Monday Apr, 29 2024 10:06:19 AM

NDBC BIDA BALITA Feb. 19, 2016

 • 02:31 AM Sat Feb 20, 2016
1,547
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

FEBRUARY 19,
2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. PAGPAPASABOG ng fragmentation
grenade sa dalawang opisina ng NGO sa Cotabato City, patuloy na iniimbestigahan

2. Dating alkalde ng Banisilan, North
Cotabato patay sa pamamaril sa Wao, Lanao del Sur.

Pag-aresto sa mga suspect, iniutos ni Gov. Mendoza.3. Mga puno na itinanim sa tree growing
festival ng Koronadal City, apektado na rin ng El Nino Phenomenon

4. Water tankers sa Surallah, sinunog ng mga armadong kalalakihan AT NGAYON SA DETALYEPANANAKOT ang nakikitang anggulo ng
Cotabato City PNP sa insidente ng paghahagis at pagpapasabog ng MK2
fragmentation grenade sa Anacleto Badoy St. Cotabato City.

Partikyular na hinagisan ang parking
space ng dalawang opisina ng non-government organization o NGO na Central
mindanao youth center at Mindanao tulong bakwit na pawang mina-manage ng
magkapatid na sina Fairuds Ibus at Anshari Gyabal Ibrahim.

Ayon kay City Director Sr. Supt. Raul
Supiter, hanggang sa ngayon ay out of town pa rin ang dalawang manager ng NGO
at wala ring nais na magsalita sa mga empleyado ng naturang mga opisina.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP,
ilang mga testigo ang nakakita ng presensya ng dalawang lalake na nakasakay sa
motorsiklo at nag hagis ng granada sa lugar.

Nagkaron naman ng minor damage ang
isang ambulansya na nakaparada sa parking space dahil sa pagsabog.

SAMANTALA, LUMALABAS sa imbestigasyon
ng Cotabato City PNP na posibleng nabalingan ng galit ang isang binatilyo na
biktima ng pamamaril kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Supiter, napagalaman nila na
ang tiyuhin ng biktimang si Anthony Jade Farnate, 14 anyos, isang highschool
student at residente ng Bliss project, RH-8 ng lungsod ay may nakaalitan.

At sa kasalukuyan, ang tiyuhin ni
biktima ay patuloy na umiiwas sa mga kagalit nito kung saan dalawang araw rin
na may naghahanap sa kanya sa kanilang bahay.

Nabatid na pauwi na si Farnate galing
sa internet cafe nang biglang pinagbabaril ng mga kalalakihan na nakasakay sa
isang motorsiklo pasado alas nuwebe kamakalawa ng gabi sa Virgo subdivision,
Barangay Rosary Heights 8, Cotabato city.

Nagtamo ng tama si Farnate sa kanyang
leeg pero mabilis na naisugod sa pagamutan kung saan ito nagpapagaling hanggang
sa ngayon.

