Thursday May, 16 2024 08:44:08 PM

Drug suspect, naaresto matapos mag pot session sa Sultan sa Barongis, kasamahan nakatakas

Local News • 06:45 AM Wed Mar 20, 2024
329
By: 
DXMS NDBC

HULI sa joint operation ng Maguindanao Sur Drug Enforcement Unit, Sultan Sa Barongis PNP at iba pang law enforcement units ang isang drug suspek pasado alas 2:00 ng hapon kahapon sa Brgy. Barurao, Sultan Sa Barongis, Maguindanao del Sur.

Ayon sa ulat ng Sultan Sa Barongis PNP na pinamumumuan ni Lt. Alfred Gregory, nakatanggap aniya sila ng report hinggil sa mga nag po-pot session sa bahay ng isang Thon Gayao Utto alyas Thon at nang magsagawa ng raid ang kapulisan ay mabilis na nakatakbo ang mga suspek.

Hindi naman nakatakas kasama ng grupo si Norman Galindo Piang matapos makorner ng raiding team sa loob ng bahay.

Sinubukan pang habulin ng mga pulis ang iba pang mga suspek subalit mabilis silang nakatakas.

Nakuha sa suspek at loob ng bahay ang isang M16 Rifle, isang magazine, mga bala, 12 piraso ng suspected shabu at iba pa.

Tinatayang nasa 105,000 pesos ang halaga ng droga.

Kulong na ngayon ang suspek at sasampahan ng kaukulang mga kaso.

2 NPAs die in clash with Army in Lebak

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasawi ang dalawang mga kasapi ng teroristang komunista matapos na makipagbakbakan sa mga operating units...

2 drug peddlers arrested, over P1-M worth shabu seized in Cotabato City

COTABATO CITY  – Two big-time drug peddlers were arrested and over P1 million worth of shabu was seized from them during an entrapment operation...

"Octogenarian" green sea turtle released back to the wild in SarBay

KORONADAL CITY - An elderly female green sea turtle, locally known as ‘pawikan’ that was rescued in Barangay Luma Kiamba, Sarangani Province, has...

Drug peddler, huli sa drug buy bust sa Delta Bridge, Cotabato City

HULI ang isang drug suspek sa ikinasang drug buy bust operation ng PNP sa Brgy. Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte, pasado alas 5 ...

OPAPRU: IRR of amnesty grant to fast-track ex-rebels' integration

MANILA – The release of the implementing rules and regulations (IRR) of amnesty proclamations issued by President Ferdinand R. Marcos Jr. would...