Friday May, 03 2024 06:10:32 PM

NDBC BIDA BALITA Dec. 2, 3015

 • 
1,695
By: 
NDBC News and Current Affairs Team

NEWSCAST

NOVEMBER 02, 2015
(WEDNESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Cotabato City ex-councilor, nagpaliwanag sa isyu ng franchise ng passenger jeepney sa lungsod.2. Gaisano Grand Mall sa Kidapawan city,
binigyan na ng ultimatum ng city council.3. Dalaga patay matapos mabangga ng
nagmamanehong lasing sa Surallah, South Cotabato

4. Bureau of Treasury Office sa Cotabato City, pinasok ng magnanakaw.

Local………………..

NILINAW
NGAYON ni dating COTABATO CITY councilor Ed Rabago na hindi mayor’s permit ang
binabayaran ng mga jeepney operator ng lungsod, kabilang ang mga may rotang
Awang-Cotabato, para makapag –operate ng kanilang mga public utility jeepney sa
lungsod.

Pinabulaanan
din ni Rabago ang alegasyon na double taxation ang paniningil ng bayad para sa
business permit sa mga operator ng bumibiyahe ng Awang to Cotabato city and
vice versa.

Sinabi
ni Rabago na magkaiba ang binabayaran ng operator sa LTFRB kumapara sa
sinasaklaw ng bayarin nito para sa mayor’s permit.

Iginiit
naman ni Rabago na ligal ang pagpapatupad ng mga otoridad ng naturang city
ordinance kaya’t walang basehan ang reklamo ni Awang Transport Services
Cooperative president Francisco Guiam.

Una
rito, umalma ang mga operator at driver ng mga public utility jeepney na may
rotang AWANG, Datu Odin Sinsuat at COTABATO CITY, sa ipinatutupad na polisya ng
city LGU hinggil sa pagbabayad nila ng BUSINESS PERMIT.

Iginiit
kasi ni Guiam na dapat hindi sila saklaw ng naturang City ordinance 780 dahil
para lang ito sa mga tricycle.

Si
Guiam ay nasa Maynila ngayon para idulog sa korte suprema ang kanilang
problema.

Local……………….

UMAASA
ang Department of Trade and Industry o DTI na magagabayan na sa kanilang tamang
pamimili ang mga consumers ngayong inilabas na nila ang kompletong listahan ng
suggested retail price o SRPs para sa Noche Buena items.

Mismo
sa kanilang website na and//www.dti.gov.ph www.dti.gov.ph makikita ang kumpletong listahan ng SRP.

Sa
pamamagitan nito, magagabayan ang mga mamimili sa kanilang pamimili partikular
ang tamang presyuhan.

Ilan
lamang sa mga Noche Buena items ay ang ham, fruit cocktail, cheese, sandwich spread,
mayonnaise, keso de bola, pasta, macaroni, spaghetti sauce, tomato sauce, at
creamer.

Paalala
pa rin ng ahensiya na laging suriin ang expiry date ng bibilhing produkto.

Sakali
namang may mga negosyanteng magbabalewala at susuway sa SRP ay maaari i-report
sa alinmang DTI office sa lugar.

Local …………………

PATULOY PANG
INAALAM ngayon ng mga imbestigador kung sino ang nasa likod ng panloloob sa
Bureau of Treasury office na nasa CYM Building, Don Rufino Alonzo street, ng
lungsod.

Ayon sa
dalawang empleyado nitong nagreport sa pulisya na sina Vilma Cano at Asnaw
Manua, natuklasan nilang nilooban ang Bureau of Treasury office nang pumasok
sila sa trabaho pasado alas syete nang umaga kahapon.

Sira na kasi
anila ang padlock ng main door ng tanggapan.

Kabilang sa
mga nawawala sa kanilang opisina ang isang flat screen TV na nagkakahalaga ng
18,000 pesos at electric stove na nagkakahalaga naman ng 1,800 pesos.

Nilinaw naman
ni Cano at Manua na walang perang nawala sa kanilang opisina.

