Friday May, 03 2024 09:20:49 PM

NDBC BIDA BALITA Dec. 1, 2015

 • 21:01 PM Tue Dec 1, 2015
1,830
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

DECEMBER 1, 2015
(TUESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. GRUPO ng mga jeepney driver at
operator, inirereklamo ang panghuhuli sa kanila ng Cotabato City TMU at pag
impound ng kanilang mga sasakyan dahil sa kawawalan ng business permit.

2. North Cotabato PNP, itinangging
planted ang mga ebidensyang nakuha mula sa isinagawang search operation sa
Magpet, North Cotabato.

3. Mga bilanggo sa South Cotabato
Provincial Rehabilitation and Detention Center, ikinasal.

4.USM- Kabacan Graduate, Top 3 sa katatapos na LET board exam

5. Tulong para sa mga apektado ng engkwentro sa Palimbang, Sultan Kudart, sapat, ayon sa DSWD

Local………………..

UMALMA
ngayon ang mga operator at driver ng mga public utility jeepney na may rotang NG
AWANG, Datu Odin Sinsuat at COTABATO CITY, sa ipinatutupad na polisya ng city
LGU hinggil sa pagbabayad nila ng BUSINESS PERMIT.

Kinuwestyon
ni Awang Transport Services Cooperative o ATSCO President Francisco Guiam ang
panghuhuli sa kanilang mga driver at pag impound sa kanilang mga sasakyan dahil
wala silang business permit mula sa lungsod.

Iginiit
ni Guiam na hindi naman sila saklaw ng naturang City ordinance 780.

Binigyang-diin
pa nito na wala namang kapangyarihan ang TMU na mag impound ng mga sasakyan
dahil ang LTO lang ang may karapatang gawin ito.

Si
Guiam ay nasa Maynila ngayon para magsampa ng pormal na reklamo laban sa DILG
at dudulog din ito sa korte suprema kaugnay sa isyung ito.

Samantala,
sinubukan namang kunan naman ng Radyo Bida ng pahayag ang Sangguniang
Panglungsod Committee of transportation at maging ang inirereklamong si dating
Traffic Management Unit chief Dr. Ed Rabago, subalit nabigo ang himpilan. Local …………………

NANGANGAMBA
ngayon si Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano na lalo pang magkakaproblema ang
Bangsamoro Basic Law o BBL sa pag usbong ng bagong terror group sa Mindanao na
mga dati ring miembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na nag-level-up
na sa pagiging terorista.

Ang
tinutukoy ni Alejano ay ang ‘Ansarul Khilafa’ terror group na ang mga kuta ay
sinalakay ng Philippine Marines kung saan ilang miyembro nito ang napatay sa
sagupaan.

Kaya
panawagan ng mambabatas sa pamahalaan, agad na buwagin ang naturang grupo bago
pa man makapaghasik ng terorismo.

Gayunman,
hindi nito isinasantabi ang posibilidad na magdudulot ito ng komplikasyon sa
peace talks ng pamahalaan at MILF. Local…………………….

DALAWA KATAO ang nasawi at 14 na iba pa ang nasa pagamutan matapos
uminom ng tubig mula sa balon sa barangay Kinam, sa bayan ng Malapatan,
Sarangani.

Pinaniniwalaang kontamindo ng Escherichia coli o e-coli bacteria
ang naturang tubig sa balon.

Karamihan sa mga pasyente ay dinala sa pagamutan sa General
Santos City.

Base sa pagsusuri ng mga doktor ay pawang may mga lagnat na
sanhi ng typhoid fever at diarrhea ang mga ito.

Halos lahat ng mga pasyente ay mga B’laan at kumpirmadong dalawa
na ang nasawi.

Nabatid na marami pang mga residente sa lugar ang nakaranas ng
kahalintulad na sintomas ngunit hindi makapunta sa pagamutan dahil sa kawalan
ng pamasahe.

Ayon sa inisyal na ulat, kontaminado ang balon ng mga dumi mula
sa hayop at posibleng mula rin sa tao na naanod sa bukal dahil sa ulan.

Local……………….

BILANG
BAHAGI ng pagdiriwang ng Mindanao Week of Peace, pinangunahan ng mga pulis sa
Marawi city ang Mindanao Walk for Peace.

Mismong
si Marawi PNP chief police Sr. Supt. Sigfred Ramos ang nanguna sa mahigit
dalawang dosenang mga pulis sa paglalakad para manawagan ng kapayapaan hindi
lang sa kanilang lugar kundi para sa buong Mindanao.

Lumahok
sa walk of peace ang mga miembro ng Marawi Broadcasters Association, mga
religious leader at Ulam, mga sibilyan.

Pagkatapos
ng parada ay nagkaroon naman ng planning workshop ang Marawi PNP para sa mga
gagawing paghahanda sa darating na eleksyon sa May 2016.

Guest
speaker sa workshop on electoral reforms si Atty. Udtog Tago.

Nabatid
na karaniwang problema sa Lanao del Sur ang

rido o
away pamilya at political violence partikular kapag nalalapit na ang eleksyon.

Local…………………..

