkakaroon ng flight mula Cotabato Awang Airport patungong Jolo sa Sulu Province, Cagayan de Oro City sa Misamis Oriental at Iloilo City sa Western Visayas .

Kanina ay nagsagawa ng ocular inspection sa Awang Airport si LEASCOR Manager Ground Handling Abelardo J. Rodrigo kasama ang kanyang team, na malugod namang tinanggap ni Bangsamoro Airport Authority o BAA Area Manager Carmencita Salik.

Maliban sa karagdagang lipad sa mga nabanggit na lugar, aasahan din aniya ang dagdag pang mga direct flights mula Cotabato City.

Ang plano ng LEASCOR at BAA ay malaking tulong sa mga mamamayan sa Cotabato City at kalapit na lugar mula Maguindanao provinces at iba pa.

Sa pamamagitan nito ay mas magkakaroon na ng mas maraming pagpipilian ang mga pasahero.

Ang LEASCOR ay isang aviation services provider na naka base sa Clark International Airport.

Chartering arm din ito ng ACDI Multipurpose Cooperative na nagsisilbi sa mga aktibong mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines, maging mga retirees, reservists at mga regular civilian employees.

Cotabato Light announces power service interruption for June 2

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) today announced a scheduled power interruption affecting Clemente Aliño Street...

Drug den in North Cotabato province shutdown, 3 operators nabbed

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P85,000 worth of shabu and arrested three alleged drug den operators, suspected of sharing earnings with...

Kidapawan residents feast on 3K hito, tilapia in ‘Sugba sa Dalan’

KIDAPAWAN CITY –Thousands of residents flocked to the national highway here Thursday afternoon to partake of free grilled tilapia and “hito” or...

NDBC BIDA BALITA (May 31, 2024)

HEADLINES 1   SIMBAHANG KATOLIKO sa Cotabato, humiling na mapakinggan ang kanilang panig bago tuluyang ipasa ang divorce bill 2...

Application for August 2024 Career Service Exam open till June 13

MANILA – Individuals wanting to take the Aug. 11, 2024 Career Service Examination - Pen and Paper Test (CSE-PPT) for both Professional and...