Friday May, 03 2024 05:42:11 PM

NDBC BIDA BALITA (April 25, 2016)

 • 18:17 PM Mon Apr 25, 2016
1,212
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

APRIL 25,
2016 (MONDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ABOT sa tatlong libong protesters na
humihingi ng bigas, nagbarikada sa highway sa Koronadal City

2. Fetus, natagpuan sa isang basurahan
sa Cotabato city.

3. COMELEC - Davao Del Sur, tiniyak na
matutugunan ang nangyaring aberya sa kanilang Mock polls kaugnay ng May 9
Elections

4. 14-year old na dalagita sa Koronadal, patay matapos tamaan ng tumilapon na gulong ng Yellow Bus TILA MULING NAULIT sa Koronadal city
ang nangyari sa Kidapawan city, kung saan libo-libo katao, na karamihan ay mga
magsasaka, ang nagbarikada ay hinarang ang national highway sa lungsod.

Kahapon hanggang ngayon ay nasaharap ng Regional Center sa Barangay Carpenter Hill Koronadal City ang mahigit 3,000 mga magsasaka at myembro ng militanteng grupo upang igiit ang kanilang demand na bigas mula sa gobyerno.Unang hinarang ng mga ito ang bahagi ng Gensantos-Koronadal highway als 10 ng umaga. Makalipas ang isang oras, bumalik din sila sa mga tent sa harap ng regional center.Sigaw ng mga nag protesta, bigas para sa mga magsasaka na nagugutom dahil sa epekto ng El Nino Phenomenon. Matapos ang isang oras, mapayapa namang umalis sa gitna ng highway ang mga protester na nagmula sa iba’t ibang lugar ng Region 12. Pero pagdating ng hapon ay muling nagbarikada ang mga ito. Sa pagkakataong ito, sa halip na sumigaw lamang sa gitna ng daan, idinaan ng mga protester sa paghiga ang kanilang panawagan sa pamahalaan. Naging mahigpit ang mga protester sa pagharang sa mga motorista, isang nakamotorsiklong lalaki na nagpupumilit lumusot sa pikit line ang kinuyog ng mga ito. Marami sa mga motoristang papuntang General Santos City at pabalik ng Koronadal ay napilitang mag-detour sa bayan ng Tampakan. SAMANTALA, ipinahayag naman ni Koronadal City Mayor Peter Miguel na nagpadala na ng mga gamot at doctor ang Koronadal City LGU para tumulong sa mga may sakit na protester. Ayon kay Miguel sa ngayon ay ipatutupad rin ng lokal na pamahalaan ang maximum tolerance sa mga protester. Naninindigan naman si Miguel na karamihan sa mga nag-protesta ay galing sa ibang lugar at hinakot lamang sa Koronadal City. Ayon naman kay South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes, ipinagutos na nito sa pulisiya na habaan ang pasensya sa mga protester. Aminado naman ang gobernador na dahil sa kilos protesta maantala ang pagbibigay ng tulong ng provincial government sa mga drought victims. Ayon kay Fuentes, matapos katigan ng comelec ang hiling na exemption sa election ban ng pamahalaang panlalawigan, sisimulan na sana ang pamimigay ng tulong ngayong araw. Paliwanag ng gobernador, hindi rin kasi makapagpalabas ng bigas ang NFA dahil sa banta ng sasalakayin din ito ng mga protester. Ipinahayag naman ni Norhata Benito ng Department of Social Welfare and Development o DSWD 12 , nakahanda na ang tig 25 kilong bigas na ipamimigay ng ahensya sa bawat pamilya ng mga protester. Gayunpaman iginiit ni BAYAN Coordinator Ryan Lariba na nais nilang doon na mismo sa rally site ipamimigay ang tulong sa kanila ng pamahalaan. Nilinaw ni Department of Agriculture Regional Executive Director Amalia-Jayag Datukan na hindi mandato ng DA ang pagbibigay ng bigas . Sa halip ayon kay Datukan, handang magbigay ng farm inputs ang DA sa mga protester. Ngunit ayon kay Datukan ito ay idadaan pa rin ng DA 12 sa mga local government units. Hiling ni Datukan sa mga protester magsumite ng pangalan para maisailalim sa validation at mabigyan ng kaukulang tulong. Patay ang 14 anyos na dalagita habang sugatan naman ang nakababatang kapatid nito matapos tamaan ng natanggal na gulong ng bus sa Koronadal City kahapon ng hapon. Kinilala ang nasawing biktima na si Trisha Cordova. Ang kapatid naman nitong 11 anyos na si Francis ay nasa kritikal pa ring kalagayan sa isang pribadong ospital sa Koronadal ngayon. Ayon sa mga kaanak ng magkapatid, sila ay nakaupo lamang sa harap ng kanilang bahay sa Barangay San Roque, nang aksidenteng tamaan ng natanggal na gulong ng Yellow Bus na may body number A-49. Isinisi naman ng mga residente sa barangay San Roque ang trahedya sa kilos protesta ng mga militanteng grupo at magsasaka ang sinapit ng magkakapatid. Ayon sa mga kaanang ng biktima,hindi sana napamahak ang magkakapatid kung hindi hinarangan ng mga protesters ang General Santos Drive sa Barangay Carpenter Hill. Iginiit ng mga kapitbahay ng magkakapatid na kung hindi nag-detour sa bayan ng Tampakan ang bus na papuntang General Santos City, hindi na sana nakadaan ang mga ito sa Barangay San Roque, Koronadal. PATULOY PANG inaalam ngayon ng mga
imbestigador kung sino ang nag-iwan ng fetus sa isang basurahan na isang
palengke sa Cotabato city.