BINALAAN
ngayon ni COTABATO CITY PNP director Police Sr. Supt. Raul Supiter ang mga
kapwa pulis sa lungsod na sangkot sa operasyon ng illegal gambling, partikular
sa mga illegal numbers game.

Sabi
ni Supiter, hindi siya magdadalawang isip na hulihin ang mga pasaway na pulis
at sampahan ng kasong administratibo, at posibleng sibakin sa serbisyo sakaling
mapatunayang nagkasala.

Una
rito, ayon kay Supiter, kinausap niya ang lahat ng mga pulis sa lungsod at
pinayuhang itigil na ang kanilang mga iligal na gawain.

Iginiit
ni Supiter na importante na magsimula sa kanilang hanay ang pagbabago, bago
ipatupad sa mga mamamayan ng lungsod.

Nabatid
na mahigit ang kampanya ngayon ng City PNP laban sa last two at iba pang uri ng
iligal na sugal sa lungsod.

Bukod
kasi sa nakakasira ito sa gumagandang imahe ng lungsod ay nagiging dahilan din
ito ng away at nakaka apekto rin sa pamumuhay ng mga mahihirap na mga mamamayan
ng lungsod.

Local..DAAN-daang mga residente ng bayan ng Mlang ang nakiisa sa zumba exercise bilang promosyon sa kanilang healthy lifestyle na isinagawa kahapon ng madaling araw.Ayon kay Dr. Glecerio Sotea, MD ang Chief ng Mlang Municipal Health Office, ang mga kalahok ay mula sa ibat-ibang mga barangay ng bayan na maagang nagtungo sa municipal plaza para makiisa sa naturang aktibidad.Ayon kat Sotea, ang ehersisiyong ito ay makakatulong upang mapanatili ang kanilang mga malulusog na katawan, maging pampalakas sa puso, at pagpapababa sa presyon ng dugo.Mula sa bata hanggang sa mga may edad na ay sabay sabay na umindak kasunod rin sa malakas na musika.Ang Zumba ay bahagi ang okasyon sa pagdiriwang ng 7th Kawayanan Festival, na itinaguyod ng Municipal Health Office. Local...Para kay National Commission on Indigenoues People's o NICP Commisioner ng Central Mindano Bai Era Espana, pabor siya na tawagin ang mga katutubo sa kung anong tribu sila napabilang.Ibig sabihin bahagi pa rin sa kanila bilang leader ng NCIP na nais baguhin ang terminolohiyang LUMAD bilang bilang pagkilala sa mga katutubo sa Mindanao.Ang salitang LUMAD kasi ay hindi nagmula sa mga katutubo at ito ay salitang hiram na mula sa Cebuano.
Unang ng sinabi ni Bai norma Rivera isa sa mga B'laan-Tagabawa leader ng Davao del sur,ang terminong lumad ay hindi na umano nag rerepresenta sa mahigit 18 tribung katutubo sa mindanao.Pero sa kabila ng naging mainit na pagtalakay sa nabanggit na issue ay bukas pa rin si Espana sa kung ano man ang magiging mapagkasunduan ng tribu.Matatandaang nagtipon kamakailan ang mga Lumad leaders at NCIP officials sa Tagum City,Davao del Norte at isa ito sa naging sentro ng kanilang talakayan. Local...Imposible umanong planted ang inilunsad na search operation ng PNP sa brgy. Poblacion, Magpet noong nakaraang linggo.Ito ang binigyang diin ni Cotabato Police Provincial Office Director Sr. Supt Alexander Tagum, sa panayam sa kanya ng DXND Radyo Bida.Ayon kay Tagum, bahagi ng Standard operating procedure ng mga pulis na kukumpiskahin ang kanilang mga cellphone bago sumabak sa operasyon para matiyak na wala itong conspiracy.Ilang mga reklamo kasi ang nakarating sa radyo bida mula sa mga residente sa lugra kaugnay sa kanilang pagkadismaya sa pagkakahuli sa isang Marlon Pilono na suspek sa pagbebenta at paggamit ng ilegal na droga.Planted rin daw ang limang sachet na nakuha sa bahay ng suspek sa inilunsad na search operation.Anila, inosente raw si polino.Pero nilinaw ni Tagum na kabilang si Polino sa TOP TEN watchlist ng PNP na bigtime supplier ng droga sa bayan.Mariin ding itinanggi ni Tagum na pinaputukan ng mga otoridad si Polino matapos itong tumangkang tumakas sa PNP. Local...Patay na matagpuan ng mga residente ang dalawang mga menor de edad matapos malunod sa isang ilog sa Sitio Valencia, brgy. Sto. Niño, Arakan, North Cotabato pasado alas dyes ng umaga kahapon.Sinabi ni Sr. Ins. Felix Fornan, hepe ng Arakan PNP, mag pinsan ang naturang mga biktima na isang grade 4 at grade 5 pupils ng Meocan Elementary School.Sa imbestigasyon ng PNP, sumama umano ang dalawang bata sa kanilang Lola sa Tinanan river para maglaba at maligo.Ilang minuto pa matapos itong makarating sa ilog ay naligo na ang mga biktima kasama ang ibang mga dayo sa lugar.Pero unang nakita ang siyam na taong gulang na bata na palutang-lutang na umano malapit sa tulay at wala nang bahay, nang suyurin naman nila ito ay dito na rin nila natagpuang patay ang pinsan na walong