Friday May, 03 2024 07:39:39 PM

NDBC BIDA BALITA Jan. 13, 2016

 • 16:29 PM Wed Jan 13, 2016
1,729
By: 
NDBC news and current affairs team

NEWSCAST

JANUARY 13,
2016 (WEDNESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MGA LUMABAG sa election gun ban sa
probinsya ng Maguindanao, walang kawala sa checkpoint ng PNP

2. Magsasaka kalaboso sa buy bust
operation sa Kidapawan City.

3. Mariing pagpapatupad ng election gun
ban, tiniyak ng PNP South Cotabato

4. Will you marry me proposal ng seaman sa nurse sa gitna ng maraming tao sa Koronadal, patuloy na pinag-uusapan.5. Tarpaulin ni Rep. Catamco sa Kidapawan, sinabuyan ng pulang pintura. AT NGAYON SA DETALYE...ARESTADO ang walo katao sa iba't ibang
bahagi ng lalawigan ng Maguindanao dahil sa kasong paglabag sa election gun ban
at illegal possession of firearms.

Ito matapos ang implimentasyon ng
kapulisan at militar ng mahigpit na checkpoint sa lalawigan alinsunod sa gun
ban na nagsimula pa noong linggo.

Isa sa mga naaresto ang isang security
guard na si Jonatahn Jovellano na may dala dalang M-16 armalite rifle sa Brgy. Sarmiento,
Parang.

Nabatid na pauwi na sana si Jovellano
sakay ng kanyang motorsiklo ng maharang ito ng mga pulis sa checkpoint.

Huli rin ang isang Mike Upam Datukaka,
taga Kabuntalan, Maguindanao na may dalang hindi lisensyadong caliber 45 pistol
na baril na nasa loob ng U-BOX ng kanyang minamanehong motorsiklo.

Dalawa pa sa mga ito ay naaresto ng
Shariff Aguak Municipal Police station, at ang apat na iba pa ay mula sa
Barangay Kauran, Ampatuan na naaresto noong lunes ng gabi.

Ayon kay Maguindanao police provincial
director Senior Supt. Nickson Muksan, bigong magpakita ng mga papeles ang mga
suspek na nagpapahintulot sa kanilang pagdadala ng armas at maging ng gun ban
exemption certification mula sa COMELEC kung kaya't naaresto ang mga ito.

Binigyang diin ni Muksan na mahigpit
nilang iniimplimenta ang mga hakbang na nakapaloob sa implimentasyon ng gun ban
sa pakikipagugnayan sa mga local election officials sa lalawigan ng
Maguindanao.

Inaasahang madaragdagan pa ang bilang
ng mga mahuhuling lalabag sa implimentasyon ng gun ban kung magmamatigas at
hindi ito susundin ng sinuman. PATULOY pang
inaalam ng Cotabato City Police station number 1 kung sino ang nasa likod at
kung ano ang tunay na motibo ng pamamaril sa isang lalake kahapon.

Pasado alas
syete ng umaga kahapon ng pinagbabaril ang biktimang si Teng Guiao Adam alias
Ricky, 30-anyos, taga 4th road, Bagua 2 ng lungsod.

Nangyari ang
pamamaril sa isang pinaniniwalaang drug den, sa Washington, Barangay Poblacion
6, Cotabato city.

Unang
nakarinig ng putok ang mga tao sa lugar mula sa loob ng compound.

Pero nang tingnan
ng mga ito, wala na ang hindi pa nakikilalang suspek na pinaniniwalaang dumaan
sa likurang bahagi ng compound habang duguan at wala nang buhay si alyas Ricky.

Nabatid na
noong nakaraang taon ay una nang ni-raid ng Philippine Drug Enforcement Agency
o PDEA-ARMM ang nasabing compound kung saan ay tinatayang sampu katao ang
naaresto.

Posible
namang may kinalaman sa ilegal na droga ang pamamaril kay alyas Ricky. IMBES
na biktima ng isang vehicular accident ang isang lalake, ay nauwi ito sa
pagkakahuli sa kanya dahil sa pagdadala ng pinaniniwalaang shabu sa Brgy.
Agriculture, bayan ng Midsayap, Cotabato.

Kinilala
ang suspek na si Marvin Flauta, taga poblacion 4 ng nasabing bayan.

