Thursday May, 02 2024 01:06:45 PM

NDBC BIDA BALITA (June 4, 2016)

Breaking News • 16:37 PM Sat Jun 4, 2016
1,499
By: 
NDBC-NCAT

NEWSCAST

JUNE 04, 2016
(SATURDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. BASAG KOTSE GANG muli na namang
nambiktima sa Cotabato City

2. PNP Koronadal pinayuhan ang publiko
na huwag sumakay sa colorum na tricyle matapos mahold up ang isang fastfood
crew

3. 4. MALAKANYANG pinayuhan si
President-elect Duterte na ayusin ang pakikitungo sa media

BIKTIMA ang isang manager ng Tupper
ware na nakabase sa Cotabato Citysa muling pagatake ng Basag Kotse pasado
alas-8:30 kagabi sa Sinsuat Avenue, Rosary heights 10 sa lungsod.

Kinilala ang biktima na si Rose Danaman
Timugan, 36 years old at residente ng LR Sebastian sa RH-11 ng Lungsod.

Ayon sa salaysay ni Timugan, ipinarada
lamang niya ang kanayang sasakyan na Baby Toyota Wagon sa harap ng Episcopal
Church sa Sinsuat Avenue.

Nang balikan niya ito, nakita na lamang
niya na Basag na ang kanang bahagi ng Windshield ng kanyang sasakyan.

Natangay ng mga kawatan sa loob ng
kanyang sasakyan ang isang malaking shoulder bag na naglalalman ng kanyang
personal na mga gamit at assorted Tupper wares na nagkakahalaga ng abot sa 10,
000 pesos.

Patuloy namang inaalaman ng mga
otoridad kung sino ang nasa likod ng serye ng basag kotse sa lungsod ng
cotabato.

MAHIGPIT namang pinaalalahanan ng City
PNP ang publiko na nagmamayari ng sasakyan sa lungsod na wag maging kampante sa
pagiwan ng inyong mga mamahalin o mahahalagang gamit sa loob ng inyong sasakyan
lalo na kung nakaparada ito sa pampublikong lugar.

Mas maigi na wag nang iiwan ang mga
gamit na posibleng manakaw sa loob ng inyong sasakyan.

NAGBABALA SI
incoming PNP Chief Supt. Roland dela Rosa na magugulat umano ang mga sangkot sa
iligal na droga sa kanyang gagawing kampanya.

Sa ngayon ay
hindi raw muna sasabihin ni Dela Rosa kung ano ang buong detalye nang kanilang
gagamiting diskarte at baka malaman pa ng mga kalaban.

Tinukoy din
ni Dela Rosa na sa ilalim ni incoming President Rodrigo Duterte, ang mga
rehiyon sa bansa na talamak umano ang iligal na droga.

Kabilang
umano sa mga ito ang National Capital Region, Region 2, Region 3, Region 6,
Region 7, Region 11 at Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Pero aminado
ito na ang mas mabigat na giyera sa illegal drugs ang mangyayari sa NCR, Region
2, 7, 6 at ARMM.

Sa ARMM daw
kasi nanggagaling ang droga na kumakalat sa ibang lugar sa Mindanao.

Sakali raw
umupo na siya sa puwesto sa June 30 ay agad niyang ipapatawag ang lahat ng mga
regional commanders at doon ibibigay ang mga direktiba.

HihingIn
umano ng PNP Ang listahan sa mga barangay kung anong mga lugar ang may pugad ng
illegal drugs at saka ito iba-validate ng intelligence group ng pulisya.

Ayon pa sa
kanya, ang mga administrative works naman sa PNP headquarters sa Camp Crame ay
ipapaubaya na lamang niya sa mga opisyal dahil tiyak umanong nasa field siya
upang pangunahan ang operasyon. PINAALALAHANAN
ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang lahat ng
mga tsuper ng mga pampasaherong sasakyan ang pagkakaloob ng 20 porsyentong
diskuwento sa lahat ng mga mag-aaral ngayong pasukan.

Alinsunod
sa Memorandum Circular 2011-004, ang
lahat ng public utility operators ay dapat magbigay ng 20 percent discount sa
mga mag-aaral na nag-enrol ngayong pasukan para sa elementarya, high school,
collegiate schools kasama na ang academic, vocational o technical schools sa
bansa.

