Saturday Jun, 01 2024 04:07:32 PM

BARANGAY KAGAWAD, tatlong iba pa, patay sa magkakahiwalay na pamamaril sa Maguindanao provinces

Mindanao Armed Conflict • 18:45 PM Sun Mar 31, 2024
623
By: 
Drema Q. Bravo/DXMS NDBC
Ang sasakyan ng biktima na may tama ng bala sa driver side. (PNP Mamasapano) )

PATAY sa pamamaril ang isang Barangay Kagawad habang nakaligtas naman ang kasama nitong pulis matapos paulanan ng bala ang kanilang sinasakyang SUV sa Mamasapano, Maguindanao del Sur pasado alas tres noong sabado ng hapon.

Kinilala ni Mamasapano town police chief Lt. Lou Christian Villones ang nasawi na si Kgwd. Ansari Salim, 38-anyos na taga Pimbalkan, Mamasapano.

Nakaligtas naman ang kasama nitong Police S/Sgt. Mansor Sianga. Mula Brgy. Tukanalipao ang mga biktima sakay ng Toyota Hilux na may plate number NDT-5400 pero pagsapit sa Barangay Mamasapano ay dito na sila inambush.

Patay on the spot si Salim habang hindi naman tinamaan si Sgt. Sianga.

Limang empty shell ng di pa tukoy na uri ng armas ang nakita sa crime scene.

Sa Mamasapano pa rin, patay naman si Alyas Jun matapos pagbabarilin sa Barangay Tukanalipao habang nakaligtas pero sugatan ang kasama nito na si Alyas George.

Sa Buldon, Maguindanao del Norte naman, patay ang dalawa lalaki na sina Abdulgtani Kasan at Lkatip Gapor, pawang taga Buldon matapos na sila ay ambusin als 9 nitong sabado ng gabi sa Barangay Piers.

Naglalakad lang sila sa madilim na bahagi ng daan nang pagbabarilin ng mga suspect. Personal grudge ang nakikitang dahilan sa mga serye ng pamamaril na ito.

Thousands in Basilan join MNLF’s Bangsamoro party

COTABATO CITY - Thousands of residents from across the 11 towns and two cities in Basilan have pledged allegiance to the Bangsamoro Party of the...

Cloudy skies, isolated rains over PH Saturday

MANILA – The easterlies, which is affecting the eastern sections of Southern Luzon, the Visayas, and Mindanao, will bring partly cloudy to...

BARMM turns over P53-M to LGU, 20 new village halls to rise across province

MARAWI CITY — The Bangsamoro Government, through the Ministry of the Interior and Local Government (MILG), handed over P53,361,000 to Lanao del Sur...

Cotabato Light announces power service interruption for June 2

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) today announced a scheduled power interruption affecting Clemente Aliño Street...

Drug den in North Cotabato province shutdown, 3 operators nabbed

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P85,000 worth of shabu and arrested three alleged drug den operators, suspected of sharing earnings with...