Tuesday Jun, 18 2024 04:20:24 AM

NDBC BIDA BALITA (April 26, 2016)

 • 23:49 PM Tue Apr 26, 2016
1,368
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

APRIL 26,
2016 (TUES)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Nag-protestang magsasaka sa Koroandal, umuwi na matapos mabigay ang DSWD ng 2,000 bags of rice.2. HIGIT ISANG DAANG mga dating MILF
combatant, nagtapos sa kinuhang technical vocational course.

3. MGA GOVERNMENT at PNP Officials na
dawit sa madugong dispersal ng mga nagpo-protestang magsasaka sa Kidapawan
city, kinasuhan na

4. Dengue cases sa South Cotabato, tumaas ngayong taon. UMUWI NA sa North Cotabato at iba pang lugarang mga magsasaka at myembro ng progresibong grupo na kasama sa mga nagprotesta sa Koronadal City makaraang magbigay ang DSWD-12 ng 2 libong sako ng bigas. Ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP North Cotabato Chairman Joselito Roxas, malaking tulong na rin kasi sa mga nagugutom na magsasaka ang bigas na ipinadala sa kanila ng Department of Social Welfare and Development o DSWD 12. Ayon kay Roxas bawat protester mula North Cotabato ay mabibigyan ng tig isang sako ng bigas. Ang DSWD 12 ay nagpadala ng paunang 2,000 sako ng bigas sa mga protester kahapon. Gayunpaman iginiit pa rin ni Roxas na para ma-sustain ang kanilang pangangailangan bago maibangon ang kanilang kabuhayan, tuloy pa rin ang panagawagan nila ng 15,000 sako ng bigas para sa apat na lalawigan ng Region 12. Ayon kay DSWD 12 Information Officer Dennis Domingo, nagbigay ng bigas ang ahensya dahil inasinaalang alang ang kapakanan ng mga kababaihan , senior citizens at kabataang protesters na apat na araw nang nagtitiis sa init ng araw. NASA 133 decommissioned combatants o
mga dating mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ang matagumpay na
nagtapos sa kanilang napiling technical-vocational course sa ilalim ng programa
ng Technical Education and Skills Development.

Sa kanilang graduation ceremony
kahapon, sinabi ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o
OPAPP na ang naturang mga TESDA graduate ay kabilang sa 145 MILF combatants na
sumailalim sa decommissioning process noong Hunyo ng nakalipas na taon.

Ang mga ito ay nagdesisyong sumailalim
sa skills training ng TESDA bilang paghahanda sa kanilang bagong buhay bilang
mga sibilyan.

Kabilang sa mga kursong kinuha ng mga
decommissioned MILF combatant ay ang bread and pastry production, driving,
carpentry, cookery, motorcycle/small engine repair, dressmaking/tailoring,
automotive servicing, electrical installation and maintenance, at
entrepreneurial skills training.

Maliban sa techvoc training, tumanggap
din ang mga ito ng allowance sa ilalim ng cash-for-training program ng Department of Social Welfare and Development
at Department of Education.

Nabatid na mismong si government peace
panel chairperson Miriam Coronel-Ferrer ang naging espesyal na panauhin sa graduation
ng mga dating mandirigma ng MILF.

Sabi ni Ferrer, maituturing na bahagi
ng tagumpay ng peace process ang pagtatapos ng mga dating rebelde.

Umaasa siya na makatutulong sa patuloy
na pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao ang naturang mga
decommissioned MILF combatant na magsisilbing buhay na halimbawa ng peace and
development efforts ng gobyerno at MILF. PATULOY PA
RING GINAGAMOT NGAYON sa ospital ang sampung sugatan sa nangyaring vehicular
accident sa Brgy. Iganampong, Datu Unsay, Maguindanao na naganap kamakalawa ng
hapon.

Nabatid na
ang mga sugatan ay isinugod sa Maguindanao Provincial Hospital, at sa iba pang
ospital sa Koronadal City at Cotabato city.