MAHIGPIT na ipinag-utos ni Cotabato Governor Lala Mendoza ang malawakang manhunt sa mgatao o grupo na posibleng responsable sa pagbaril at pagpatay nito’ng Huwebes sa datingmayor at mayoralty aspirant sa bayan ng Banisilan na si Floro Allado.Partikular na hinamon ni Mendoza ang pamunuan ng Cotabato Police Provincial Office oCPPO, sa ilalim ng command ng kanilang provincial director na si Sr. Supt. Alex Tagum.Ayon kay Mendoza, karumal-dumal ang sistema ng pagpatay kay Allado. Dahil kahit sugatanna ito ay ‘di siya tinigilan ng gunman hangga’t ‘di napapatay.Nangyari din ang krimen sa Poblacion ng Wao, Lanao del Sur na marami’ng tao.Sa inisyal na report ng Wao PNP, nabaril si Allado habang nagpapagasolina ng kanyang FordEverest na may plakang KDE 142 sa MMJ4 Gasoline Station sa may Sitio Kapigis, BarangayEastern sa bayan ng Wao, alas-1240 ng tanghali, kahapon.Anim na tama ng mga baril mula sa kalibre 45 na pistola ang tinamo ng biktima sa iba’tibang Bahagi ng kanyang katawan.Agad tumakas sa may katimugang Bahagi ng national highway ng Wao ang gunman na ang taas ay abot sa limang talampakan at anim na pulgada medium-built nakasuot ng itim na sweat shirt at itim na pantaloon at nakasuot ng kulay grey na bonnet. HINAHANDA NA
ANG mga ebidensya laban sa isang rent-a-car driver matapos maisilbi ng
Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-ARMM laban sa suspek pasado alas onse
kagabi sa mismong bahay ng suspek sa Ummah village, Barangay Upper Capiton, Datu
Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ang search
warrant na inilabas ni Judge Bansawan Ibrahim noong February 16, 2016 ay
isinilbi ng PDEA-ARMM laban kay Anwar Esmael alyas Orly Malaco na isang
pinaniniwalaang miyembro ng malaking drug group na nag-ooperate sa Maynila at
Mindanao.

Nakuha mula
kay Esmael ang tinatayang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit 200
libong piso at mga drug parapahernalia.

Ayon sa
intelligence gathering ng PDEA-ARMM, direktang kumukuha si Esmael ng malaking
halaga ng shabu sa Maynila at dinadala dito sa Mindanao sakay ng ibaandampapost
ibang 4-wheel vehicle.

Sa ngayon ay
nasa detention facility na ng PDEA-ARMM ang suspek at nakatakdang sampahan ng
kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o possession of dangerous
drugs.

At dahil
lumampas ng sampung gramo ang ilegal na drogang nakuha mula kay Esmael, ay
hindi ito papayagang makapagpiyansa ayon na rin sa batas.

Kapag
napatunayang guilty, mapaparusahan ng habambuhay na pagkakakulong ang suspek at
multang aabot ng kalahating milyong piso hanggang sampung milyong piso.

NAGSILIKAS
ang mga residente ng Brgy. Mudsing, Midsayap patungong Brgy. Lower Glad,
matapos na magpalitan ng putok ang dalawang pamilya sa lugar, pasado alas-9 ng
umaga kahapon.

Sa
report, biglang nagpalitan ng putok ang pamilya Namil at pamilya Sugod sa Brgy.
Mudsing sa hindi pa malamang dahilan.

Agad
namang rumisponde ang mga pulis para tiyakin ang seguridad ng mga residente at
matigil ang bakbakan.

Dahil
sa insidente, isang lalake ang nasawi habang isang babae naman ang sugatan.

Takot
namang bumalik sa kanilang bahay ang mga nagsilikas dahil sa posibilidad na
muling sumiklab ang gulo sa pagitan ng dalawang pamilya.

Maaalalang
ilang buwan na ang nakakalipas ay nangyari rin ang parehong insidente pero
ibang pamilya naman ang sangkot rito.

Sinusubukan
naman ng mga opisyal at pulis ng bayan ng Midsayap na maayos ang anumang gulo
sa Brgy. Mudsing.

PORMAL ng
magbabaklas ng campaign materials ang Department of Environment and resources o
DENR -ARMM sa susunod na buwan.

Ayon kay
DENR-ARMM Sec. Hadji Kahal Kedtag Jr., kinakailangan pa nilang makipagugnayan
sa Commission on Election para tuluyan nilang maimplimenta ang kanilang hakbang
kontra sa mga hindi sumusunod ng kanilang alituntunin.

Giit ni
Kedtag, mas maganda kung sa Marso na sila magsisimula dahil tiyak na mas dadami
ang bilang ng mga magpapaskil ng political paraphernalias.

