Friday May, 03 2024 09:38:01 PM

NDBC BIDA BALITA (June 1, 2016)

 • 18:44 PM Wed Jun 1, 2016
1,318
By: 
NDBC

NEWSCAST

JUNE 1, 2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MGA PINANINIWALAANG MAGNANAKAW na
nadakip ng Cotabato City PNP, iniharap sa alkalde ng lungsod at sa media.

2. Limang mga bakwit, namatay habang nasasa loob ng evacuation center Matalam, North Cotabato.

3. Lola sa Banga, South Cotabato,
sugatan matapos mataga ng mister dahil sa selos.4. South Cotabato ex-gov, hinirang ni Duterte bilang DILG secretary SA DETALYE ...SIYAM NA MGA pinaniniwalaang notoryus
na magnanakaw sa Cotabato city ang dinala ng mga pulis ng lungsod sa People's
Palace kahapon nang umaga para iharap kay mayor Japal Guiani Jr.

Ang mga naarestong suspek ay
kinabibilangan ng dalawang babae na pawang mga menor de edad at pitong mga lalaki
na sangkot sa shoplifting, robbery at snatching.

Ayon kay Guiani, nais niyang magsilbi
itong banta sa iba pang masasamang loob sa lungsod na patuloy pa ring
nambibiktima sa mga Cotabateño.

Una rito ay sunod-sunod na nahuli ng
pinagsanib na puwersa ng kapulisan, barangay officials at barangay tanod ang
siyam na mga pinaniniwalaang magnanakaw sa loob ng isang linggo lamang.

Kaya naman nais magbigay ni mayor
Guiani ng papuri sa mga ito dahil sa matagumpay na operasyon.

Tiniyak naman ng alkalde na malakas ang
mga ebidensyang hinahawakan ng pulisya laban sa mga naarestong suspek at
umaasang hindi na matatakasan ng mga ito ang batas.

Target naman ngayon ng CCPO ang
basag-kotse gang na patuloy pa rin sa pag-ooaperate sa lungsod.

Ngayong araw ay nakatakdang gawin ang
Cotabato city Peace and Order Council meeting para talakayin ang mga susunod na
hakbang ng lokal na pamahalaan at ng law enforcers sa patuloy na pagsugpo sa
kriminalidad sa lungsod. KALABOSO
ang isang 36 na taong gulang na tatay dahil sa panggagahasa sa sariling nitong
anak sa Midsayap, North Cotabato.

Kinilala
lamang ang suspek sa alyas na Jun, 36 years old, walang trabaho at
pinaniniwalaang gumagamit ng ipinagbabawal na droga.

Sa
inisyal na ulat ng Midsayap PNP, ginahasa ng suspek ang anak nitong pitong
taong gulang na batang babae pasado alas nuebe ng gabi kamakalawa sa loob mismo
ng kanilang bahay.

Sadyang
itinago ang pagkakakilanlan ng suspek at ng biktima at maging ang lugar na
pinagyarihan ng krimen para na rin sa proteksyon ng batang biktima.

Base
sa medico legal ng biktima, kumpirmadong ginahasa ito kaya desidido ang kanyang
ina na sampahan ng kaukulang kaso ang kanyang mister.

Sa
ngayon ay nakakulong na ang naturang suspek sa Midsayap PNP lock up cell habang
hinihinay ang pagsasampa ng pormal na kaso laban sa kanya.

NAHULOG
na rin sa kamay ng mga otoridad ang isang suspected drug pusher na matagal nang
nasa watchlist ng Midsayap PNP, Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 at
North Cotabato PNP Intelligence Division.

Kinilala
ni Midsayap PNP Chief, Police Supt. Tom Tuzon ang naaresto na si Princess
Akmad, 20 years old at taga-barangay Poblacion 3.

Nakatakas
naman ang live in partner nito na si Marjon Condes alyas Jojo.

Sabi
ni Tuzon, nahuli ang suspek sa kanilang isinagawang drug buy bust operation
pasado alas tres ng hapon kahapon kung saan nakuha mula kay Akmad ang 300 pesos
na marked money, apat na sachets ng shabu na nasa apat na libong piso ang
halaga, at iba pang mga drug paraphernalia.