Sinabi ni Datu
Unsay PNP chief police Sr. Insp. Jobert Caldea na nasawi sa naturang aksidente
si Bai Sittie Minso Tahis, Single, 26 years old at taga Cotabato city.

Ayon kay
Caldea, isang puting pampasaherong Toyota van na napakabilis ng takbo ang
sumalpok sa puno ng Ipil-Ipil habang malakas ang buhos ng ulan.

Sinasabing
isang Hadja Norhata Katadusha ng Guindulungan, Maguindanao ang may-ari ng van.

Nagmula pa
ang naturang sasakyan sa General Santos City at pabalik na sana ng Cotabato city
nang mangyari ang aksidente. KINUMPIRMA
ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang pagpatay ng Abu Sayyaf Group o
ASG sa isa sa dayuhang bihag ng mga ito.

Ayon
kay Trudeau, pinatay na ng ASG ang bihag na si John Ridsdel, isa sa tatlong
dayuhan na dinukot ng grupo mula sa isang resort sa Samal Island noong
nakaraang taon.

Kasama
ni Ridsdel ang kapwa nito Canadian na si Robert Hall, Norwegian na si Kjartan Sekkingstad at Pinay na si Marites Flor na dinukot ng ASG
sa Holiday resort sa Island Garden City
of Samal noong September 21, 2015.

Ayon
kay Trudeau kagalit-galit ang naturang balita na isa nilang kababayan ang
biktima ng karahasan. Ito aniya ay isang uri ng ‘cold-blooded’ murder.

Nangako
naman si Trudeau na makikipagtulungan sa pamahalaan ng Pilipinas upang agad na
maiharap sa batas ang mga pasimuno ng karumal-dumal na krimen.

Nagpahatid
na rin ito ng pakikiramay sa pamilya at kaibigan ng pinatay na Canadian.

Una
rito, isang pugot na ulo ang natagpuan ng mga residente ng Barangay Walled
City, sa Jolo, Suluang noong Lunes ng gabi.

Sa
paunang ulat, ang ulo ay ‘caucasian-looking’ kaya’t lumutang ang balita na
pinugutan na ng ulo ang isa sa mga dayuhang bihag ng ASG.

Umuugong
naman ang bali-balitang ang naturang pugot na ulo ay mula sa Norwegian na hawak
ng ASG na pinugutan ng ASG matapos mabigong magbayad ng ransom na 300 million
pesos.-00-PINALAYA
NA ng mga New People’s Army o NPA ang limang police officers na kanilang
dinukot noong April 16 sa Davao City.

Kinumpirma
ni Chief Insp. Milgrace Driz ang pagpapalaya kina Chief Insp. Leonardo
Tarongay, PO3 Rosenie Cabuenas, PO3 Rudolph Paceta, PO3 Abdul Aziz Ali at PO2
Neil Arellano.

Una ng
ay inanunsyo kahapon ng tanghali ni National Democratic Front spokesperson Rubi
del Mundo ang pagpapalaya sa nasabing mga bihag.

Ang
grupo ni Tarongay ay dinukot ng mga CPP-NPA member habang nagmamando ng
checkpoint sa Paquibato District sa Davao City.

Isinabay
ang pagpapalaya sa mga bihag sa ika-43 anibersaryo ng National Democratic
Front.

Nabatid
naman na sa ngayon ay hawak pa ng mga rebelde ang labing-isang mga
prisoners-of-war” na hindi nila pinangalanan.

Una
rito, nagpadala ng video ang NPA sa mga kaanak ng kanilang mga binihag na pulis
bilang proof of life ng mga ito.

-00-PATULOY
NA PINA IIGTING ng Overseas Workers Welfare Administration ng Autonomous Region
in Muslim Mindanao o OWWA-ARMM ang kanilang mga programa para sa kapakanan at
kinabukasan ng mga OFW at pamilya ng mga ito.

Kaya
naman kamakailan ay bumuo ng bagong OFW Family circle o OFC ang ahensya sa
Sultan Kudarat, Maguindanao.

