Friday May, 03 2024 07:17:00 PM

Cops raid house of suspended mayor in Sultan Kudarat, seize guns

Local News • 14:45 PM Sat Apr 17, 2021
985
By: 
DXOM Radyo Bida Koroandal

PRES. QUIRINO, Sultan Kudarat  - Kasalukuyan na ngayong pinaghahanap ng mga otoridad ang suspendidong alkalde sa bayan ng President Quirino, Sultan Kudarat kabilang na ang ABC president matapos ang isinagawng raid ng mga kapulisan sa kani-kanilang mga bahay.

Isinagawa ang naturang operasyon sa Barangay Mangelen.

Ayon kay Sultan Kudarat Provincial Police Office public information officer Lt. Col. Joel Fuerte, inilunsad ang nasabing raid batay sa search warrant na inilabas ni Regional Trial Court Judge Allan Edwin Boncavil dahil sa pagkakaroon umano ng mga matataas na kalibre ng armas at pampasabog sa mga bahay nina suspended mayor Azel Mangudadatu at ABC president Cherry Valenzuela.

Narekober ng raiding team sa bahay ng mga ito ang sari-saring mga matataas na kalibre ng armas, mga granada, at ilan umanong mga sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Dagdag ni Fuerte, wala sa kani-kanilang mga bahay ang mga target ng raid nang isinagawa ang operasyon.

Sa ngayon ay kasong paglabag sa RA 10591 kag RA 9516 (illegal possession of firearms and explosives) ang kinakaharap ni Mangudadatu habang paglabag naman sa RA 9165 naman ang isinampang kaso laban kay Valenzuela.

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...