Pinaniniwalaang
dumaan ang magnanakaw sa fire exit ng tanggapan papunta sa ground floor ng
Landbank.

Sa ngayon ay
patuloy na binubusisi ng mga imbestigador ng pulisya kung paano nakapasok at
nakatakas ang magnanakaw sa kabila ng mahigpit na seguridad na ipinapatupad sa
nasabing gusali.

Nakatakda
ring kumuha ng kopya ng CCTV footage ang mga imbestigador para makilala ang mga
nanloob sa nasabing Bureau of Treasury office.

Local…………………….

NAGKAISA
at nagtulong tulong ang mga pulis at sundalo sa ginawang mural painting sa mga
matataas na pader at mga bakod sa Isabela city, Basilan.

Ito ay
aktibidad na inilunsad ng Lingkod bayani Foundation sa lalawigan.

Sinabi
ni Lingkod Bayani Foundation project coordinator Cynthia Dionco na layunin nito
na palakasin pa ang samahan ng mga tropa ng pamahalaan na nagbubuwis ng
kanilang buhay para sa hinahangad na kapayapaan sa Mindanao.

Ang
dalawang araw na aktibidad ay bahagi pa rin ng programang Advancing Cooperation
and Enhancing Synergy o ACES na binuo noong nakaraang Setyembre ng Lingkod
Bayani Foundation kasama ang AFP, local government unit at iba pa.

Nabatid
na karamihan sa mga mural painting ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtutulungan
ng mga Kristiyano, Muslim at Lumad.

Nagsagawa
rin ng forum para sa mga kalahok na nagbibigay sa kanila ng mahahalagang
kaalaman sa mga sundalo at mga pulis, sports activities, workshop at iba pa.

Nabatid
na marami pa rin kasi sa security forces ang kulang sa kaalaman sa mga
nangyayari sa Mindanao na kadalasan ay nagreresulta sa hindi pagkakaunawaan.

0 Local…………………..

Umapela
ngayon si AFP Chief of Staff General Hernando Iriberri sa mga mamamahayag na
maging maingat sa paglalabas ng balita lalo na sa usaping terorismo.

Ito ay
sa harap ng lumutang na balita na may apat nang training grounds sa Mindanao ang
grupo ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.

Binigyang-diin
ni Irriberi na isang grupo na sangkot sa criminal activities ang natukoy nilang
gumagalaw sa rehiyon na nais lang ma-associate sa grupo ng ISIS.

Pero
kung sa isyu ng umanoy natukoy na Jihadist camp, sinabi ng heneral na walang
ganung impormasyon silang nakalap at di aniya nila alam kung sino ang naging
source ng reporter na gumawa ng nasabing balita.

Samantala,
mariin ding pinabulaanan ni Iriberri na may ISIS recruitment sa Mindanao.

Batay
sa isinagawang validation ng intelligence community ng AFP negatibo ang
nasabing report.

Nilinaw
din ni Iriberri na hanggang ngayon ay wala pang kongkretong ebidensiya na magpapatunay
na may direktang ugnayan ang ISIS sa grupong Al-Khalipa na nakasagupa ng mga
tropa ng Marines sa Sultan Kudarat na ikinasawi ng walong rebelde.

Muling
binigyang diin ni Iriberri na ang nakasagupa ng mga sundalo ay mga rouge
element na pinamumunuan ng dating miyembro ng MILF.