Nakakulong
na ngayon si Akmad habang ang live in partner nitong si Condes ay patuloy pang
pinaghahanap ng mga otoridad. HANGGANG
NGAYON ay inaalam pa rin ng mga otoridad kung anong grupo ang responsable sa
pananambang sa supplier ng Pamana Program ng Office of the Presidential Adviser
on the Peace Process o OPAPP sa Libungan, North Cotabato.

Una
kasing naiulat ng Libungan PNP na posibleng pagnanakaw ang motibo ng mga suspek
sa pananambang sa mga biktimang sina Jojie Benito, ang driver ng Kawasaki Bajaj
motorcycle na nasawi on the spot at Arbaine Guiabar na nagtamo ng pasa at sugat
makaraang bumaligtad ang sinasakyang motorsiklo.

Nangyari
ang pananambang pasado alas sais ng gabi nitong Biyernes May 27.

Ganunpaman,
sinabi ng Libungan PNP na may tinitingnan pa rin silang anggulo sa naturang
insidente dahil posibleng may kaugnayan ito sa kanilang trabaho.

Hirap din
ang mga pulis na maghanap ng mga testigo sa pangyayari dahil madilim at hindi
matao ang naturang lugar.

Samantala,
nilinaw naman ng DSWD Maguindanao na hindi nila kawani ang mga biktima bagkus,
ang mga ito ay kapwa mga supplier ng PAMANA Program ng Office of the
Presidential Adviser on the Peace Process.

ITINUTURING
NA ISANG hadlang ni Cotabato city vice-mayor elect Atty. Cynthia Guiani-Sayadi
ang ginagawang panghuhuli ng 5th Special Forces Battalion ng Philippine Army sa
mga barangay tanod para tuluyang masugpo ang mga nangyayaring krimen sa lungsod
lalong-lalo na ang talamak na nakawan sa mga barangay.

Ayon
kay Atty. Sayadi, malaki sana ang naitutulong ng mga force multipliers o ng mga
Barangay tanod sa pagbibigay ng seguridad sa mga barangay pero hindi na umano
makagalaw ang mga ito sa ngayon dahil hinuhuli umano ng SF.

Una
rito, ilang mga barangay tanod na ang nahuli ng 5th Special Forces Battalion
dahil sa kakulangan ng papeles sa dala nitong baril at dahil na rin sa umiiral
pa ring gunban.

Pinakahuli
rito ay si Domingo Jalico, 44 anyos, tanod ng Mother Barangay Rosary Heights na
nahuli ng SF pasado alas sais nang umaga noong May 29, 2016 habang papauwi na
umano ito mula sa kanyang duty.

Si
Jalico ay nahulihan ng 12 gauge shotgun na may limang mga bala na expired ang
lisensya at walang gunban exemption.

Sa
ngayon ay naisampa na ang kaso ni Jalico sa korte.

SAMANTALA, para kay Sayadi hindi dapat hulihin ng SF ang mga barangay tanod na
siya umanong nakakatulong sa paghuli sa mga magnanakaw at iba pang mga kriminal
sa kanilang mga barangay.

Una na
rin aniyang naghain ng petisyon ang mga punong barangay sa Cotabato city na
marelieve si Philippine Army's 5th Special Forces Battalion commander Col.
Ranulfo Sevilla.

Samantala,
sa kaso naman ni Tamontaka II Barangay chairperson Joven Pangilan, inihayag ni
Sayadi na naghain na ng motion for reconsideration ang prosekusyon matapos
mapawalang-bisa ang paghain ng search warrant sa bahay ng punong barangay na
pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-CenMin kasama
ang 5th Special Forces Battalion.

BILANG REAKSYON, iginiit niArmy’s 5th Special Forces Battalion Commander Col. Ranulfo
Sevilla, na ginagawa lamang nila ang kanilang mandato bilang mga
sundalo.

Aniya,
isinasantabi nila ang anumang personal na interes para magampanan ang kanilang
sinumpaang tungkulin na protektahan ang mga sibilyan.

Nilinaw
din nito na nagbibigay lamang din sila ng suporta sa mga kapulisan sa lungsod
para matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan ng lungsod.