Pero sa
ngayon, napakarami ng nakikita ang DENR-ARMM na potensyal para baklasin, lalo
na't nakadikit sa mga punong kahoy. HINIHIKAYAT
muli ng Department of health Region 12 ang mga magulang na may anak, edad
limang taon pababa na samantalahin ang kanilang programa na 2016 Catch-up Oral
Polio Vaccine immunization.

Isasagawa
ito sa February 22 hanggang 26, 2016 sa lahat ng health center o vaccination
post.

Ayon
kay DOH-12 OIC-Assistant regional director Dr. Franc Mateo, LIBRE nilang
isasagawa ang naturang programa sa North Cotabato, South Cotabato, General
Santos City at Sultan Kudarat.

Hindi
naman kabilang ang Cotabato City at Sarangani Province dahil nakapagsagawa na
ng malawak na oral polio vaccine immunization sa naturang area.

Nilinaw
naman ni Dr. Mateo na kahit pa nakatatlong OPV immunization na ang isang bata
ay maari parin itong sumali dahil wala namang overdosage sa naturang vaccine.

Sa
halip ay makakadagdag ito sa immunity laban sa sa sakit na polio. KORONADAL CITY-Iniimbistigahan pa ng pulisiya ang panunog sa tatlong mga water truck sa Purok Lipunan, Upper Lamian, Surallah, South Cotabato.
Ang mga water truck ay sinunog habang nagsagawa ng spraying sa gitna ng banana plantation dakong alas dyes y medya kagabi.
Ito ang kinumpirma ni Surallah Chief of Police, Senior Inspector Joel Fuerte sa panayam sa kanya ng DXOM Radyo Bida, Koronadal.
Ayon kay Fuerte wala nang nagawa pa ang driver nang pababain ng apat na armadong kalalakihan bago sinunog ang mga water truck.
Nilinaw naman ni Fuerte na walang nasaktan o nasawi sa insidente.
Maging ang sinunog na mga water truck ay nagkaroon lamang ng minor damage.
Ang mga equipment ayon kay Fuerte ay pagaari ng JE Trucking Services.
Ito ay kinontrata ng isang kompanya ng saging sa Surallah.
Inaalam pa ng PNP kung sino ang mga suspek at ano ang motibo ng mga ito sa krimen. Handa ang pulisiya na bantayan ang seguridad ng mahigit limang libong mga delegado sa National Schools Press Conference o NSPC 2016.
Ito ang tiniyak ni Superintendent Barney Condes, ang Chief of Police ng Koronadadl City.
Ayon kay Condes may mga pulis na magbabantay sa bawat billeting quarter ng mga participants ng NSPC.
Bukod dito ayon sa police official, nakalatag na rin ang Oplan Lambat sibat ng city police station.
Nagdagdag din ang city PNP ng mga check points na iinspeksyon sa mga motorista sa mga pangunaging daan ng lungsod.
Ipinahayag ni Condes na katuwang din ng City PNP sa pagpapanatili ng katiwasayan ng Koronadal sa duration ng NSPC ang mga pulis mula sa ibang lalawigan, PNP mobile group at kanilang mga force multiplier.
Umapela din si Condes sa publiko na makipagtulungan sa pulisiya para sa ikatatagumpay ng NSPC 2016. Ang NSPC ay isang kumpetisyon para sa mga school campus journalist sa buong bansa.
Layon nito na maikintal sa kaisipan ng mga kabataan ang responsableng pamamahayag.
Ito ay gaganapin sa Koronadal City sa Pebrero biente dos hanggang biente sais.
Samantala dumating na sa Koronadal ang mga NSPC delegates ng region IV-A kahapon.
Kinumpirma ni Agustus Britania ang City Environment and Natural Resources Officer o CENRO ng Koronadal na apektado na rin ng tagtuyo’t ang mga punong itinamin sa mga nakalipas na Tree Growing Festival.
Ayon kay Britania, animnapu hanggang sa pitumpung porsyento ng mga fruit trees ang unti unti nang namamatay dahil sa El Nino Phenomenon.