Sa
report, alas-dose ng hatinggabi kanina ng makatanggap ng report ang Midsayap
PNP traffic division na may isang lalake na nakabangga sa isang checkpoint
signage sa bayan at saka sumemplang.

Nang
rumisponde ang mga otoridad, agad silang nagsagawa ng imbestigasyon sa
insidente kung saan hiningan nila ng lisensya at papeles ng kanyang motorsiklo
si Flauta.

Nang
buksan niya ang kanyang wallet, nakita ng mga otoridad ang dalawang pakete ng
pinaniniwalaang shabu.

At
sumunod ang pagkakarekober ng limang alluminum foil, tatlong lighter at isang
itim na rectangle box.

Kasalukuyan
namang nakakulong ang suspek sa Midsayap PNP lock up cell habang inihahanda ang
kasong isasampa laban sa kanya.

UMAPELA
ang transport welfare association of cotabato city o TWACC sa inihaing proposed
ordinance 4107 ng Sanguniang panglungsod ng Cotabato na naglalayong magiging
one way na lamang para sa mga tricycle drivers ang kahabaan ng SK Pendatun Avenue.

Sa
programang Madam Public service ng DXMS Radyo Bida, iginiit ni TWACC President
Bads Ali na may ilan pang mga kalsada sa lungsod na hindi pinahihintulutan ang
kanilang mga kasaping motorista na makapasok o makapag pick-up ng pasahero.

Nanawagan
naman si Bads Ali sa pamunuan ng SP ng Cotabato na sana'y bigyan rin ng
konsiderasyon ang kanilang mga kasapi na maging patas rin ang kanilang
presensya sa kalsada na kahalintulad lang ng mga pribadong sasakyan.

TUMANGGAP
ng LIMANG units ng Corn Shellers ang limang barangay sa bayan ng Sultan
Kudarat.

Ang
nabanggit na mga makinarya ay mula sa Department of Social Welfare and
Development-ARMM sa ilalim ng PAMANA o Payapa at Masaganang Pamayanan Program.

Sinabi
ni Municipal Social Welfare Officer Laila Salik na ang mga benepisyaryo mismo
ang nag-identify ng proyektong kanilang kailangan sa kanilang kumunidad.

Ayon
kay Salik, second cycle na ito ng kanilang distribution para sa mga identified
beneficiaries ng PAMANA mula sa SK.

Individual
project ang ibinigay ng DSWD-ARMM para sa first cycle ng programa, dagdag ni
Salik.

Upang
makuha ang nabanggit na makinarya, nagbigay ng 5 percent bilang counterpart ang
local government unit.

Tumanggap
ng tig-dalawang corn shellers ang
barangays Matengen, Limbo, Ladia, Damaniog, at Ulas.