Local...Todo bantay ngayon ang pamunuan ng Mlang Municipal Police Station sa buong area ng Mlang lalo na sa entrance at exit points ng bayan.Ang security measures ng PNP ay bahagi sa nagpapatuloy na selebrasyon ng 7th Kawayanan Festival ng bayan na magtatapos naman sa Dec. 4, biyernes.Katunayan ayon pa kay Supt.Joefrry Todeño, hepe ng Mlang PNP, Novemebr 28 pa lang ay nagsimula nang i-deploy ang mga PNP personnel sa ibat-ibang bahagi ng Poblacion kung saan ginagawa ang mga aktibidad.Maliban sa PNP katuwang rin nila ang 7th IB at 38th IB ng Philippine Army maging ang halos tatlong daang Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT na magmomonitor sa lugar lalo na sa mga matataong area.Hinigpitan ring lalo ng PNP ang kanilang isinasagawang highway inspection.Plantsado na rin maging ang magbabantay sa mga parking areas pati na ang mga magche-check sa mga bags na papasok sa Municipal plaza kung saan tatlong entrance and exits lamang ang ginawa ng PNP. Ayon kay Todenyo nais lamang nila na maging ligtas ang publiko na makikiisa sa nabangit na selebrasyon.Inaasahan ang libu-libo katao na bibisita at dadalo sa engrandeng culmination program sa bayan ngayong darating na biyernes.
Local...Hanggang ngayong Disyembre na lamang ang ibinigay na palugit sa GAISANO GRAND MALL KIDAPAWAN CITY para makumpleto nila ang mga probisyon na nakasaad sa Environmental Compliance Certificate o ECC.Una na kasi’ng inireklamo ng mga residente ng Barangay Lanao ang masangsang na amoy na nagmumula sa mga establisiemento sa loob ng mall na itinatapon sa kanal.Sa isinigawang inspeksyon ng Sanguniang Panlungsod ng Kidapawan sa pangunguna ni Councilor Alan Amador, siya’ng chair ng Committee on Environment ng SP noong biyernes, napag-alaman na meron na palang Water Treatment Facility ang naturang mall pero hindi pa batid kung nakapasa ito sa Ginawa ng Sanggunian ang inspection matapos humingi ang Gaisano Grand ng, Resolution of No Objection”, sa kanilang expansion.Samantala aminado naman si Amador na nagkaroon ng lapses sa proseso dahil hinayaang ma-isyuhan ang GAISANO GRAND ng ECC gayung hindi naman nila nakumpleto ang mga requirement nito.Sa ngayon hinihintay na lamang ng nabanggit na Mall ang umano Hard Copy mula sa DENR-EMB kung nakapasa ba sa quality test ang tubig para sa kanilang Water Treatment Facilty. Local...Umaabot na ngayon sa halos apat hanggang pitong milyong piso ang nalulugi ng mga Banana Growers sa North Cotabato kada linngo.Ito ang ibinunyag ni Ecceliastes Roque ang Regional Banana Growers Association Chair sa DXND Radyo Bida.Ayon kay Roque nagkukulang na kasi ang mga barko na maghahatid sa produktong saging mula sa mga port ng Cagayan de Oro City, Davao City, General Santos City patunggong kalakhang Maynila.Dahil nga ay marami ang produksyon ng saging dahil sa magandang panahon sa rehiyon nitong mga nakalipas na buwan, unti-unti na ring bumababa ang presyo nito.Mula sa higit 20 piso kada kilo ng saging noon, umaabot na lamang ito ngayon ng 15 hanggang 18 piso kada kilo.Kaugnay sa naturang suliranin, nakikipagugnayan na ngayon sila Roque sa National Office para pag-usapan ang nabanggit na problema at para matugunan na ito sa lalong madaling panahon.Sinabi ni Roque na kung magtutuloy-tuloy pa ito ay mas lolobo pa ang magiging lugi ng mga Banana Growers sa lalawigan. Local...Personal grudge ang sinusundang anggulo ngayon ng Pikit PNP sa motibo sa pagbaril at pagpatay sa isang brgy. Kagawad at kapatid nitong 14-anyos sa brgy. Talitay, Pikit. North Cotabato.Kinilala ni Sr. Ins. Sindatu Karim, hepe ng Pikit