Natuklasan ang naturang fetus sa
likurang bahagi ng Mega market pasado alas syete ng gabi kamakalawa.

Sa report ng pulisya, itinawag lamang
sa kanila ng isang concerned citizen ang pagkakatuklas sa tinatayang limang
buwang gulang na fetus.

Agad na naiturn-over ng pulisya sa
Villa funeral homes ang bangkay ng bata.

Inaalam na rin kung sinadyang
ipinalaglag ang nasabing fetus at kung sino ang nasa likod ng naturang krimen.

IDEDEKLARA ng
lokal na pamahalaan ng Cotabato City ang taong ito bilang tourism awareness
year.

Sinabi ni
Cotabato city mayor Japal ‘Jojo’ Guiani Jr. na sa taong ito ay sisikapin ng
City LGU na paunlarin pa ang ekonomiya at negosyo sa lungsod para maging
kaakit-akit sa mga turista.

Sabi ni
Guiani, plantsado na ang iba’t ibang mga tourism-related activity na ipatutupad
ngayong taon kasabay ng pag-usbong ng iba’t ibang mga business establishment sa
lungsod.

Ayon kay
mayor Guiani, ang nabanggit na programa ay pormal na ilulunsad ngayong araw sa
pamamagitan ng isang clean up drive.

Ang Linisin
natin ang Kapitolyo” ay ang launching activity ng programa na may layuning
linisin ang lumang City Hall at City Plaza na isa sa mga cultural heritage ng
lungsod.

Naniniwala
ang alkalde na sa pamamagitan ng pagpapa-igting pa ng turismo sa lungsod,
maaaring maging isa sa mga top tourist destinations sa Region 12 ang lungsod.

Kaugnay nito
ay nanawagan naman si Guiani sa mga Cotabateño na mahalin at ipagmalaki ang
sariling lungsod.

Ngayong taon,
ang Cotabato City ay nasa TOP 5 ng mga lugar sa region 12 na madalas binibista
ng mga turista. IBA-IBA
ang pananaw ng mga presidential candidate hinggil sa usapin ng Mindanao peace
process.

Sa
pinakahuling presidential debate kahapon inihayag ni presidential bet Senator
Miriam Defensor-Santiago, na kapag siya ang naging pangulo ay una niyang bubuwagin
ang private armies ng mga abusadong politiko.

Dagdag
pa ni Santiago, babaguhin niya rin ang justice system sa bansa na angkop sa kultura
ng bawat lugar.

Sa
panig naman ni dating Interior and Local Government Sec. Mar Roxas, sinabi nito
na isusulong niya ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro dahil sa tingin
nito, ito ang kasagutan para matigil ang kaguluhan sa Mindanao.

Samantala,
naniniwala naman si Davao city mayor Rodrigo Duterte na ang giyera sa Mindanao
ay may malalim na dahilan na kailangang alamin at pag-aralan para makahanap ng
mas epektibong solusyon.

Sa
palagay ng alkalde, dapat itama ang historical injustices para magkaroon ng
pagkakataon ang kapayapaan sa Mindanao.

Sinabi
ni Duterte na importante na makipag-usap sa mga rebeldeng grupo.

Para naman
kay Vice President Jejomar Binay, dapat ay tugunan ang kahirapan sa Mindanao
dahil ito aniya ang dahilan kung bakit hindi tumitigil ang labanan sa naturang
rehiyon.

Ayon
naman kay Sen. Grace Poe, dapat ipagpatuloy ang usaping pangkapayapaan subalit
dapat mas maging malawak ito at hindi naka -sentro sa iisang grupo lang.