Samantala,
nanindigan naman si Sevilla sa paghuli sa mga tanod na nagdadala ng armas dahil
aniya, walang kaukulang lisensya ang mga ito para magdala ng baril kaya ito ay
labag sa batas.

Isasailalim sa pagsasanay ng Provincial Environment and Management Office o PEMO South Cotabato sa tamang paghuli ng mga violator ang mga kasapi ng Task Force Kalinisan.
Ayon kay PEMO Senior Environmental Specialist Elvie Balucanag, ang Task Force ay binuo upang tiyakin ang kalinisan sa mga lugar na pagdausan ng mga aktibidad sa Golden Anniversary at 17th T’nalak Festival ng South Cotabato sa Hulyo.
Inihayag ni Balucanag na ang mga enforcer na magbabantay sa mga mamamayan ay deputized ng office of the governor.
Obligasyon ng mga enforcer na sitahin at bigyan ng citation ticket upang pagmultahin ang sinumang mahuhuling nagkakalat ng basura sa selebrasyon.
Inihayag ni Balucanag na para lalong mabantayan ang mga pasaway na mamamayan, maglalagay lamang ng trash can o basurahan ang PEMO sa mga stalls.
Layon din nito ayon kay Balucanag na hindi magamit ng mga masasamang loob sa pagbabanta ang mga basura na minsan ay napapagkamalang pambasog, lalong lalo na kung pinabayaan sa mga matataong lugar.
Ang 50th Foundation Anniversary at 17th Tinalak Festival ng South Cotabato ay gaganapin sa July 10 hanggang 18.
Ang selebrasyon ay nakaangkla naman sa temang Sharing Our Best with the World,” Tatlumput dalawang araw matapos ang eleksyon iisang kandidato pa lamang ang nakapagsumite ng kanyang Statement of Contributions and Expenditure o SOCE sa Comelec South Cotabato.
Kaugnay nito, umaapela naman si Comelec South Cotabato Election Supervisor Atty. Kendatu Laguialam sa lahat ng mga kandidato noong May 9 elections, nanalo man o di pinalad na magsumite na ng kanilang SOCE sa Comelec.
Paalala ni Laguialam maari lamang magbigay ng kanilang SOCE ang mga kandidato hanggang sa June 18.
Binigyan diin ng election supervisor na mahalaga ang SOCE dahil magiging batayan ito ng Comelec sa pagbigay ng Certificate of Compliance.
Ang Certificate of Compliance ay isa sa mga requirement ng Department of Interior and Local Government o DILG para makaupo sa pwesto ang mga nanalong kandidato.
Habang ang mga hindi nanalo na bigonng makapagsumite ng kanilang SOCE ay posibleng hindi na maari pang kumandidato sa susunod na halalan.
Nabatid na sa mga kumandidato sa provincial level sa South Cotabato tanging si reelectionist Board Member Agustin Demalaa pa lamang ang nakapagsumite ng kanyang SOCE sa Comelec.Magbibigay ng tulong para sa mga senior high school na papasok sa pribadong mga eskwelahan, ang lokal na pamahalaan ng Koronadal.
Ayon kay Koronadal Mayor Peter Miguel, kinausap na nito mismo ang mga pribadong eskwelahan na nag-ooffer ng Senior High School sa lungsod.
Layon nito ayon sa alkalde ay upang matukoy kung magkano ang financial assistance na ibibigay sa mga senior high school students.
Plano ng city government na magbigay ng tig P500 pesos financial assistance sa mga senior high school sa mga private schools.
Ito ay maliban pa sa P17,500 na matatanggap ng mga ito base naman sa Voucher Program under the government assistance to students and teachers in private education o GASTPE.
Kaya ayon sa alkalde wala nang dapat pang ipangamba ang mga Senior High School na magaaral sa mga private schools sa Koronadal City. NDBC News AM June 1
Headline and 17 Pamilya nasiraan ng bahay dahil sa malakas na hangin sa South Cotabato, natulungan ng lokal na pamahalaan
Nakapagbigay na ng tulong ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC South Cotabato sa 17 pamilya na nasiraan ng bahay dahil sa malakas na hangain sa lalawigan.
