Thursday May, 02 2024 01:36:31 PM

NDBC BIDA BALITA Jan. 25, 2016

 • 17:55 PM Mon Jan 25, 2016
2,009
By: 
NDBC News and Current Affairs Team

NEWSCAST

JANUARY 25,
2016 (MONDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. UNANG anibersaryo ng Mamasapano
encounter, ginugunita ngayong araw hustisya, sigaw pa rin ng mga kaanak ng mga
napaslang sa insidente.

2. Dalawang mga pulis, isang sundalo at
tatlong iba pa, huli sa buy bust raid sa Lebak, Sultan Kudarat

3. Negosyante patay sa pamamaril sa
Banga, South Cotabato

4. MGA PULIS at sundalo, mahigpit na
pinagbabawalang magsuot ng t-shirt o sumbrero ng mga kandidato

5. Dahil sa awayan sa lupa, 66 year old na lolo, binaril at napatay ang kuya na 69 years old sa Mlang, N. Cotabato GINUGUNITA ngayon sa bansa ang unang
anibersaryo ng Mamasapano encounter na naganap noong January 25, 2015 sa
Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.

Kaugnay nito, naniniwala si Autonomous
Region in Muslim Mindanao o ARMM Governor Mujiv Hataman na hindi maghihilum ang
sugat na dinulot ng insidente hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang mga
biktima.

Aniya, makakamit din ang tunay na
kapayapaan kapag namayani ang hustisya sa lahat ng mga nangangailangan nito.

Sa naturang engkwentro, abot sa 60 katao
ang nasawi at mahigit 120 libo katao ang nagsilikas.

Subalit iginiit ni Hataman na hindi ang
bilang ng mga nasawi o nagsilikas ang lubos na naka apekto sa pamumuhay ng
bangsamoro kundi ang takot at alinlangan na itinanim nito sa kanilang mga puso
at isip.

Gayunman, sinabi ng gubernador na ang
naturang insidente naman ang nagbukas ng daan tungo sa kapayapaan at kaunlaran
sa bayan.

Aniya, nabigyan ng tulong ang mga
mamamayan ng lugar sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga bago at konkretong
farm-to-market roads, mga paaralan at simbahan.

Kaugnay nito, mamahagi naman ng mga
laruan at relief goods sa mga batang residente ng Mamasapano ang Maguindanao
provincial government ngayong umaga.

Sinabi ni Maguindanao Governor Toto
Mangudadatu na ito ay bilang paggunita sa trahedyang nangyari sa lugar.

Aniya, ang relief mission ay paraan
para ipaalala sa komunidad na kailangang magtulungan para hindi na muling
maulit pa ang insidente.

Pangungunahan ni Maguindanao Provincial
Budget Officer Lynette Estandarte, siya ring team leader ng Maguindano emergency
and disaster response team leader, ang relief mission.

Bukod sa pamamahagi ng ng relief goods
ay magsasagawa rin ng libreng medical consultation at mamamahagi ng libreng
gamot sa mga residente sa lugar.

Una nang nagpatayo ng covered court sa Barangay
Tukanalipao ang Maguindanao provincial government para sa mga kabataan sa
lugar.

Ito ay kasabay naman ng ipinatayong mga
tulay, farm-to-market roads, school buildings, at water systems ng ARMM
government sa iba’t ibang mga barangay in Mamasapano mula Pebrero hanggang
Disyembre noong nakaraang taon. MULING
BINIGYANG DIIN ng Organization of Islamic Cooperation o OIC ang suporta nito sa
usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Moro Islamic
Liberation Front o MILF.

Iginiit
ng OIC na ang pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law o BBL ay angkop din sa
kasalukuyang pagrepaso ng 1996 Final Peace agreement sa pagitan ng pamahalaan
at Moro National Liberation Front o MNLF.

Sinabi
ni OIC Secretary General Iyad Ameen Madani sa liham nito kay Senate President
Franklin Drilon at House Speaker Feliciano Belmonte na tinatanggap nila ang BBL
at ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB na naging basehan ng
naturang panukalang batas.

