Friday May, 17 2024 10:55:27 AM

Lalaki, naaresto ng PNP sa paglabag sa election gun ban sa Pigcawayan, North Cotabato

BANGSAMORO NEWS UPDATES • 16:30 PM Fri Apr 12, 2024
297
By: 
DXMS
PCADG 12

COTABATO CITY - Inaresto ng PNP ang isang 25-anyos na lalaki matapos lumabag sa ipinatutupad na Comelec gun ban sa Castor Street, Brgy. Poblacion 2, Pigcawayan, North Cotabato kaninang umaga April 12, 2024.

Kinilala ni Pigkawayan town Chief Police Major Andres Sumugat, ang suspek na si alyas “Ian”, 25-anyos, binata at residente ng Purok Sun Rise, Glan, Sarangani Province.

Ayon kay Sumugat, alas 5:00 ng umaga ng nakatanggap ng impormasyon ang kanilang himpilan mula sa isang concern citizen tungkol sa ginagawang pangugulo ng suspek sa naturang lugar.

Agad na pinuntahan ng mga otoridad ang lugar at naabutan ng pulisya ang suspek tila lasing at nangugulo sa naturang lugar.

Narekober sa suspek ang isang Cal. 38 revolver na may kasamang tatlong bala, isang basyo ng bala at isang holster.

Walang paipakitang legal na documento ang suspek sa dala nitong baril kaya't kaagad siyang inaresto ng mga otoridad.

Kasong paglabag sa R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) kaugnay sa COMELEC Gun Ban ang isinampa laban sa suspek.

Matatandaan na sinuspinde ng Philippine National Police (PNP) ang “Permit To Carry Firearms Outside of Residence” (PTCFOR) sa buong probinsya ng North Cotabato mula ika-14 ng Marso nitong taon hanggang Abril 20, 2024, upang matiyak na maayos at payapang maidadaos ang gagawing Plebesito sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Abril 13, 2024.

Ang sino mang lalabag sa nasabing kautusan ay mapapatawan ng parusang pagkakakulong ng hindi bababa sa isang taon ngunit hindi hihigit sa anim na taon na walang probasyon, permanenteng diskwalipikasyon sa paghawak ng pampublikong tungkulin, at pag-alis ng karapatan sa pagboto.

Kung ang lumabag ay isang foreigner/dayuhan, sila ay masesentensiyahan ng deportasyon pagkatapos pagsilbihan ang kaukulang termino ng bilangguan.

Lalaking taga Cotabato City patay sa pamamaril sa Sultan Mastura, Maguindanao Norte

PATAY on the spot ang lalaking naka motor nang pagbabarilin ng mga gunmen sa Sitio Amadeo, Brgy. Boliok, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte,...

PNP wants Maguindanao Norte prosecutor out of slain cop's case

MANILA – The Philippine National Police (PNP) has sought the inhibition of a Maguindanao del Norte prosecutor from the case involving the fatal...

2 NPAs die in clash with Army in Lebak

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasawi ang dalawang mga kasapi ng teroristang komunista matapos na makipagbakbakan sa mga operating units...

2 drug peddlers arrested, over P1-M worth shabu seized in Cotabato City

COTABATO CITY  – Two big-time drug peddlers were arrested and over P1 million worth of shabu was seized from them during an entrapment operation...

"Octogenarian" green sea turtle released back to the wild in SarBay

KORONADAL CITY - An elderly female green sea turtle, locally known as ‘pawikan’ that was rescued in Barangay Luma Kiamba, Sarangani Province, has...