Hindi
naman kasama sa bibigyan ng discount ang mga estudyante sa dancing at driving
schools, short term courses ng seminar type gayundin ang Post-Graduate studies tulad
ng kumukuha ng medicine, law, masteral, doctoral degrees at iba pang kahalintulad
na kurso.

KINUMPIRMA
ni DATU SAUDI AMPATUAN Mayor Samsudin Dimaukom na isang rido ang nangyaring
tensyon kamakalawa ng gabi sa Brgy. Salbo sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan,
Maguindanao.

Ayon
kay Dimaukom, grupo nina Adzis Datuwata ang dating board member ng nasabing
bayan ang nagsisimula ng kaguluhan sa tuwing dumadayo ito sa bayan.

Paliwanag
ni Dimaukom, si Datuwata ay may kinakaharap na kasong multiple murder.

At sa
tuwing nakikita siya ng mga kaanak ng pinaniniwalaang kanyang napaslang noon na
si Abdulbayan Abdullah sa Brgy. Kitango, ay naggagalaiti ang mga ito sa galit
na nagiging dahilan ng pagsiklab ng gulo.

Inihayag
ni Mayor Dimaukom na base sa kanilang inisyal na impormasyon, may isang sugatan
sa nangayaring bakbakan sa Brgy. Salbo.

ITINAKDA
na ng Regional Darul Ifta’ ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o RDI-ARMM
ang moon sighting sa rehiyon, bukas araw ng linggo para sa pormal na
pagsisimula ng Ramadan ng mga kapatid nating Muslim ngayong taon.

Ayon
kay RDI-ARMM executive director Alim Abdulmuhmin Mujahid naglaan na sila ng
Newtonian reflector telescope sa bawat provincial offices ng rehiyon at maging
sa Darul Ifta' at Ulama ng Zamboanga Peninsula na makakatulong sa gagawing moon
sighting.

Ang
Ramadan ay ang buwan ng pangingilin ng mga Muslim.

Ito
ang ika-siyam na buwan sa kalendaryong Islam kung saan inihayag ni Allah ang
Qur’an sa Propetang si Mohammed.

Mahalaga
ang buwang ito para sa mga Muslim sa aspetong ispiritwal.

Panahon
ito ng paglilinis” kaya nga’t sila’y nag-aayuno at nagbubulay-bulay.

Ang
kanilang pag-aayuno ay mula bukang-liwayway hanggang sa takipsilim.