Karamihan sa mga ito ang mga puno ng cacao, niyog, banana at kape na itinanim sa Roxas at Quezon mountain range.
Ipinahayag ni Britania na sa ngayon ay pinaigting pa ng mga forest guard ang monitoring sa mga bulubunduking bahagi ng Koronadal.
Ito ay para bantayan hindi lamang ang mga puno na itinanim sa tree growing festival kungdi para na rin mapigilan ang grass fire.
Lumabas kasi sa tala ng CENRO na abot na sa may animnapung ektaryang ng lupain ang sinira ng grass fire sa mga barangay ng San Jose at Mabini.Abot na sa humigit kumulang P233,000 ang pondong naipamahagi ng Employees Compensation Commission o ECC ng Department of Labor and Employment o DOLE noong nakaraang taon.
Ayon kay Jerylle Marie Blanza, ang focal person ng ECC ang tulong ay para sa mga empleyado na nagkasakit, nagkaroon ng dispability at funeral assistance at survivorship.
Kabilang sa nakinabang sa programa ang isang pulis na nasugatan sa shooting incident sa South Cotabato na tumanggap ng P76,000 permanent partial disability compensation.
Ang pamilya ng nasawing myembro ng SAF 44 na si Police Officer 2 Roger Cordero ay kabilang sa dalawang pamilya sa rehiyon na nabigyan ng tig P20,000 na funeral benefit.
Ang pondo na ginamit ng ECC ay mula sa Government Insurance System o GSIS.
Ayon naman kay Christopher Gamboa, ang focal person ng ECC 12 maliban sa employment compensation, mabibigyan din ng libreng therapy, livelihood at skills training, meal allowance at mga benipisyaryo ng ECC.
Ito ay sa pamamagitan naman ng kanilang KaGaBay Program. Nasa Senado na ngayon ang Bill para gawing regional hospital ang Upper Valley Community Hospital sa bayan ng Surallah, South Cotabato.
Ito ang kinumpirma ni South Cotabato Second District Representative Ferdinand Hernandez.
Ayon kay Hernandez, walang tumutol nang talakayin sa kongreso ang panukala.
Umaasa naman ang kongresista na tulad sa mababang kapulungan, ito ay kakatigan din ng Senado.
Binigyan diin ni Hernandez, na tamang lugar para mapaglagyan ng regional hospital ang Barangay Dajay sa Surallah.
Ayon kay Hernandez, mas madali na kasi itong puntahan ng mga mamamayan kapag natapos na ang konstruksyon ng mahigit walong daang milyong daan na maguugnay sa Surallah sa mga bayan ng Lake Sebu at Maitum sa Sarangani.
Ipinahayag ni Hernandez na mas madali ring puntahan ng mga mamamayan sa Sultan Kudarat at Sarangani ang ospital.
Ayon kay Hernandez naglaan ng limampung milyon ang Department of Health o DOH para sa mga mga hospital equipment.
Ito ay bukod pa sa pimtumpung milyon na inilaan ng ahensya para sa konstruksyon ng karagdagang gusali.Ang Allah Valley Community Hospital ay nagsisilbi ngayon bilang annex ng South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.
Ito ay inaasahan namang magpapa-baba sa taltumput limang porsyento ng admittance sa Provicial Hospital na matagal nang problema ang siksikan ng mga pasyente. Problema ngayon ng mahigit tatlong daang mga pamilya sa Barangay New Iloilo, Tantangan, South Cotabato ang kakulangan sa supply ng tubig.
Ang mga ito ay pawang mga residente ng mga purok ng Kahirup, Mabinuligon, Masagana, Paglaum, Mainuswagon, Kaunlaran at Gawad Kalinga.
Ayon kay New Iloilo Barangay Chairman Chelsor Deocadez, dahilan ng kakulangan ng tubig sa kanilang lugar ang kanilang tuyong water system.