PNP ang mga biktima na sina Jabibi Talibtig, 37, kagawad ng brgy. Rajamuda, Pikit at isang Muhamid Talibtig.Ayon kay Karim, bago nangyari ang pamamaril ay nag-usap pa ang biktima at suspek na kinilalang si Kodo Giamblang, 52-anyos hanggang umabot umano ito sa mainitang pagtatalo at binaril ng suspek ang biktima.Sakay si Jabibi sa kanyang Baja Motorcycle habang angkas naman nito ang kanyang kapatid na si Muhamid kaya nadamay ito sa naturang pamamaril.Agad namang nagsagawa ng Hot Pursuit operation ang PNP pero boluntaryong sumuko ang suspek sa pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ilang metro lamang ang layo mula sa pinangyarihan ng krimen.Sa ngayon nasa kustodiya ng MILF ang suspek at nakikipag-ugnayan na ang Pikit PNP sa kanila para maturn-over na si Giamblang sa kanilang kustodiya. Local...Kasalukuyan isinasagawa ang culmination Program ng Solidarity Week ng halos isang libong indibidwal mula sa 45 Urban Poor Associations sa Kidapawan City.Sinabi ni City Councilor Judith Navarra, chair ng Committee on Urban Poor ng SP Kidapawan, layunin ng aktibidad na palakasin pa ang ugnayan ng kanilang grupo.Kabilang rin sa lumahok sa naturang aktibidad ang mga asosasyon na matagumpay na nakapag-bukas sa kanilang mga resettlement areas bunga na rin sa kanilang maayos na pagtaguyod sa kanilang grupo.Ngayong taon, dalawang Urban Poor Associations ng brgy. Binoligan ang tuluyan ng nakapagsimula sa kanilang land development habang ngayong araw naman nakatakdang manumpa ang mga napiling opisyal sa iba pang tatlong asosasyon sa brgy. Poblacion Kidapawan.Ang Urban Poor Association ay kinabibilangan ng di bababa sa anim na milyong pamilya na ikinokonsiderang informal settlers na nakatira lamang sa mga road right of way, gilid ng mga ilog o land slide prone areas at mga pribadong lote.Si City Councilor Judith Navarra, chair ng Committee on Urban Poor ng SP Kidapawan Local..IPINAGMAMALAKI NGAYON NG Ilang High school students NG Maltana National High School ang ginagawa nilang pelikula at ito ay ilalaban nila bilang official entry sa National Film Festival.
Ito ay magiging official entry ng Region 12 sa 1st Adolescent Health and Youth Development ng Commission on Population o PopCom.
Sinabi ni Adolescent Health and Youth Development Focal Person Crispy Arves na ang pelikula ang may pamagat na isang Iglap.” Sa panayam ng RAdyo Bida Koronadal, sinabi ni Arves ito ay isang paraan ng PopCom para mas mailapit sa mga kabataan ang programa ng gobyerno hinggil sa youth development.
Ang Isang Iglap” ay sinulat at kwento ng mga estudyante mula sa Tampakan, South cotabato at hinggil sa kanilang buhay teenager. Isinasalarawan ditto kung paano nila gagawing inspirasyon ang kanilang paghanga sa kapwa.
Ang film festival ay isang paraan para masagot ang mga nangungunang issue sa ngayon sa mga kabataan tulad ng teenage pregnancy, abortion, Sexually Transmitted diseases at iba pang uri ng pang-aabuso. Local...MALAKI ANG paniniwala ng South Cotabato Provincial Health Office na nakatulong ng malaki ang ginawang HIV-AIDS summit sa lalawigan para mabigyan ng mas malawak na impormasyon ang mga local official, lalo na ang mga mambabatas.
Sinabi ni Provincial HIV-AIDS focal person John Codilla, nabigyan ng bagong data ang mga policy makers hinggil HIV AIDS.
Aniya, ang maganda sa nangyaring summit ay nagkaroon ng commitment and ibat-ibang sector upang sama-samang labanan ang nakamamatay na sakit.
Una rito, binigyan ng pagkilala ng Department of Health 12 ang mga best practices ng provincial health offices ng North cotabato, South Cotabato at Sultan Kudarat laban sa HIV.