Pinakamaraming nasira ang siyam na mga bahay sa barangay Dumadalig, bayan ng Tantangan.
Di rin pinaligtas ng hagupit ng lakas ng hangin maging ang chapel, at tribal hall ng Sitio Matias sa lugar.
Sa barangay Katipunan, Sto.Nino, sinira din ng malakas na hangin ang limang mga bahay sa Purok Magsaysay.
Pinirwisyo din ng kalamidad ang isang pamilya sa bayan ng Norala na nasiraan din ng bahay.
Karamihan sa mga nasirang bahay ay pawang gawa sa light materials na kung di man natangayan ng bubong ay pinatumba din ng malakas na hangin kamakalawa ng hapon.
May iba naman na tinamaan ng mga natumbang puno.
Ayon kay PDRRMO Action Officer Mila Lorca, maliban sa pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, ang mga biktima ay nabigyan din ng yero, tabla,at iba pang mga materyales upang maisaayos ang kanilang nasirang mga bahay.
Ayon kay Lorca maliban sa PDRRMO nagbigay din ng tulong sa mga biktima ang kani-kanilang lokal na pamahalaan. Ginagamot pa ngayon sa South Cotabato Provincial Hospital ang isang lola matapos umanong saksakin ng sariling mister sa Purok Daisy, Barangay Malaya, South Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Carmen Gonzales, 66 anyos residente din sa lugar.
Ang lolang biktima ay sugatan sa kanyang dibdib at kamay matapos umanong tagain ng mister na si Abraham Gonzales 73 anyos, magsasaka.
Ayon sa apo ng biktima na si Jomar Gonzales, nataga umano ng kanyang lolo ang kanyang lola dahil sa selos.
Gayunpaman hindi rin makumpirma ng apo kung ano ang pinagselosan ng suspek sa biktima.
Ang suspek na mister ay agad namang naaresto ng mga pulis at nakakulong na ngayon sa Banga PNP lock up cell. Ipinahayag ni dating South Cotabato Governor Mike Sueno na kinagulat nito ang pagtalaga sa kanya ni President-elect Rodrigo Duterte bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government o DILG.
Sa katunayan ayon kay Sueno nasa bakasyon siya kasama ang kanyang pamilya nang ipatawag ni Duterte at hindi nito inaasahan ang pagpirma sa kanyang appointment bilang DILG Secretary.
Aminado naman si Sueno na kung papipiliin, mas gusto sana nitong pamunuan ang Agriculture Deaprtment o ang National Irrigation Administration o NIA para makatulong sa mga magsasaka.
Gayunpaman ayon kay Sueno, tiwala pa rin siya sa kakayahan ni incoming DA Secretary at dating North Cotabato Goveror Manny Pinol na isa ring aniyang magsasaka na pamunuan ang ahensya.
Ayon kay Sueno nais din sana niyang maging kalihim Department of Transportaion and Communications o DOTC.
Gayunpaman ayon sa dating gobernador at incoming DILG Secretary, tinatanggap niya ang hamon na pamunuan ang isa sa pinakamahalagang sangay ng gobyerno.
Inihayag ni Sueno sa kauna unahang Cabinet meeting na kanyang dinaluhan kagabi ang tatlong marching order sa kanya ni incoming president Rodrigo Duterte.
Kabilang dito ayon kay Sueno ang paglimita sa mga convention lalong lalo na sa mga malalayong lugar at pag abolish sa Lakbay aral ng mga government official na masyado aniyang magastos.
Ayon kay Sueno, para hindi mapunta sa bulsa ng mga local chief executives pagaaralan din ng Duterte Adminisration ang tamang paggamit ng kanilang intilligence fund.