May
paalaala si Mayor Datu Shameem Mastura sa mga benepisyaryo. Naging usap-usapan ngayon ang malaking tarpaulin na nakalagay sa quezon boulevard Kidapawan City patikular sa harap ng City Pavilion kung saan parang sinadyang pahiran ng pintura na kulay pula ang mukha ni Second District Rep. Nancy Catamco.Nang makapanayam ng Radyo Bida si Catamco ay wala raw itong idea kung sino ang resonsable nito at wala na rin siyang planong alamin kung sino ang may kagagawan nito.Bagamat nakikita ng mga taga suporta ng kongesista na kawalan ng respeto ang nangyari ay pinili na lamang nitong huwag pansinin.Nabatid na sa naturang tarpaulin katabi ni Catamco si City Mayor Joseph Evangelista at kapansin pansing hindi naman nadumihan ng pintura ang larawan nito.Nakasaad kasi duon ang programa at proyekto ni Catamco katuwang ang City LGU.Para sa opisyal wala siyang nakikitang dahilan para baklasin o alisin ito dahil mas higit naman aniyang mahalaga ang nakasulat duon kesa sa kanyang mukha.Iginiit nitong hindi raw siya magpapapekto bagkus ay ipagpapatuloy nito ang mga nasimulang programa at proyekto para sa mamamayan ng ikalawang distrito ng North Cotabato. Hindi na nagawang makapalag pa ang isang magsasaka ng posasan ng mga otoridad matapos ilunsad ang buy bust operation sa Exim Compound, Juan dela Cruz Street, Poblacion Kidapawan City pasado alas singko ng hapon kahapon.Kinilala ng Kidapawan City PNP ang suspek na si Ronnie Kumendador Alterado, 35 na taga Purok Rambutan, Brgy. Singao ng lungsod.Nakuha mula sa kanya ang tatlong sachet ng pinaniniwalaang shabu at marked money.Nahuli mismo ang suspek sa bahay ng kaibigan nito na matagal na ring minamanmanan ng mga otoridad.Nakakulong na ngayon sa City PNP lock up cell si Alterado habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.Samantala huli rin ang isang Regie Enoc Alberio, na taga Landeral Subdivision Magsaysay, Kidapawan City pasado alas otso kagabi.Ito matapos mahulihan ng dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu sa isinagawang drug buy bust operation ng City PNP sa Kidapawan City Sports Complex.Agad ding dinala sa City PNP lock up cell ang suspek.Matatandaang isang Suraya Jean Villarosa rin ang nahuli ng PNP sa isang buy bust operation sa brgy. Magsaysay Kidapawan noong January 7, na nakuhan ng pitong sachet ng shabu na ngayon ay sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Patuloy ngayon ang ginagawang Cash for Work ng Kidapawan City LGU bilang paghahanda sa maaaring idulot ng El Niño phenomenon sa lungsod.Tiniyak ni City Mayor Joseph Evangelista na maipapatupad ang Cash for Work Program upang mabigyan ng pagkakakitaan ang mga apektadong magsasaka sa mga liblib na barangay ng lungsod maliban pa sa seguridad sa supply ng pagkain na ibibigay sa kanila sa panahon ng tagtuyot.Binigyan naman ng sahod ng City LGU ang mga magsasakang magtatanim ng 'yellow cassava' sa mga lupain sa mga barangay.P200 na sahod kada araw ang kikitain ng mga magsasaka sa panahon ng kanilang pagtatanim.Hindi lamang magkakaroon ng kita ang mga magsasaka kung di, maseseguro din na mayroon silang makakain kapag nagtagal ang El Nino. Bago pa man ang cash for work ay ipinag utos na ni Mayor Evangelista na taniman ng yellow cassava ang mga bukirin na pwedeng pagtamnan nito.Posibleng ituloy muli ang cash for work sa pagpasok ng tag-ulan sa pamamagitan ng paglilinis sa mga bukirin upang maiwasan ang kasiraang idudulot sa pagdami ng mga pesteng daga na kadalasang umaatake tuwing tag-ulan. Inaasahan ang 20 million Road widening Project na ipapatupad ngayong taon ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa Kidapawan City.Sinabi ni DPWH District Engr. Elpidio Birog, ang bagong mga proyekto ay ang clearing at road concreting sa Quezon Boulevard patungong Davao Area at Jose Abad Santos Street ng Mlang-Kidapawan Highway.Ayon kay Birog layunin ng dagdag na proyekto na magbigyan ng mas malawak na daanan ang mga sasakayan na dumadaan sa Davao-Cotabato highway at para matiyak ang kaligtasan ng mga commuters.Kumpyansa ngayon ang DPWH na hindi na maantala ang completion ng mga proyekto matapos ipatawag ang MKWD at COTELCO sa isang pagpupulong at tiniyak ng mga Nabanggit na ahensya na sila na mismo ang magbabaklas ng kanilang mga istruktura oras na simulan na ang proyekto.Sa ngayon natapos na ang bidding process ng proyekto at handa na ang kontraktor at hinihintay na lamang ang GO signal ng DPWH.Ibinida rin ni Birog na sa kabila ng ilang beses na pagkakabalam sa mga proyekto noong nakaraang taon umabot parin sila sa 80 percent completion sa kanilang mga proyekto noong 2015. Maliban sa sapat na suplay ng bigas na ibinibenta sa Kidapawan City ay hindi rin nagbago ang presyo nito sa kada kilo.Ito ang sinabi ni Toto Bacus ang Grains and Retailers Confederation President sa Noth Cotabato.Ayon kay Bacus, unang pagkakataon ito sa Kidapawan City na sa kabila ng nararanasang init ng panahon at pagpasok ng El Nino sa lalawigan ay marami pa rin silang nakukuhang bigas mula sa kanilang mga supplier.Ito ay galing naman sa mga magsasaka mula sa Mlang, Kabacan at Kidapawan City.Sa ngayon nanatili pa din sa presyo na 36 pesos hanggang 40 pesos bawat kilo ng iba't ibang variety ng bigas sa City Public market.Dagdag pa ng oisyal nakatulong din ang pagpasok ng imported na bigas na mabibili ngayon sa merkado maging ang stock ng NFA na bigas ay sapat din.Samantala, Ikinabahala naman ng opisyal kung ano ang magiging status ng suplay ng bigas sa mga susunod na buwan, pero aniya nakikitang nilang pinaghandaan ng husto ng NFA ang pagdating ng El Nino.Sa katunayan may mga nakalatag na silang plano katuwang ang NFA office sakali mang humina ang harvest o tataas ang presyo ng bigas.Sa kabilang dako bumaba naman ang presyo ng bigas na mais sa Kidapawan City na ngayon ay nasa bente kwatto na lamang bawat kilo.Ayon kay Bacus posible namang sumirit pataas ang presyo nito sa buwan ng pebrero o sa susunod na mga linggo lalo na at may ilang mga magsasaka na ang nakaranas ng infestation sa kanilang mga taniman. Mahigpit na ipatutupad ng pulisiya sa South Cotabato
ang comelec gun ban.