Batay sa data ng Philippine HIV and AIDS Registry Epidemiology Bureau, umaabot na sa 479 katao sa Region 12 ang may HIV mula noong 1984.
Sa bilang na ito, South Cotabato ang may pinakamaraming naitala na abot sa 301 HIV positive individuals. Local...SA PAGPASOK NG Disyembre, mas pina-igting ng Integrated Provincial Health Office ang kanilang kampanya laban sa paputok.
Target ngayon ng IPHO-South sotabato ang mga magulang at mga nagmamay-ari ng mga tindahan bilang resulta ng ginawang stakeholders meeting. Dahil dito, ibababa sa komunidad ang kampanya ng health office UPANG mabigyan ng dagdag na kaalaman ang mga magulang at mga may-ari ng tindahan.
Sinabi ni South Cotabato Asst. Provincial Health Officer Dr. Alah baby Vingo na layunin nito na mabawasan ang mga biktima ng paputok ngayong taon.
Sa talaan kasi ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit, bawat taon ay tumataas ang bilang ng napuputukan mula 26 cases noong 2008 at 112 cases naman noong 2014.
Nabatid na 47 percent sa mga naputukan ay mga kabataan na may edad na 11 taong gulang pababa.
Sa mga kabataang ganito ang edad ay mas nangangailangan ng gabay ng kanilang mga magulang. Ang mga kabataang ito ang palaging bumibili ng mga paputok sa mga tindahan sa barangay.
Bawal na rin ang pagbebenta ng paputok sa mga tindahan nagn walang permit mula gobyerno.
Noong 2014, umabotsa halos 12 katao ang sinampahan ng kaso dahil sa paglabag ng RA 7183 or an Act Regulating the Sale and Manufacture, Distribution and Use of Firecracker and other Pyrotechnic Devices.
Local..PATAY NA NANG isugod sa ospital sa Surallah South Cotabato si Liza Acanto Tunogbanua, 49 anyos, dalaga at residenteng Brgy. Libertad, Surallah, South Cotabato.
Ayon sa imbestigasyon ng Suralllah PNP, habang minamaneho ni Tunogbanua ang kanyang Red Honda XRM sa kahaba-an ng National Highway Brgy. Libertad, Surallah ay nabangga ito ng isa pang motorsiklo mula sa likuran.
Ang nakabanggang motor na STX 125 motorcycle ay minamaneho ni Rodel Cabalsis Damasco 24 anyos at residenteng Brgy. Lampako, Banga.
Naisugod pa sa ospital si Tanugbanua ngunit idinekalara rin itong dead on arrival ng mga doctor. Sugatan naman sa bangga-an Damasco kasama ang backrider nito na si Mario Chavez Faroclino 21 anyos na taga Ilo-ilo city.
Lumabas sa imbestigasyon ng PNP na parehong nasa impluwensya ng alak ang driver na si Damasco at ang angkas nito.
Pareho naming dinala sa Surallah PNP ang mga motorsiklo na sangkot sa aksidente para sa malalimang imbestigasyon. Local...SA PANINIWALANG MALAKI ang papel ng mga kalalakihan sa gender and development sa isang komunidad, isinailalim ng Koronadal City Population Office sa seminar ang mga kalalakihan sa 27 barnagay ng lungsod.
Sinabi ni Koronadal City population officer Nancy Adalin na ang mga kalalakihang kasama sa training ay pinili mismo ng mga barangay officials at ang training ay ginawa sa Lake Sebu, South Cotabato.
Ang mga participants ay mga lalaking local officials at barangay employees.
Nagsimula kahapon ang tatlong araw na gender and development seminar na pinangalanganan KATROPA o Kalalakihang Tumutugon sa Responsibilitdad at Obligasyon ng Pamilya at mga anak.
Pinakalayunin nito ay mabigyan ng mas malawak na impormasyon ang mga kalalakihan sa mga responsibilidad at obligasyon ng mga ito sa pamilya.
Iginiit ng City population office na ang family planning ay dapat desisyon ng mister at misis at ng buong pamilya upang ito ay maging epektibo. (End)

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...