taong gulang.Ayon kay Fornan, malalim ang naturang ilog at unang beses ng mga biktima na maligo sa lugar at hindi na umano ito napansin ng kanilang lola dahil sa paglalaba nito dahilan para huli na ang lahat ng malamangg nalunod na ang kanyang mga apo.Samantala patay naman ang isang motorista matapos itong masangkot sa vehicular accident sa Davao-Cotabato highway partikular sa Brgy Kilada, Matalam, North Cotabato, alas 9:40 ng umaga kahapon.Kinilala ni Chief Ins. Sonny Leoncito, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si MJ Salingka Pagayao, 20-anyos na taga Purok Laguinding, Brgy Aringay, Kabacan.Minamaneho ng biktima ang kanyang Honda XRM 125 Motorcycle galing Poblacion Matalam patungo sanang Kabacan pero pagdating sa bahagi ng Brgy Kilada ay bigla na lamang sumulpot sa kabilang lane ang isang truck na minamaneho ng negosyanteng si Ronald Gonzales Colanay, 33 anyos, na taga Brgy Pisan, Kabacan dahilan ng aksidente.Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon sa highway ang biktima at nagtamo ng maraming pasa at sugat sa kanyang kanyang katawan na nagresulta naman ng kanyang kamatayan.Boluntaryo namang sumuko sa PNP ang driver ng naturang truck. Local...Isa na namang malaking karangalan para sa University of Southern Mindanao Kabacan North Cotabato ang resulta ng katatapos na Licensure Examination for Teachers.Sa inilabas na resulta kahapon ng Professional Regulation Commission o PRC nasa ikatlong pwesto ang isang graduate ng USM.Kinilala ang top 3 na si HARRIS BREN TELMO ESCABARTE na nakakuha ng 89.40% na rating para sa Secondary Level.Samantala, nasa 21.81% ang rating ng USM para sa elementary level at 49.01% naman para sa Secondary level.Nabatid na 21,461 elementary teachers mula sa kabuuang 68,442 examinees at 34,010 secondary teachers mula sa 81,463 examinees ang pumasa sa Licensure Examination for Teachers o L.E.T. na isinagawa noong September 27, 2015 sa ibang bansa at 26 testing centers sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Local...TINIYAK NG Department of Social Welfare and Development o DSWD - 12 na sapat ang supply ng kanilang tanggapan para mga pamilyang apektado ng operasyon ng militar sa Palembang, Sultan Kudarat.Sinabi ni DSWD-12 disater unit chief Norhata Benito, na hanggang sa ngayon ay hinihintay pa nila ang final report kung ilan ang mga pamilya na lumikas para sila ay makapagbigay ng relief items. Patuloy din ang kanilang koordinasyon sa LGU para mas madali aniya ang pagbigay ng tulong.Hanggang sa ngayon ay hindi pa umano nagbibigay ng report ang LGU-Palimbang sa probinsya ng Sultan kudarat sa kanilang opisina para sa dagdag na tulong.Sa katunayan ay may 30thousand sila na supply ng relief items at standby fund na halos 2 million peso para pansamantalang tugunan ang mga pangangailangan ng mga apektado.Una rito na sinabi ni Sultan Kudarat PNP public information officer Supt. Reynante Cabico na nagpapatuloy ang clearing operation ng PNP at Philippine Marines sa Sitio Sinapingan, Brgy. Butril, kung saan naganap ang laban sa pagitan ng tropa ng gobyerno at sinasabing armadong grupong sympathizer ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.Walo ang patay sa operasyon ng militar at narekober sa pinangyarihan ng enkwentro ang 10 ISIS flags, iba't ibang mga klase ng mga baril, solar panel, at ATM cards. 0-0Local...MATAPOS ANG ilang buwan ng pagsasanay, pormal nang ibinigay kahapon ang dalawang k9 dogs sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center bilang hakbang upang matigil ang pagpasok ng illegal drug sa bilangguan.Sumailalim sa special training ang dalawang K-9 dogs upang matukoy ang mga papasok na illegal na droga. Ang dalawang aso ay naibigay naman sa tulong ng Provincial government ng south cotabato at South Cotabato Police Provincial Headquarters.Sinabi ni South Cotabato OIC Provincial Jail Warden Juan Lanzaderas na malaki ang maitutulong nito dahil may nagpupuslit parin ng illegal na droga sa loob ng bilangguan.Sa mga ginagawang suprise inspection ng mga jail guard, sila ay nakakakuha ng mga ipinagbabawal na mga kagamitan at droga. Noong nakaraan buwan ay napigilan din ng mga gwardiya ang pagpasok ng shabu at pera.Bukod sa bomb at illegal drug sniffing dogs, isusunod ng provincial government ang paglalagay ng CCTV cameras upang ma-monitor ang lahat ng galaw ng mga bilanggo.

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...