Abot
sa 51 mga OFW, dating OFWs at ilang mga kaanak nmg mga ito ang naging bahagi ng
orientation program and community organizing ng OWWA-ARMM.

Ayon
kay OWWA-ARMM Director Amy Crisostomo ang OFC ay magsisilbing support system ng
pamilya ng OFWs na naglalayong maibigay ang agarang tugon sa mga problema at
mga pangangailangan ng mga miyembro.

Sa
ilalim ng OFC maaaring makabenipisyo ang mga miembro at pamilya ng mga ito sa financial
training at seminar, livelihood projects at peer counseling social benefits,
education at training benefits, workers welfare assistance program,
repatriation at reintegration programs at iba pang social at family welfare
services.

Umaasa
naman ang OWWA ARMM na mas magiging madali rin ang kanilang monitoring sa mga
OFW na OFC members sa pamamagitan ng kanilang programa.

-00-Abot na sa 1003 ang nagkasakit ng dengue sa South Cotabato mula Enero hanggang Abril 23 nitong taon.
Ayon kay Provincial Epediomology Surviellance Unit o PESU Disease Surviellance Officer Cecile Lorenzo, ito ay mas mataas ng 62% na naitala sa lalawigan kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Lumabas din sa datus ng PESU na anim ang nasawi dahil sa dengue sa South Cotabato ngayong 2016.
Ang mga ito ay mula sa mga bayan ng Surallah, Banga at Koronadal City.
Pinakabatang naitalang nagkaskait ng dengue ay isang tres anyos habang pinakamatanda naman ay 93 anyos.
Ayon kay Lorenzo pinakamaraming dengue cases ay naitala sa Koronadal City at bayan ng Surallah.
Matagal nang ipinapayo ni Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido sa mga mamamayan na para maiwasan ang dengue, panatiling malinis ang kapaligiran.
Payo nito sa pulbiko na linisin ang anumang basura na maaring maipunan ng malinis na tubig tulad ng mga bao ng niyog, tansan, bote at iba pa. Nag viral ngayon sa social media na facebook ang video ng isang babae na nanganak sa bus sa Koronadal City noong linggo ng umaga.
Ayon kay Jay-R dela Cruz na siyang unang nag-upload ng video sa internet, katabi nito sa bus ang nanganak na babae.
Ipinahayag ni Dela Cruz na napansin nitong hindi na mapakali at namumutla ang babae sa bayan pa lamang ng Tupi.
Ayon kay dela Cruz, nang sinabi ng babae na parang manganganak na ito tinawag ni Dela Cruz ang konduktor ng bus at nakiusap na bilisan ang pagpapatakbo para makarating agad sa Koronadal City.
Gayunpaman ang babae ay nagluwal ng babaeng sanggol pagdating pa lamang sa Barangay Saravia, Koronadal.
Kinilala ang babaeng nanganak sa bus na si Mary Jane Passion, residente ng Tampakan, South Cotabato.
Ayon kay Dela Cruz, nagtulungan ang mga pasahero ng bus sa pagpapaanak sa babae .
Ang mag-ina ay nasa ligtas nang kalagayan sa isang pribadong ospital ngayon sa Koronadal City. Nabatid na ang nanganak na babae ay mula General Santos City at patungo sana sa Koronadal City. Tapos na ang fire prevention month pero patuloy pa ring dumadami ang grassfire sa Koronadal City.
Ayon kay Koronadal Fire Marshall Reginald Legaste, abot na sa 24 na kaso ng grass fire ang naitala nila sa lungsod ngayong Abril.
Umabot naman sa 11 na kaso ng grassfire ang natilala sa Koronadal city noong Enero, 20 noong Pebrero at 23 noong Marso.
Ayon ay Legaste kadalasang nging sanhi ng frass fire ang pagsusunog ng basura.
Umapela si Legaste sa mga mamamayan kapag nagka-grass fire sa kanilang lugar agad itong ireport sa BFP.
Paliwanag ni Legaste delikado kasi sa mga bombero at fire truck na umakyat sa mga terrain tuwing gabi.