Matagal
ng inasam ng mga mamamayan ng Mindanao na magkaroon ng tunay at pangmatagalang kapayapaan
at matigil na ang labanan para bigyang daan naman ang kaunlaran sa lugar.

Ipinaliwanag
ng Department of Environment and Natural Resources Autonomous Region in Muslim
Mindanao o DENR ARMM na hindi kasama sa election ban ng Commission on Elections
o COMELEC ang pamamahagi ng seedlings.

Ayon
kay DENR ARMM Secretary Hadji Kahal Kedtag, regular na programa ng tanggapan ang
pamimigay ng binhi sa mga ahensiya, grupo at indibidwal na nangangailangan ng
tanim at hindi ito saklaw ng Omnibus Election Code na ipinatutupad ng COMELEC.

Bagaman
at hindi ipinagbabawal, walang distribution ng seedlings ngayon sa DENR-ARMM
dahil sa El Niño Phenomenon.

Sinabi
ni Kedtag na hindi nila ipinapayo ang pagtatanim ng anumang uri ng puno sa
panahon ng tag-init dahil zero percent ang pag-asa nitong mabuhay.

Milyon
ang bilang ng mga binhi na nakaimbak ngayon sa mga nurseries ng DENR.

Ang
nabanggit na planting materials ay gagamitin ng DENR pagsapit ng buwan ng Hunyo
kung saan inaasahan ang

paguumpisa
ng tag-ulan.

Idinagdag
ni Kedtag na ang mainam na itanim ngayong tag-init ay bakawan o mangrove dahil
makakaasang hindi

masasayang
ang tanim dahil pinatutubo ito sa dalampasigan.

Ang
Mangrove ay nagsisilbing pugad at tirahan ng mga isda sa dagat.

ABOT
NA NGAYON SA MAHIGIT pitong libo ang mga iskolar ng Maguindanao Provincial
Government sa ilalim ng programa nitong Maguindanao Program on Educational
Assistance and Community Empowerment o Mag-PEACE.

Sabi
ni Maguindanao Governor Esmael ‘Toto’ Mangudadatu na patuloy na sinusuportahan
ng kanyang administrasyon ang naturang programa para mabigyan ng de-kalidad na
edukasyon ang mga mahihirap na mga mamamayan ng lalawigan.

Naniniwala
si Mangudadatu na kapag edukado ang mga mamamayan sa isang lugar ay mas mabilis
na makakamit ang kaunlaran at kapayapaan.

Sa
ngayon, sinabi ni Mangudadatu na nasa 20 mga state colleges and universities
ang mga Mag-PEACE scholar na nasa Maguindanao, Sultan Kudarat, Tacurong city,
Cotabato city at Koronadal city.

Ayon
kay governor Mangudadatu, sa ilalim ng Mag-PEACE, ang mga college-level
scholars ay tumatanggap ng P6,000 na allowance kada semester habang ang mga high
school scholar naman tumatanggap ng P3,000.