Voice Clip...si Dating South Cotabato Governor at incoming DILG Secretary Mike Sueno Sa halos anim na buwang pananatili ng nasa isang daang pamilyang bakwit sa evacuation center sa brgy. Kidama Matalam, North Cotabato tatlong mga bata na ang binawian ng buhay at dalawang mga matatanda dahil sa sakit.Ito ang kinumpirma ni Brgy. Kidama Chair Filipe Malwenda matapos silang mag-alsabalutan nang umusbong ang tensyon sa kanilang lugar sa pagitan ng dalawang pamilya na miembro ng MILF at MNLF.Mula sa 95 pamilya nadagdagan na naman ito ng siyam mula sa Sitio Malinan ngayong linggo lamang.May mga report kasi na kanilang natanggap na may pumasok na MNLF members sa lugar kung saan din nagkakampo ang mga MILF.Ang nais lang raw ng MNLF sa pangunguna ni Kumander Kuboy na bawiin ang lupang pag-mamay ari ni Jimmy Matalam na abot sa walumpong ektarya.Dahil nabakante ng ilang taon ang nabanggit na lupa kaya ginawang kanlungan ngayon ng MILF ang lugar sa pangunguna rin ni Kagi Mansur at babawiin na ngayon ng MNLF group.Nabatid na nagsimula ang tensyon sa nabanggit na lugar noong pang December 31, 2015.Ngayong may mga namataan na naman uli na tropa ng MNLF na nasa 300 indibidwal ay imposible nang makakabalik pa sa kanilang mga tahanan ang mga pamilyang bakwit.Sa ngayon umasa na lamang sila ulit ng tulong mula sa Matalam LGU na dalawang beses lamang umano silang binisita at naabutan ng tulong dahil nga rin sa tagal nang panahong kanilang pamamalagi sa evacuation center.Ayon kay Malwenda bagaman at nakakapagpalabas sila ng pondo para sa mga bakwit hindi pa rin ito sapat kaya naman humihingi sila ng dagdag na tulong mula sa gobyerno.Nanawagan rin ito sa grupo ng MILF at MNLF na pag-usapan na nila ang nabanggit na problema sa lugar nang sa ganun ay makabalik na ang mga residente doon at makapamuhay na rin ng normal.Inobliga ngayon ng Cotabato Police Provincial office ang lahat ng unit ng PNP sa North Cotabato na lumahok sa nagpapatuloy na Brigada Eskwela 2016.Sinabi ni Acting provincial Director Supt. Noel Kinazo, ipinababa na nila ang nabangit na direktiba kung saan daan daang mga PNP personel ang aktibo namang tumugon rito.Nitong lunes kasabay ng pagsisimula ng Brigada Eskwela ng Department of Education ilang mga miembro na ng PNP ang tumulong at isa na rito ang Provincial Public Safety Company.Pinili nilang tumulong sa Puas Inda Integrated School sa Brgy Amas, Kidapawan City habang malaya namang makapili ang ibang mga Municpal at City Police units kung saang paaralan sila tutulong.Nabatid na inobliga ng higher headquarters ang PNP na maglaan kahit kalahating araw lamang bilang requirments na rin nila para sa pag-aaply ng kanilang promotion.Samantala, sa sabado pa magtatapos ang Brigada Eskwela kaya naman patuloy pa rin ang panawagan ng DepEd North Cotabato sa lahat ng mga magulang na makiisa sa ginagawang paglilinis sa mga paaralan bilang paghahanda sa darating na pasukan. Patay ang isang incoming grade six pupil ng Barangay New Consolacion, Mlang North Cotabato matapos na matuklaw ng ahas na pinaniniwalaang King Cobra nitong nakaraang araw.Kinilali ni Teacher Wilhelmina Jancilan sa kanyang Facebook Account ang biktima na si Rochelle Agustin.Ayon sa kanya, naisugod pa sa Cotabato Provincial Hospital ang biktima pero bago magtanghali nitong lunes ay binawian na siya ng buhay.Nabatid sa report na sa kamay natuklaw ang bata nang walong talampakang ahas.Pinuluputan pa ang kamay nito kaya nahirapan raw ang ama ng biktima sa pagpatay sa nabanggit na hayop.Posible naming mabilis na kumalat ang kamandag ng ahas sa katawan ng bata kaya mabilis rin itong binawian ng Buhay.Kasama kasi raw ni Rochele ang kanyang ama habang nangunguha ng mga bamboo shoots sa masukal na kakahuyan malapit lang sa Kanilang bahay.Kaugnay nito, bumuhos naman ang pakikiramay mula sa mga kaibigan at kamag-aral at maging sa mga guro ng bata.Magpapaabot din ng tulong pinasyal ang mga opisyal ng barangay para sa mga pangangailangan ng pamilya ng biktima. Boluntaryong sumuko sa PNP si Matalam incumbent Councilor Christopher Barraca matapos lumabas ang warrant of arrest sa kanya kaugnay sa kinakaharap nitong three counts of libel.