Aniya
pa, kinikilala ng OIC ang pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas sa paghahanap ng
mapayapang solusyon na pangmatagalan at katanggap tanggap sa lahat.

Samantala,
isang Ministerial Meeting para sa Tripartite Review Process ang nakatakdang
gawin ngayong araw hanggang bukas sa Jeddah, Saudi Arabia.

Dadaluhan
ito ng mga pangunahing opisyal ng gobyerno ng Pilipinas at kinatawan ng Misuari
at Sema factions ng MNLF. ?

Inaasahan
na ang resulta ng Tripartite Review process ay magiging bahagi naman ng Bangsamoro
peace process roadmap.

Pagtitibayin
ito ng partisipasyon ng MNLF sa Bangsamoro Transition Authority o BTA, ang interim
government transition mula sa kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao
o ARMM patungo sa proposed Bangsamoro parliamentary government. Kulungan ang bagsak ng dalawang pulis, isang marine sergeant at tatlong iba matapos ilunsad ang buy bust raid ng mga otoridad sa Lebak, Sultan Kudarat alas sais ng gabi noong sabado.Kinilala ni Chief Inspector Elmer Guevarra, officer-in-charge ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 12 na sina Police Officer 1 Hamed Karon, naka- assign sa Police Regional Office (PRO) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Police Officer 3 Benny Uy ng Police Regional Office 11, Southern Mindananao Sergeant Sherwin Aregado ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) na naka assign sa Lebak, Sultan Kudarat.Ayon kay Guevara parehong mga assignments without official leave o AWOL ang tatlong mga nahuling suspek.Nakuha sa mga ito ang 17 small sachet ng pinaniniwalaang shabu, mga drug paraphernalia at drug money.Habang sina Michael John Besana Ronaldo Hierro and Akmad Guiamel Kabagani ay naaresto din matapos silang mahuli sa akto sa compound na nagpa-pot session.Ang nasabing operasyon na tinawag nilang Oplan Big Berta ay isinagawa ng Sultan Kudarat CIDG, Sultan Kudarat intelligence Division at Lebak PNP.Naka kustodiya na ngayon ang mga suspek sa CIDG Region 12 sa General Santos City habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila. TAMPOK
sa ina-abangang Sagayan festival sa Maguindanao ngayong taon ang REGATA o
traditional boat race sa darating na February 11 sa Buluan river.

Sinabi
ni Regata chairperson Tim Ambolodto na ang regatta ay 100-meter boat race na
bukas sa lahat ng mga lalaki sa 36 na bayan ng lalawigan.

Ayon kay Ambolodto, bahagi na ng buhay ng mga
Maguindanaon ang Bangka o ‘awang’ kaya ang regatta ay isang paraan para bigyang
pagkilala ang tradisyunal na paraan ng transportasyon ng mga mamamayan sa lalawigan.

30
thousand pesos ang naghihintay na premyo para sa mananalo.

Samantala,
nagsimula na ang audition para naman sa Kategalan sa Maguindanao – battle of
talents

Ngayong
araw, January 25, gagawin ang audition sa bayan ng Upi.

Kaya
inaanyayahan ang lahat ng mga LGU worker, senior citizen at Persons with
disabilities sa naturang bayan na magpatala sa inyong municipal budget officer.

Bukas,
January 26, gagawin naman ang audition sa Ampatuan, Maguindanao.

Sa
January 27, sa Parang January 28 sa Datu Paglas at sa January 29 sa bayan ng
Datu Saudi Ampatuan.

50
libong piso ang naghihintay na premyo para sa tatanghaling grand winner ng
naturang talent contest.