Unti unti na ring natutuyo maging ang mga bukal na pinagkukunan ng tubig ng mga residente sa New Iloilo.
Ipinahayag din ni Deocadez na dahil sa may kalumaan na kailangan na ring palitan ang mga tubo na nagsusuply ng tubig mula sa reservoir papuntang mga bahay.
Ipinahayag ni Deocadez na bagama’t nakasanayan na ng mga mamamayan ng Barangay New Iloilo na bilhin ang kanilang inuming tubig, problema nila ngayon ang tubig panlaba at pampaligo.
Nangangamba si Deocadez na kapag nagpatuloy pa ang dry spell, posibleng hihiling na lamang ng rasyon ng tubig ang mga mamamayan sa kanilang lugar. Nasa kustodiya na ngayon ng Pikit Municipal Police Station ang motorsiklo na inabandona ng isang di pa nakikilalang lalaki matapos itong mahulihan ng mga pampasabog at mga bala sa brgy. Inug-ug, Pikit, North Cotabato.Sa report ng Pikit PNP, napara nila ang naturang driver habang nagsasagawa ng OPLAN LAMBAT BITAG sa nabanggit na lugar alas nuebe ng umaga kahapon.Pero imbes na huminto sa isinagawang checkpoint ng mga pulis ay pinaharurot nito ang kanyang Honda XRM125 na kulay itim at inabandona ang sasakyan at mabilis na tumakas.Agad namang hinabol ng PNP ang suspek dahilan para makorner ang minamaneho nitong sasakayan at nang inspeksyunin ito doon na narekober sa U-box ng motorsiklo ang dalawang granada at 12 mga bala ng 45 caliber pistol.Nasa Cotabato Police Provincial Office na ngayon sa Amas, KidapawanCity ang mga narekober na bala at granada mula sa suspek habang patuloy itong tinutugis ng PNP.Ang pagkakarekober sa mga nabanggit na bala at eksplosibo ay bahagi lamang sa mas pinaigting na kampanya ng PNP kontra kriminal sa North Cotabato.Nilinaw mismo ng brgy. Council ng brgy. La Esperanza sa President Roxas, North Cotabato na pabor sila sa pananatili ng 39th Infantry Batallion ng Philippne Army sa kanilang barangay.Ito ang pahayag ni brgy. La Esperanza Kagawad Bienvinido Magadan matapos idinawit ang barangay Council ng isa sa mga residente doon na umano hindi nila sinang-ayunan ang presensya ng militar sa barangay.Ayon kay Magadan, hindi nila inaasahan ang umano reklamo ng iilan sa naturang kasunduan dahil aniya dumaan naman ito sa isang asmbleya at katunayan aniya nagsagawa pa sila ng signature campaign sa mga residente tungkol rito.May iilan naman ang hindi pumirma pero ang karamihan sa mga residente ay sang-ayon rito.Naipabatid raw ang pananatili ng mga sundalo sa kanilang barangay sa pamamagitan ng mga purok leaders.Kumpiyansa naman ang barangay Council dahil temporaryo naman ang pananatili ng militar sa lugar.Sa ngayon sinimulan na ng mga sundalo ang kanilang survey sa mga residente at ang pagbubuo ng isang Peace Development Association sa mga magsasaka sa lugar.Una nang ipinahayag ni 39th IB spokesperson Capt. Danny Tapang na tanging layunin lang Peace and Development Otreach Program o PDOP na tulungan ang mga mamamayan sa kanilang mga pangangailan at maituro sa kanila ang tamang mga ahensya na dapat nilang lapitan. Samantala, wala namang nakikita si Magadan na magiging banta sa buhay ng mga residente dahil wala rin namang napapansing armadong grupo sa lugar.Sa ngayon nanatili sa multipurpose hall ng barangay La Ezperanza ang mga sundalo na magtatagal naman doon hanggang tatlong buwan. Inaasahang ang sampung oras na Power Interruption sa ilang bahagi ng North Cotabato sa ilalim ng service area ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO bukas, February 20, 2016.Ito ay base naman sa ipanarating na mensahe mula sa tanggapan ng COTELCO na pirmado naman ni COTELCO General Manager Godofredo Homez.Magsisimula ang pagkawala sa suply ng kuryente mula alas syete ng umaga hanggang alas singko ng hapon.Pangunahing dahilan nito ay ang gagawing preventive maintenance ng COTELCO sa M4-Kidapawan Substation.Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang F41 Magpet Feeder kung saan mawawalan pansamantala ng suplay ng kuryente ang kaliwang bahagi ng Poblacion Kidapawan, bahagi ng Public Market, Ninoy Aquino Road, at Crossing Boragay papuntang Bayan ng Magpet.Kasama rin ang F42 Magsaysay Feeder na kinabibilangan ng bahagi ng Perez st. Datu Piang St., Brgy. Kalaisan, Junction, Macebolig at barangay Calu8nasan, Mlang.Pati na rin ang F43 Singao Feeder na kinabibilangan ng bahagi ng Sinsuat St., bahagi ng Quezon Boulevard patungong Apo Sandawa Homes, E and N Homes, River park hanggang Landmark area.At panghuli ay ang F44 Birada Feeder na kinabibilangan ng BPI Municipal Hall, bahagi ng Quezon Boulevard, Barracks Sudapin papuntang brgy. Ginatilan at Ilomavis at bahagi ng Indanagan Makilala.Tiniyak naman ng COTELCO na babalik kaagad sa normal ang suplay ng kuryente oras na matapos ang ginagawang rehabilatsyon sa M4-Kidapawan Sustation.Tinutugis na ngayon ng mga otoridad ang responsable sa pagbaril at pagpatay kay Floro Allado ang dating Alkalde ng Banisilan, North Cotabato.Ang insidente ay kinumpirma mismo ni Police Chief Inspector Joji Asuncion Barotos, hepe ng Banisilan PNP.Nangyari ang pamamaril kay Allado sa bisinidad ng kanyang pag-aaring gasoline station sa Poblacion, Wao Lanao del Sur pasado alas dos ng hapon kahapon.Ayon kay Barotos pababa na raw sana sa kanyang minamanehong sasakyan ang bitkima ng lapitan ito ng isang lalaki na nakasakay sa isang motorsiklo at agad siyang pinagbabaril.Nakatakbo pa umano ang biktima ng ilang metro papalayo sa lugar pero sinundan pa ito ng suspek at doon na siya tinuluyan.Tama sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ang tinamo ng biktima na naging sanhi naman ng kanyang agarang kamatayan.Nagsasagawa na ngayon ng malalimang imbestigasyon ang pulisya at militar kaugnay sa nabanggit na insidente.Nabatid na nagsibli si Allado sa bayan ng Banilisan bilang alklade ng pitong taong at ngayon ay muli sanang magpapapili bilang alklade sa bayan bilang isang independent candidate.

Political alliances of former archrivals unfolding in BARMM

COTABATO CITY - Ang dating magkakalaban ngayon nagtutulungan. Sa isang pambihirang pagkakataon nagyakapan, nagkabati at magkasama na sa isang...

NDBC BIDA BALITA (April 29, 2024)

NEWSCAST 1   P. MARCOS, bibisita ngayong sa Maguindanao del Norte, at Pikit, North Cotabato 2   MGA PARTIDO pulitikal sa...

3 finalists ng Miss U Ph, napili na

ISULAN, Sultan Kudarat - Tatlo sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines ang napili bilang finalists ng best in national costume sa ginanap na...

Cotelco announces power service interruption

Carmen area TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following...

Dealer killed, P13.6-M worth shabu seized in Sulu PDEA operation

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents seized P13.6 million worth shabu from a peddler who was killed in a shootout he provoked when he sensed he...