Si Barraca na tatlong beses naging councilor sa Matalam ay sumuko sa Cotabato Police Provincial Office o CPPO nang matimbrehan ang planong pagsilbi sa kanya ng warrant of arrest ng PNP na ipinalabas naman ni Judge Laureano Alzate, ng Regional Trial Court 12, Branch 22 sa Kabacan, North Cotabato
Sinabi ni Chief Ins. Sonny Leoncito, hepe ng Matalam PNP, si Barraca ay nahaharap sa tatlong kaso ng libel sa ilalim ng criminal case no. 16-218/16-282/16-283 sa paglabag sa article 355 in relation to Article 353 of the Revised Penal Code.
Ang korte ay humingi ng bail bond ng 10,000 bawat kaso.
Mula sa CPPO pormal na itinurn-over si Barraca sa Arresting officer sa Matalam PNP kung saan siya kinunan ng booking procedures at mug shots.
Nilinaw naman ni Leoncito na hindi pa nila napasok sa selda si Barraca dahil agad naman siyang nakapag pyansa kaya nakamit rin nito ang kanyang temporaryong kalayaan. Matatandaang noong November 2015, sinampahan ng kaso nina incumbent Mayor, ngayon ay mayor-elect Oscar Valdivieso Vice Mayor, ngayon ay mayor-elect Cheryl Valdivieso-Catamco at Board Member Maybelle Valdivieso si Barraca matapos mag radio Hopping sa Kidapawan City at isinawalat ang umano anomalya at mga ilegal na transaksyon ng pamilya sa Matalam LGU.
Base sa dokumento na ipinasa ni Barraca, inabuso raw ng nabanggit na pamilya ang kanilang kapangyarihan bilang mga opisyal ng bayan.
Ang naturang mga alegasyon ay itinanggi naman ng mga Validivieso.
Ikinatuwa naman ni Matalam Mayor-elect Cheryl Valdivieso-Catamco na nakitaan ng probabble cause ang pagsampa nila ng libel kontra kay Barraca.
Patay na nang matagpuan ang isang foreman ng itinatayong covered court ng Lanao Central Elementary School, sa Brgy. Lanao Kidapawan City kagabi.Kinilala ni PTA President Rudy Saligumba ang biktima na si Rolando Aloselha na taga Carmen, North Cotabato.Kwento pa ni Saligumba sa Radyo Bida, isang tawag ang kaniyang natanggap mula sa gwardiya ng eskwelahan sa umano nangyari sa biktima.Pagdating nila sa loob ng eskwelahan, doon na tumambad sa kanila ang bangkay ng biktima na naliligo na sa kanyang sariling dugo mula sa sugat nito sa kanyang ulo na pinaniniwalaang hinampas ng matigas na bagay.Una rito, nag-iinuman pa raw ang biktima kasama ang anak at pamangkin nito kagabi.Doon kasi natulog si Aloselha sa kanilang tinutuluyang barong barong habang sa classroom naman ang dalawa nitong kasama.Kinabukasan na nang malaman nila ang nangyari sa biktima.Sa ngayon iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang motibo sa pagpatay sa biktima.Sa Makilala North Cotabato, patay naman ang isang laborer matapos mahagip ng ten wheeler truck na may license plate ALA 8803 sa National Highway ng brgy. Poblacion, Makilala North Cotabato kahapon ng madaling araw.Kinilala ang biktima na si Rio Labisto Oñez na taga Sta Felomina, Makila.Sa imbestigasyon ng pulisya galing Davao City ang ten Wheeler truck na minamaneho ni Ariel Paunon Adan, 52-anyos at pagdating nito sa nabanggit na lugar ay aksidente nitong nabangga ang biktimang si Oñez.Dahil sa lakas ng pagkakabangga, matinding sugat at pasa ang tinamo ng biktima na naging dahilan naman ng kanyang agarang kamatayan.Boluntaryo namang sumuko ang driver ng truck na ngayon ay nasa kustodiya ng Makilala PNP para sa dagdag na imbestigasyon.NDBC BIDA BALITA

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...