Upang mapaigting ang pagresponde sa sunog bubuuin muli ng lokal na pamahalaan ng Koronadal ang kanilang Fire Volunteer Brigaide.
Ito ay sa pamamagitan ng Citywide fire Olympics sa Mayo 25 hanggang 26. Ipinahayag ni Koronadal Agriculture Officer Emelita Miguel na di nito matiyak kung sapat pa ang supply ng Commercial Rice sa lungsod.
Ayon kay Miguel sa halip kasi na iimbak, kadalasang ibinebenta ng mga nakapag aning magsasaka ang kanilang mga produktong palay dahil sa El Nino Phenomenon.
Nilinaw naman ni Miguel na sa kabila nito nananatili pa ring stable ang presyo ng commercial rice sa Koronadal City.
Ipinihayag din ng city agriculturist na may sapat na bigas ang National Food Authority na ibebenta sa mas murang presyo.
Kaugnay nito, ipinahayag din ni Miguel na unang makatataggap ng water pumps mula sa lokal na pamahalaan an gang siyam na communal irrigators association sa Koronadal na matinding apektado ng dry spell.-00-Tukoy na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan sa rebeldeng napatay sa nangyaring enkwentro sa pagitan ng militar at New People's army o NPA sa Brgy Datal Blao, Columbio Sultan Kudarat.Sa report na nakalap ng Radyo Bida, ang namatay ay kinilalang si Alfredo Dela Cerna, 43 anyos, dating Kagawad ng Brgy Saub, Matan-ao, Davao del Sur.Narekober kasama ni Dela Cerna ang isang M16 armalite riffle, mga ID at iba pang dokumento.Kahapon, inihatid na ang bangkay nito sa kanyang pamilya.Si Dela Cerna ay itinuturong kasapi ng Guerilla Front 72 ng Far South Mindanao Region na halos 30 minutong nakipagbakbakan sa bulubunduking bahagi ng Datal Blao na nasa boundary ng South Cotabato at Sultan Kudarat.Nag operate ang mga militar sa area matapos matanggap ang report mula sa mga residente sa umano grupo ng mga armado na nagngingikil sa nabanggit na lugar-00-Isinampa na kahapon ng mga magsasaka ang kasong kriminal kontra sa mga piling Government Officials sa North Cotabato at PNP na umano responsable sa inilunsad na dispersal sa mga nagbarikadang raliyesta noong April 1 sa Kidapawan City.Sa panayam kay Atty Epraim Cortez, dalawang mga kasong kriminal at kanilang inihain sa Ombudsman for Mindanao, Davao City.Unang kaso ang umano paglabag sa RA 7438 o ang Arbitrary at illegal detention sa higit 70 magsasakang sinampahan ng direct assault na inaresto ng PNP.Ikalawa ang kasong murder, Frustrated Murder at Attempted Murder na isinampa ng limang mga magsasaka kontra kina PNP Director General Ricardo Marquez, DILG Secretary Mel Senin Sarmiento, Cotabato Governor Emmylou Mendoza, Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, PRO-12 Regional Director Police Chief Supt. Noel Armilla, dating PNP provincial Director Senior Supt Alexander Tagum, Supt John Meridel Calinga, 103rd Infantry Brigade Commander Rafael Valencia at iba pa. Ayon kay Cortez sa kabila ng mga narinig na testimonya, malinaw rin na ebidensya sa kanilag kaso ang resulta sa isinagawang otosiya ni Dr. Raquel Forton na bala ng baril ang ikinamatay ng magsasakang si Darwin Sulang ng Arakan, North Cotabato.Matatandaang ilang araw ring natulog sa kalasada ang higit anim na libong magsasaka at naparalisa ang daloy ng trapiko ng Davao- Cotabato road, para ipaabot lamang sa gobyerno ang kanilang hiling na bigas na nagresulta naman ng pagkamatay at pagkakasugat ng mga magsasaka at PNP personnel matapos buwagin ito ng mga otoridad