Umaapela si Koronadal City Chief of Police, Superintendent Barney Condes sa mga mamamayan ng lungsod na huwag nang sumakay sa mga colorum na tricyle.
Ito ang ay upang hindi mabiktima ng mga masasamang loob lalong lalo na ng mga hold upper na nagpapaggap na namamasada at naghahanap lamang ng pagkakataon para makapambiktim.
Ayon kay Condes kapag nakita ng isang pasahero na marami nang sakay ang pinarang tricyle maliban pa sa colorum ito, huwag nang sumakay pa.
Ito ang ipinahayag ni Condes matapos mabiktima ng panghohold up ng apat katao ang isang fastfood crew at Residente ng General Paulino Santos na si Ralph Boongaling kahapon ng madaling araw.
Ayon Kay Boongaling kasabwat din ng driver na nanghold up sa kanya ang tatlo pa nitong pasahero na ang buong akala ay idadaan lamang sa Barangay Morales Koronadal.
Naganap ang panghohold up sa biktima sa madalim na bahagi ng barangay.
Aminado naman ang hold up victim na colorum ang tricyle na kanyang pinara sa harap ng pinagtatrabahuhang fast food chain.
Bukod sa cellphone at P1,400, pinhubad pa ng mga suspek ang biktima at tinangay ang kanyang damit.
Ayon kay Boongaling may nagmagandang loob na nagpahiram sa kanya ng mga damit kaya siya nakahingi ng tulong sa pulisiya.
Umaasa naman si Condes na nakuhanan ng Close Circuit Television o CCTV Camera na nakapaligid sa lugar ang mga suspek para makatulong sa kanilang imbistigasyon.
Nabigyan ng lokal na pamahalaan ng CLEAN Gensan Family Cards ang 130 na mga pinakamahihirap na tricyle drivers sa General Santos City.
Ayon kay Modelong Drivers Association President Rene Plenos, malaking tulong para sa pagpapagamot ng kanilang pamilya ang CLEAN Gensan Family Cards.
Inihayag ni Plenos, na bilang sukli sa tulong sa kanila ng lokal na pamahalaan, sisikapin ng kanilang grupo na maging magandang ehemplo sa komunidad.
Ang nabigyan ng naturng health card ay libreng gagamutin sa Jorge P. Royeca Hospital, dating General Santos City Hospital.
Saklaw din nito ang Libreng membership sa Philhealth,Social Security System, at Red Cross.
Ayon kay Gensan City Mayor Ronnel Rivera, namigay ng CLEAN Gensan Family Cards ang lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga mahihirap na residente lalong lalo na sa oras ng emergency. Ayon naman kay Gensan Integrated Barangay Affairs o IBA Action Officer Sahara Cabreros, abot na sa mahigit 3,000 mahihirap na mamamayan ang nabigyan ng CLEAN Gensan Family Cards. Tutukan ng lokal na pamahalaan ang pagtatayo ng karagdagang mga silid aralan sa Koronadal City.
Ayon kay City Mayor Peter Miguel, ito ay bilang tulong na rin ng city government sa DepED na problema pa rin ang kakulangan ng classroom para sa K to 12 program.
Aminado ang aklade na sa kabila kasi ng full impelementation ng bagong educational system sa bansa, kulang pa rin sa pasilidad ang ilang mga eskwelahan.
Ipinahayag ni Miguel na kabilag sa problemang kinakaharap ngayon ng maraming mga pampublikong eskwelahan sa Koronadal City ang kawalan ng faculty rooms library, classroom at iba pa.
Sinabi din ng alkalde na kabilang sa tutulungan ng City Government ang Esperanza National High School Annex na hanggang ngayon ay nagtitiis pa rin ang mga estudyante sa mga sira at gawa sa kawayang mga silid aralan.
Nagbigay na ng P1 million ang city government sa DepEd Koronadal bilang tulong sa Brigada Eskwela na magtatapos ngayong araw. Patay na ng matagpuan sa sinskhole sa Purok San Vicente, Barangay Buto, Tampakan, South Cotabato ang dalawang bata.
Kinilala mismo ng kanilang mga magulang ang mga biktima na na sina Roselle Dejeto 4 anyos at Mikaella Danieles 5 anyos, pawang mga residente sa lugar.
Ayon kay Tampakan Chief of Police, Inspector Jerry Dela Rosa ang mga biktima ay unang nakita ng isang Marlon Anabesa sa sinkhole na nasa likod ng kanilang bahay dakong alas singko ng umaga kahapon isang araw matapos mawala.
Huli umanong nakitang buhay ang mg biktima na naglalaro sa barangay hall dakong alas sais ng gabi noong Myerkules.
Matapos ireport ng kanilang mga magulang ang pagkawala ng dalawang bata, tumulong sa paghahanap sa kanila ang mga barangay Officials haggang sa matagpuan ito ni Anabesa na wala nang buhay sa sinkhole.
Hinala ng pulisiya ang dalawang bata ay nalunod sa sinkhole matapos mahulog habang naglalaro.
Gayunpaman inaalam pa ng PNP kung may foul play sa pagkasawi ng mga ito. Hinamon ni Koronadal City Slaughter House Master Roselyn Almerol ang publiko na mayreklamo sa pamamalakad sa pasilidad na patunayan ang kanilang akusasyon.
Ito ay sa pamamagitan ng paglabas ng ebedensya nang umanoy anomalya ng ilang mga kawani ng slaughter house.
Binigyan diin ni Almerol na kung nakapagpakita ng kaukulang ebedensya ang isang reklamante, handa ang kanyang tanggapan na magsagawa ng imbistigasyon, para maparusahan ang sinumang kawani ng slaughterhouse na sangkot sa anomalya.
Ito ng tugon na Almerol hinggil sa reklamo ng isang bidang tagapakinig na umanoy, tinatapyasan ng karne ng mga tauhan ng Slaughter house ang mga hayop na ipinapakatay sa kanila.
Hinikayat din ni Almerol ang nagreklamente na pormal na maghain ng reklamo sa kanilang tanggapan.
Nauna nang ipinahayag ni Koronadal City Mayor Peter Miguel na matapos mapatunayang sangkot sa anomalya, pinatalsik na noon sa trabaho ang dalawang mga kawani ng slaughter house. MATAPOS
inihayag ni President-elect Rodrigo Duterte na hindi niya kailangan ng media at
wala siyang pakialam kung i-boykot man siya ng mga mamamahayag na sumusubaybay
sa kaniya dahil sa mga pahayag niya laban sa mga media, nagpalabas agad ng
mensahe ang Malakanyang para sa kanya.