Ito ay bilang kabahagi naman ng paghahanda sa 2016
elections.

Ayon kay Senior Superintendent Jose Briones Jr, ang
PNP Provinciacl Director ng South Cotabato naka pwesto na sa mga pangunahing
daan sa lalawigan ang mga kasapi ng PNP para sa kanilang check point operation.

Kaugnay nito, humiling naman ang police official ng
dispensa sa mga motoristang maaring maabala sa kanilang mga check point.

Nilinaw naman ni Briones na visual lamang ang gagawing inspection ng mga
pulis.

Ibig sabihin nito, hindi obligado ang mga mamamayan
na bumaba o buksan para sa mga nag-iinspeksyon ang kanilang mga sasakyan.

Matatandaan na dalawa katao na ang nasampulan ng
election gun ban sa Koronadal City.

Ito ay
matapos makumpiska ng mga pulis mula sa sasakyan ng mga ito ang dalawang
45 pistol kasabay din sa pagsisimula ng election period kamakalaWA,

Ang Election gun ban ay magtatagal naman hanggang sa
Hunyo a otso.

Maari lamang payagan ang nagmamay ari ng mga baril na magdala ng armas
kapag nakakuha ng certificate of exemption mula sa Commission on Elections o
Comelec.

Habang abala naman ang marami sa paghahanda sa
katatapos lamang na 16th Hinugay Festival at Foundation Anniversary
ng Koronadal.

Tila nagkaroon ng advance valentines day celebration
ang ilang mga mamamayan na nakasaksi sa wedding proposal na naganap sa isa sa
pinaka abalang kalye ng lungsod.

Ang biente otso anyos na nurse na si Rea Rizza
Penolvo, na nagbaksyon lamang galing
sa Saudi Arabia ay nagkaroon ng pinakamalaking sorpresa sa kanyang
buhay.

Ito ay matapos alukin ng kasal ng seaman nitong
boyfriend na si Jason Darroca, biente otso anyos sa harap mismo ng welcome
rotonda na noon ay pansamantalang isinara sa trapiko bilang paghahanda sa street
dancing competition noong Jan 9 ng gabi.

Matapos kunsabahin ilang mga mamamayan at establisemento na may malaking screen sa
lugar, inimbitahan ni Darroca ang kasintahan sa gitna ng kalye.

Nasorpresa naman si Penolvo sa biglang pagsulpot ng
mga mamamayan na kinunsaba boyfriend na nagbigay sa kanya ng mga pulang rosas.

Kasunod nito ibinigay naman ni Darroca kay Penolvo
ang bitibit na rosas, at lumuhod sa harapan ng nagulat na kasintahan.

Nang makita ang mga katagang Will You Mary Me? na
naka- flash sa malaking screen, dito na nagpalakpakan ang mga mamamayan na
karamihan ay mga participants sa street dancing competition na nageensayo sa
lugar.