noong April 1. Para kay Makilala Municipal Social Welfare and Development officer Lina Cañedo, hindi nahaluan ng pulitika ang kanilang ginawang relief operation sa Makilala, North Cotabato.Ito matapos ang kanilang relief distribution noong nakaraang linggo sa mga pamilyang labis naapektuhan ng El Niño.Sinabi ni Canedo, sila lamang at ilang mga volunteers mula sa Philippine Red Cross at brgy ang nagsagawa sa nabanggit na operasyon kung saan mariin nilang ipinagbabawal ang presensya ng mga kandidato.Base sa datus ng Makilala LGU, higit 20 libong mga pamilya ang nakinabang sa tulong mula sa apat na milyong pisong Local Disaster fund ng LGU at katuwang ang Department of Social Welfare and Development Office (DSWD). Malaki ang naging kontribusyon ng matinding init ng panahon sa mga naitalang insidente ng sunog sa Kidapawan City.Sinabi ni Fire Officer 1 Jonathan M. Cornejo, Chief of Internal Affairs Services ng BFP Kidapawan, umabot sa halos 80 kaso ng sunog ang naitala sa lungsod sa unang quarter ng 2016.Malaking porsyento sa mga naitalang sunog ay ang Grass fire habang Limang kaso naman ang naitalang kaso ng structural fire.Base sa datus, mas mataas ang naitalang kaso ng sunog ngayong unang quarter ng taon kumpara noong 2015 sa kaparehas na panahon. Tinatayang abot naman sa pitong milyong peso ang naitalang halaga ng pinsala sa mga establisyemento at ari-arian dahil sa sunog. Dagdag pa ni Cornejo, nagsasagawa na sila ng fire drill activity lalong lalo na sa mga establesyemento sa lungsod para ihanda ang mga residente sakaling may maganap na sunog. Nagpapatuloy pa rin aniya ang kanilang Fire Awareness Campaign para matulungang mabawasan ang bilang ng sunog.-00-Kahit na sobrang init ng pahanon, patuloy paring namomonitor ng Kidapawan City Health Office ang kaso ng mga nagkakasakit ng dengue sa mga barangay sa lungsod.Nito lamang unang quarter ng taon, nakapagtala na ang City Health office ng 111 na kaso ng dengue.Sa nabanggit na bilang, ang 62 dito ay naitala noong January, 23 noong February at 26 nito lamang marso.Dahil dito, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang awareness campaign sa bawat barangay upang maipabatid sa mga mamamayan ang mga posibleng maidulot sa kaling makagat ng lamok na may dalang dengue virus.Tiniyak naman ng City Health Office na sapat ang gamot sa mga barangay health centers upang matugunan ang mga gamot na kinakailngan ng pasyente.NDBC BIDA BALITA

6 dead, four hurt in General Santos City highway accident

COTABATO CITY - Five commuters, among them a 12-month-old child, and a tricycle driver died when the three-wheeled vehicle carrying them...

NDBC BIDA BALITA (June 17, 2024)

HEADLINES 1   P2.2 million na halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP sa simultaneous operation nito sa Region 12 2   Sa North...

63 guns seized, confiscated during PRO-12 Sacleo

GEN. SANTOS CITY - A total of 62 operations were conducted that resulted in the arrest of 2 individuals and the confiscation of 63 assorted...

P2.2-M shabu seized during PRO-12 SACLEO

GEN. SANTOS CITY - The Police Regional Office 12, under the leadership of Regional Director Brig. Gen. Percival Augustus Placer has successfully...

Kagi Murad: Reflect on Eid al-Adha for stronger, unified Bangsamoro

COTABATO CITY – As Muslims celebrated Eid al-Adha on Sunday, Chief Minister Ahod Ebrahim called on the Bangsamoro community to reflect on the...