Malaki ang paniniwala ni DPWH First District Engr. Elpidio Birog na matatapos ng Llban Construction Company ang kanilang proyekto sa Quezon Boulevard, Kidapawan City bago ang itinakdang deadline nito.Ito ang pahayag ng opisyal matapos itong tanungin sa updates ng kanilang proyekto partikular sa Quezon Boulevard ng lungsod matpos umani ng batikos noon dahil sa usad pagong na trabaho.Ayon kay Birog, bagaman at may mga kulang pa at may mga inaayos pa sa daanan ,naniniwala siyang bago ang deadline ng kontruktor ngayong Abril ay makukumpleto na nila ang naturang proyekto.May mga istratehiya na rin silang ginagawa para sa nabanggit na trabaho. Nagpapasalamat rin si Birog sa kooperasyon ng Metro Kidapawan District at Cotabato Electric Cooperative sa mas mabilis nilang pagtugon sa kanilang mga responsibilidad para maipagpatuloy ang konstruksyon sa highway. PNP Region 12 aminadong nagkukulang ng Chemist ilang drug related cases na dismiss Hirap ngayon ang Kidapawan City PNP Crime Laboratory na pangasiwaan ang kanilang mga nakukuhang ebidensya resulta ng kanilang mga ginagawang operasyon kagaya ng busy bust at search operation dahil wala silang chemist.Sa ngayon ibinabyahe pa ito patungong General Santos City.Paliwanag naman ni Sr. Supt Alejandro Gunao ng PNP Region 12, sumasailalim kasi ng training ang Chemist na nakatalaga sa Kidapawan City PNP at posibleng Mayo o Hunyo pa ito matatapos.Pansamantala sanang lalagyan ng Chemist ang lungsod mula sa South Cotabato pero nagka problema rin ito sa kanyang mga hinahawakang kaso na may kaugnayan sa droga.Aminado ang opisyal na kulang sila ng chemist at katunayan aniya dalawang Chemist lamang ngayon ang naka assign sa buong rehiyon.Ilang mga kaso na rin ang na dismiss dahil sa naturang problema.Kinakailangan kasing patunayan ng mga chemist na positibo ang mga ipiniresentang droga sa kanila ng mga pulis para sa court hearing.Sa ngayon hinihitay na lamang ng PNP 12 ang sagot sa kanilang ipinadalang request sa National headquarters na dagdagan ng Chemist ang Region 12 para sa mas mabilis at maayos nilang trabaho. Naaresto ang tatlo katao sa isinagawang COMELEC Checkpoint ng pinagsanib na pwersa ng Pikit PNP, Taskforce Pikit, Regional Public Safety Batallion 12 at 7th IB ng Philippine Army matapos makuhanan ng ilegal na droga sa brgy. Batulawan, Pikit, North Cotabato pasado alas dose ng tanghali noong sabado.Kinilala ni Police Ins. Sindatu Karim, hepe ng Pikit PNP ang tatlong mga nahuli na sina Arnel Galligo, 33 Ritchel Flores, 30 parehong mga taga brgy. Sadaan, Midsayap at isang Joey Fuentes, 35 na taga Poblacion uno. Midsayap North Cotabato.Ayon sa report sakay ang tatlong suspek sa isang Yamaha RS na may license plate MA 13315 na nagtangka pang tumakas matapos parahin ng mga otoridad.Pero di pa rin sila nakawala. Nang hingan na ang mga ito ng dokumento ay may napansin ang PNP na may itinapon silang tatlo na tig-isang sachet ng pinaniniwalaang shabu.Agad silang pinosasan at binitbit sa prisinto.Sa ngayon nanatiling nakakulong ang mga suspek sa Pikt, PNP habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila. NANG dahil sa hindi pagkakaunawaan dahil sa awayan sa lupa, humantong sa pamamaril ang pagtatalo ng magkapatid sa bayan ng Mlang, North Cotabato kahapon ng tanghali.Sa impormasyong nakalap ng Radyo Bida, kakauwi lang ng magkapatid matapos nilang ilibing ang namayapa nilang isa pang kapatid nang maganap ang pagtatalo.Ang insedente ay naganap sa Purok Sentro, Barangay New Rizal, Mlang kung saan walang sabi-sabing pinagbabaril ng suspek na si James Buenaflor, 66 years old ang nakakatandang kapatid nitong kinilalang si Thomas Buenaflor, 69 years old, gamit ang kalibre 45 na baril.Patay on the spot biktima dahil sa dami ng balang bumaon sa katawan nito.Narecober ng MLang PNP sa crime scene ang 7 empty shells ng 45 caliber pistol.Agad namang nagsagawa ng pursuit operation ang Mlang PNP at nahuli ang suspek na na ngayon ay nakakulong sa Mlang PNP lock up cell.Maliban sa kasong murder, nahaharap din ang suspek sa kasong paglabag sa Comelec gun ban. SINISISI ngayon ng isang
Obispo ang kabiguan ng pamahalaan na masugpo ang karahasan na gawa ng mga
teroristang grupo kaya’t nagsisimula na ring mag armas ang mga miembro ng iba’t
ibang tribo sa Mindanao.