Ang
mga Mag-PEACE scholars ay kailangan namang makakuha ng general average na 82
percent para manatili sa programa.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous drugs Act of 2002 ang isang lalaki matapos maaresto sa inilunsad na buy bust operation ng PNP sa Makilala, North Cotabato.Kinilala ang suspek na si Vincent Castro Manlugas alyas Pastor, 26 anyos na taga Sitio Patulangon, brgy. Malasila, Makilala North Cotabato.Ang nabanggit na operasyon ay inilunsad ng PNP sa Sitio Mahayahay, brgy. Poblacion, Makilala nitong sabado.Ang pagkakaaresto sa suspek ay bahagi pa rin sa mas pinalakas na kampanya ng mga otoridad kontra ilegal na droga sa bayan.Nakakulong na ngayon sa Makilala PNP lock up cell ang suspek. Positibo ngayon ang pamilya Verdin na makukuha nila ang kanilang 78-anyos na ina na si Valentina Verdin, isa sa mga naarestong magsasaka kasabay ng Kidapwan City dispersal noong April 1.Sa panayam ng Radyo Bida kay Kiriko Verdin, anak ng biktima, nangako raw ang mga leader ng progresibong grupo na ihahatid nila si aling Valentina bukas sa brgy. Maria Caridad, Arakan, North Cotabato.Pero sa kabila ng pangako ng mga progresibong grupo pursigido ang pamilya Verdin na kahit anong mangyari ay babawiin nila ang kanilang ina.Nilinaw naman ni Mang Kiriko na walang opisyal o sinuman ang nag utos sa kanila na sabihing may deperensya ang pag-iisip ng kanilang ina.Ito matapos mag viral sa social media ang naging pahayag ng kanilang ina.Samantala, inihahanda na rin ng mga magsasaka ang kasong criminal at administratibo laban sa mga mataas na opisyal at miembro ng police sa North Cotabato.Kabilang sa mga naghain ng reklamo ang pamilya ng mga magsasakang nasugatan at naaresto ng PNP kasabay ng dispersal noong April 1.Nakatakda itong ihain sa office of the Ombudsman for Mindanao sa Davao City ngayong araw kasama na rin ang kanilang mga abogado mula sa NUPL, UPLM at PILC. Sa pamamagitan ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army mas naintindihan na ngayon ng mga residente ng Columbio, Sultan Kudarat ang mga programa ng gobyerno para sa kanila.Ito matapos ang isianagawang 3-Day stay-in activity na may titulong Peace Building Seminar na isinagawa sa Columbio National High School, Poblacion, Columbio.Nilahukan ito ng 129 na mga partisipante mula sa ibat-ibang barangay ng nabanggit na bayan.Layunin ng aktibidad na ipiaalam at ipaabot sa mga residente na hindi totoong pinapabayaan sila ng gobyerno.Pinaitindi rin sa kanila ang tungkol sa CPP/NPA/NDF lalo na ang kanilang mga estratihiya at mga propaganda.Sa mensahe naman ni Columbio Mayor Amirh Musali, sinabi ni na ang ang Kapayapaan at Pag-unlad ay isang respondibilidad.Kaya naman hinimok niya ang mga partisipante na makipagtulungan sa gobyerno lalo na sa militar at pulisya para tuluyan nang makamtan ang matagal nang iniaasam na tunay na katahimikan at kapayapaan sa bayan ng Columbio sa Sultan Kudarat. Sugatan ang isa katao sa panghahagis ng granada sa Poblacion, National Highway bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat noong Sabado ng gabi.
Ayon kay Kalamansig PNP, Officer In Charge Police Senior Inspector Patrich Elma, ang inihagis na granada ay tumama sa harapan ng bahay ng isang Leonardo Caberte.
Ipinahayag ni Elma na bagama’t nakaligtas sa pagsabog si Caberte na siya umanong target ng suspek, nagtamo naman ng slight injury mula sa shrapnel ang noo’y nakituloy sa pamilya Caberle na si Rosita Lagos.
Kinumpirma din ni Elma na ang target na pasabugan ng granada na si Caberle ay isang non uniformed personnel ng Kalamansig PNP.
Hindi pa tukoy ng mga pulis ang suspek at kung ano ang motibo nito sa panghahagis ng granada sa pamamahay ni Caberle. Binaklas ng Commission on Elections o Comelec ang mga campaign posters na ikinabit sa mga illegal na lugar sa Koronadal City.
Nanguna sa pagtanggal sa mga illegal campaign materials si City Election Officer Atty. April Mitchor.
Sinuyod ng Comelec ang General Santos Drive mula sa boundary ng Koronadal City sa bayan ng Tupi hanggang sa boundary naman nito sa bayan ng Tantangan.
Napuno naman ng mga tinanggal na poster ang dump truck ng Department of Public Works and Highways o DPWH na ginamit ng Comelec.
Hindi naman tinaggal ng Comelec ang mga oversized at campaign posters na iniligay sa mga pribadong lugar.
Paliwanag ni Mitchor magpapadala sila ng notice para paalalahanan ang mga kandidato na tanggalin ang kanilang mga illegal campaign materials. Inaasahang matatapos na ang pamimigay ng tulong sa mga drought victims ng Philippine Red Cross o PRC sa Koronadal City sa Lunes.
Gayunpaman nilinaw ni Koronadal City Social Welfare and Development Officer Mary Jane Gabucan na ito ay unang bugso pa lamang ng tulong sa mga drought victims.
Tiniyak ni Gabucan na mamimigay pa ng tulong ang PRC sa mga apektado ng dry spell na hindi nalakip sa unang talaan ng CSWD.
Ayon kay Gabucan, ang lokal na pamahalaan ay mayroong 25,000 benefeciary kabilang sa mga ito ang mga myembro ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps.
Ipinahayag ni Gabucan na madadagdag din sa kanilang talaan ang abot sa 4,000 na mga magsasaka na mabibigyan ng bigas sa ikalawang bugso ng pagbibigay ng tulong sa mga drought victims.
Matatandaan na para sa mas madaling re-packing ng bigas, tumulong sa lokal na pamahalaan ng Koronadal ang kanilang mga volunteer, kawani at benipsiyaryo ng Special Education for Students o SPES.

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...