Ayon
sa Malakanyang dapat ayusin ni Duterte ang pakikitungo sa media.

Paliwanag
ni Communications Sec. Sonny Coloma, bawat pangulo ay may personal na estilo sa
pakikitungo sa media.

Dahil
sa mahalagang papel ng mass media sa paghahatid ng impormasyon sa madla, mainam
na maging maayos ang pakikipag-ugnayan ng pangulo sa mga miyembro ng press.

Una
nang hinamon ng grupong Reporters Without Borders ang mga nagko-cover kay
duterte na i-boykot ang mga press briefing nito dahil sa negatibo nitong
pahayag sa media killings at corruption sa bansa. Nakahanda na ang Kidapawan city Government sa inaasahaang pagtama ng la nina anong araw simula ngayong bwan.Ayon naman kay City Disaster Risk Reduction and Management Officer Psalmer Bernalte, matapos ang naranasang el nino ay kanila ng nabalangkas ang disaster plans para sa La nina ng sa gayon ay mapaghandaan ang mga kasiraan na dala ng La nina kagaya na lamang ng Landslide, flashflood, buhawi at maging ang epekto nito sa mga agricultural products.Kanila ring tototokan ang abot sa dalawang libong mga kabahayan na nakatayo malapit sa Nuangan River at Malamote Creeks sa Poblacion Area na siyang madalas matamaan ng matinding pagbaha.Habang nakahanda naman ang quick responce team at mga evacuation center sa mga landslide prone areas ng Barangay Ilomaviz at Balabag.Dagdag pa ni Bernalte na maliban sa kanilang mga mobile at personnel ay naka standby narin ang mga tents na may kapasidad na 400 katao, mga generators at mga food stocks.Strikto namang ipapatupad ng LGU ang force evacuation sa lahat ng mga naninirahan sa flood at landslide prone areas sa panahong umabot na sa kritikal level ang ulan. HINDI tanggap ng National Union of Peoples’ Lawyers o NUPL ang pagrekomenda na isama sa mga kakasuhan sa marahas na dispersal ng nagbarikadang mga magsasaka sa Kidapawan City ang mga lider ng mga militanteng grupo.Sa isang press statement, sinabi ni NUPL secretary-general Attorney Edre Olalia na itinuturing nila’ng insulto sa hanay ng mga magsasaka ang inilabas na resulta ng imbestigasyon ng Commission on Human Rights o CHR patungkol sa naturang insidente.Maliban sa mga pulis at matataas na opisyal ng Cotabato provincial government, inirekomenda rin ng CHR na dapat kasuhan ng criminal at administratibo ang mga lider ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP at iba pang mga progresibong grupo na sumama sa rally noong nakaraang Marso.Para sa NUPL, isa ito’ng malinaw na pagyurak sa karapatan ng mga magsasaka na maiparating ang kanilang mga hinaing sa pamamagitan ng kilos-protesta.Sa halip kasi bigas ay bala ang ibinigay sa kanila ng gubyerno.Dalawa katao ang patay at higit 100 ang sugatan sa naturang marahas na pagbuwag sa mga nagbarikada.NDBC BIDA BALITA NAGDESISYON ang barangay ng Balabag sa Kidapawan City na ‘wag munang ipamigay ang higit animnapu’t limang sako ng bigas na umano nagmula sa Davao City Government.Ito ay dahil no’ng suriin ni Kapitan Eduardo Umpan ng Barangay Balabag nabatid niya na ito ay NFA rice at hindi 7-Tonner na tulad nang naiulat.Ibinase niya ang kanyang obserbasyon sa amoy at texture ng bigas.Duda si Umpan na ni-repack ang mga saku-sakong 7-Tonner na bigas at pinalitan ng iba’ng variety.MALIBAN sa Balabag, kahalintulad na reklamo rin ang natanggap ng Radyo Bida mula sa mga barangay ng Linangkob, Mateo, Ilomavis, at Sibawan – mga lugar na apektado ng matinding tagtuyot nito’ng nakaraang mga buwan.Kaugnay nito, magsasagawa ng imbestigasyon si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista upang tiyakin kung may katotohanan ang naturang mga alegasyon at reklamo.

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...

3 militiamen slain, 3 hurt in Lanao Sur ambush

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte  – Three militiamen were killed while three others were injured in an ambush by still unidentified gunmen in...