Nagulat man at kinabahan sa bilis nang pangyayari,
agad namang sinagot ng Yes” ni Penolvo ang nagprosed na kasintahan.
Ipinahayag naman ni Darroca na matagal na nitong
plinano ang pagaalok ng kasal sa tatlo
na nitong kasintahan.

Ayon kay Darroca ngayon lamang siya nakahanap ng
tamang lugar at timing para ito gawin.
Hindi naman inaasahan ng mag-fiancee na mag viral sa
social media ang video ng insidnete na ngayon ay umaabot na sa mahigit 500 share sa Radyo Bida Koronadal at 1,441 hits saNDBC Website na and//www.ndbcnews.com.ph/ www.ndbcnews.com.ph

Pinaghahandaan na ng Department of Agriculture o DA
12 ang pagsasagawa ng cloud seeding operation sa rehiyon.

Sa katunayan ayon kay Zaldy Boloron, ang regional
technical director ng DA 12, isinasagawa na ngayon ng Bureau of Soil and Water Management ang final
assessment para dito.

Ayon kay Boloron, kung walang magiging aberya
posibleng masisimulan na ang cloud seeding operation sa ilang bahagi ng
SOCCSKSARGEN region ngayong linggo.

Ayon kay Boloron sampung mga cloud seeding sorties
ang maaring ipatupad ng DA 12 sa unang bugso ng kanilang cloud seeding
operation.

Ito ayon kay Boloron ay ang pagpapalipad ng eroplano
na magbubuhos ngasin sa ulap para
umulan.

Layon nito na maisalba mula sa pagkasiradahil sa tagtuyot ang mgaprodukto ng mga magsasaka.

Ayon kay Boloron ang cloud seeding operation ay pinaglaanan
ng DA 12 ng mahigit anim na milyong piso. Pinaiigting ngayon ng Provincial Health Office ng
South Cotabato ang kanilang monitoring sa
sakit na malaria.

Ayon kay Malaria Provicial Team Leader Jose
Barroquillo, ito ay bilang paghahanda sa posibleng pagdeklara ng World Health Organization o WHO
sa lalawigan bilang malaria free sa susunod na taon.

Ito ayon kay Barroquillo ay matapos walang naiulat
na kaso ng malaria sa South Cotabato sa nakalipas na limang taon.

Gayunpaman ayon kay Barroquillo, para mapigilan ang
papasok ng panibagong kaso ng Malaria sa South Cotabato, nagsagawa ng cross
border operation ang IPHO sa mga boundary ng South Cotabato.

Inihayag ni Barroquillo na hindi pa rin kasi maaring maging kampante ang
kanilang tanggapan.

Ayon kay Barroquilo naka-sentro ngayon ang kanilang
monitoring sa mga liblib na barangay ng bayan ng Lake Sebu.

Nabatid na mula sa 587 noong 2004 bumaba sa 99.66
percent o dalawa ang kaso ang malaria sa South Cotabato noong 2011.

Wala namang naitalang bagong kaso ng Malaria ang
Provincial Epideomology and Surviellance Unit o PESU simula 2013.

Makikinabang sa Cash for Work Program ng City Social
Welfare and Development Office o CSWDO ang mga nasunugang mamamayan sa
Koronadal City.

Ito ay ayon kay Mary Jane Martha Gabucan, ang City
Social Welfare and Development Officer ng Koronadal.Ayon kay Gabucan kapalit ng pagtatrabaho ng mga
benipisyaryo sa city government ang mahigit dalawang daang arawang sahod.

Ang cash for work program para sa mga nasunugan ay ipatutupad sa loob ng sampung araw.

Layon nito ayon kay Gabucan, na matulungan ang
mga biktima ng sunog na makapagpatayo
muli ng kanilang tirahan.

Nawalang ng tirahan anglabinisang
pamilya sa sunog sa Balmores Street Barangay General Paulino Santos sa
lungsod.

Ang mga biktima ay nagsasaya lamang sa community
countdown ng city government ng tupukin ng apoy ang kanilang mga bahay habang
sinasalubong ang bagong taon.

Ang kwitis na tumama sa isa sa mga bahay sa Zabala
Compund ang posibleng sanhi ng sunog
ayon naman sa ilang mga saksi.

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...