Friday May, 31 2024 03:16:07 PM

Mahigit 300 katao sa Lake Sebu lumikas dahil sa mga pagbaha at landslide

Climate Change/Environment • 11:00 AM Wed Mar 9, 2022
955
By: 
DXOM Radyo Bida Koronadal

KORONADAL CITY-Abot na sa mahigit tatlong daang mga indibidwal ang nanatili ngayong sa mga evacuation sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato as of 3 AM kanina.

Ang mga ito ay apektado ng pananalasa ng mga pagbaha at landslide sa mga barangay ng Takunel, Poblacion at dalawa pang mga Sitio.

Ito ay ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Rolly Aquino.

Ayon kay Aquino apektado din ng kalamidad ang barangay Maculan at iba pang lugar sa nasabing bayan.

Dagdag pa ni Aquino dalawa katao rin ang inanod ng rumagasang tubig nang piliting tumawid sa nag-overflow na tulay sa isang ilog sa Barangay Ned.

Isa sa mga biktima ayon kay Aquino ang nakaligtas habang ang kasama nito ay nakitang wala nang buhay may 800 meters mula sa bahagi ng ilog kung saan sila tinangay tubig kaninang umaga.

Sinabi ni Aquino na may sapat na stock ng relief packs ang PDRRMO para ipamigay bilang paunang tulong sa mga lumikas na mamamayan.

Ipinahayag din nito na magbibigay din ng ayuda ang PDRRMO sa mga mamamayan na nasiraan ng mga bahay dulot ng mga pagbaha at landslide.

Ayon kay Aquino may naitala ring mga pagbaha at landslide sa Barangay Laconon sa bayan ng Tboli na nirespondehan na ng team mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC.

Nanawagan din si Aquino sa mga mamamayan na nakatira sa mga flood at landslide prone areas na maging mapagmatyag at lumikas kung kinakailangan.

Ayon kay Aquino aasahan pa rin kasi ang malakas na mga pagulan sa lalawigan.

Kidapawan residents feast on 3K hito, tilapia in ‘Sugba sa Dalan’

KIDAPAWAN CITY –Thousands of residents flocked to the national highway here Thursday afternoon to partake of free grilled tilapia and “hito” or...

NDBC BIDA BALITA (May 31, 2024)

HEADLINES 1   SIMBAHANG KATOLIKO sa Cotabato, humiling na mapakinggan ang kanilang panig bago tuluyang ipasa ang divorce bill 2...

Application for August 2024 Career Service Exam open till June 13

MANILA – Individuals wanting to take the Aug. 11, 2024 Career Service Examination - Pen and Paper Test (CSE-PPT) for both Professional and...

Suspect sa pagpatay sa hepe ng Ampatuan PNP, naaresto ng CIDG sa Midsayap

COTABATO CITY - HULI habang nagpapagamot sa isang ospital sa Poblacion 1, Midsayap, North Cotabato, ang isang lalaking nahaharap sa patung-patong na...

Comelec releases 2025 mid-term polls calendar

MANILA – The Commission on Elections (Comelec) on Wednesday released the scheduled activities for the 2025 mid-term national and local elections...