Sinabi ni Vicariate of Jolo
Bishop Angelito Lampon na nabuo ang armadong puwersa o ‘Red God Soldiers’ sa
Mindanao dahil sa kabiguan ng gobyerno na masugpo ang karahasan sa iba’t ibang
panig ng Mindanao at bigyang hustisya ang mga inosenteng sibilyang pinaslang ng
mga teroristang grupo.

Ayon kay Lampon, nagiging
desperado na ang maraming mga mamamayan sa Maguindanao kaya’t bumuo na rin ng
armadong grupo para ilagay ang hustisya sa kanilang mga kamay.

Nabatid na nagpakita ng
puwersa ang nasa 300 mga miembro ng ‘Red God Soldiers’ kung saan ipinakita ang
kanilang matataas na kalibre ng armas at nangakong protektahan ang kanilang
sarili laban sa karahasan.

Sinunog pa ng grupo ang flag
ng Islamic State kasabay ng pagkondena sa karahasan ng Bangsamoro Islamic
Freedom Fighters o BIFF, na responsable sa pamamaslang sa mga inosenteng
sibilyan.

Naniniwala ang nasabing
obispo na ang naturang pag-alsa ay paraan para ipanawagan sa gobyerno na bigyan
ng solusyon ang karahasan sa Mindanao na gawa ng mga masasamang loob.

Halos dalawang libong mga pari, obispo at cardinal ang naki-isa sa opening mass ng 51st International Eucharistic Congress sa Cebu.Tinatayang aabot naman sa 300 katao ang dumalo sa naturang misa kahapon sa Plaza Independencia.Si Cardinal Charles Maung Bo, S.D.B., mula sa Archdiocese of Yangon, Myanmar, ang pinili ng Santo Papa bilang Papal Legate sa 51st IEC.Binigyang diin ni Cardinal Charles Maung Bo sa kanyang homily sa opening Mass ng IEC ang pagkakaroon ng kapayapaan at reconciliation.Sinabi ni Cardinal Bo na ang mundo ay nangangailangan ng kapayapaan at humiling din ito ng panalangin para sa kanya at para sa isa’t isa.Ipinaabot din niya sa taumbayan na mahal ng Santo Papa ang mga Pilipino.Kaugnay nito naging highlight din sa mensahe ni Cardinal Bo ang katagang, Catholicism means Filipino Presence. Ito'y dahil sa dami ng Pilipino na mga Romano Katoliko sa buong kontinente ng Asya.Nagpapasalamat naman ito sa lahat ng mga Pilipino na lumahok sa nasabing misa at sa mainit na pagtanggap kahit di ang Santo Papa na si Pope Francis ang pumunta sa bansa upang pangunahan ang 51st IEC.Samantala, para sa live updates ng 51ST IEC mula sa Cebu, manatili

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...

3 militiamen slain, 3 hurt in Lanao Sur ambush

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte  – Three militiamen were killed while three others were injured in an ambush by still unidentified gunmen in...