Wednesday Apr, 24 2024 10:42:42 AM

NDBC BIDA BALITA (May 11, 2016)

 • 17:31 PM Wed May 11, 2016
1,513
By: 
NDBC

NEWSCAST

MAY 11, 2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MAGKAPATID na Jojo Guiani at Atty.
Cynthia Sayadi, na-proklama na bilang alkalde at bise alkalde ng Cotabato city.

2. Mga nanalong opisyal sa buong North
Cotabato, itinaas na ang kamay kahapon

3. Mahinang signal dahilan daw ng pagka-antala
ng proklamasyon ng mga nanalong provincial candidate sa South Cotabato

4. PPCRV volunteer binaril at napataysa Pagadian City HINIRANG na ng Board of Canvassers
bilang alkalde at bise alkalde ng Cotabato city sina incumbent city mayor Japal
Jojo Guiani Jr. at kapatid nitong si dating city administrator Atty. Cynthia
Guiani-Sayadi.

Kaugnay nito ay nagpapasalamat si
Guiani sa lahat ng kanilang mga taga suporta at tiniyak niya na tuloy-tuloy ang
pagbabago sa lungsod ngayong silang magkapatid ang magtutulungan para
makapagbigay ng serbisyo sa mga mamamayan ng lungsod.

Ayon naman ay Sayadi, utang nila sa mga
botante ang kanilang panalo, lalong-lalo na sa kanilang mga supporter na
talagang nakipaglaban sa kabila ng naranasang mga pagsubok.

Samantala, sinabi nila Guiani at Sayadi
na magiging abala sila sa pagpapatupad ng reporma sa lungsod na sisimulan nila
sa pag-amyenda ng mga city ordinance na sa palagay nila ay hindi na akma sa
modernong panahon ngayon.

Sinabi Cotabato city mayor-elect Jojo
Guiani at vice mayor-elect Atty. Cynthia Guiani-Sayadi.

Sa kabilang dako naman, nai-proklama na
rin ang mga nanalong city councilors ng lungsod na pinangungunahan ni Graham
Nazzer Dumama.

Panalo rin sina Bruce Matabalao, Dr. Ed
Rabago, Sukarno Sema, Michael Datumanong, Abdillah Lim, Fred Ridao, Hassan Birruar,
Christina Chua at Johari Abu.

Samantala, nahirang na rin bilang
Maguindanao 1st District with Cotabato city congresswoman Bai Sandra
Sema. PATAY naman ang
isang volunteer ng church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for
Responsible Voting o PPCRV matapos tambangan ng hindi nakila­lang suspek
kahapon ng madaling-araw sa Pagadian City sa Mindanao.

Sa report ng
TIMRA member station sa Pagadian na Radyo Bagting, patungo sana sa Air 21 ang
biktimang si Adela Elmida nang siya ay tambangan ng mga suspek at tangayin ang
mga Election Returns o ERs na nakatakda sanang dalhin sa Command Center dakong
alas-kuwatro ng madaling-araw.

Kasama ni
Elmida ang kanyang 12-taong gulang na anak na nasugatan din sa nasabing
pananambang at kasalukuyang nasa pagamutan.

Kaugnay nito
ay kinondena ni PPCRV Command Center Operations Head Ana de Villa-Singson ang
nasabing insidente kasabay nang pahayag na umaasa silang mabibigyan ng
katarungan ang mga biktima.

Sinabi naman
ni Tita De Villa, National Chairperson ng PPCRV, labis na nakakalungkot at
hindi katanggap-tanggap ang pagkamatay ng kanilang volunteer na si Elmida.

Nag-alay rin
sila ng misa para kay Elmida sa kanilang command center na pinangunahan ni
Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, ipinagpasalamat din nila ang naging
maayos na pagdaraos ng halalan.

NIRATRAT
ng di pa kilalang mga suspek ang barangay kapitan ng barangay Kigan, South Upi,
Maguindanao na si Tito Martin Balintoy pasado alas onse ng umaga kahapon.

Sa
inisyal na ulat ng South Upi PNP, nagtamo ng multiple gunshot wounds si Balintoy
dahilan para isugod ito sa pagamutan sa Cotabato city.

Nabatid
na sugatan din ang kasamahan ni Balintoy na si Rolly Saliling.

Samantala,
alas siyete kagabi namang mabaril din ang isa pang residente ng barangay Kigan
na si Bobby Sambren, 40 years old.

Pinag
aaralan pa ngayon ng South Upi PNP kung may kinalaman sa katatapos na halalan
ang naturang mga insidente ng pamamaril sa bayan. NAUDLOT
ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa Sarangani province.

Ito'y
matapos na hindi pa nakapag-transmit ng resulta ng boto ang tatlo sa kabuuang
pitong mga bayan ng nasabing probinsya sa provincial canvassing center na nasa
Sarangani Capitol.

Kinabibilangan
ito ng Alabel, Kiamba at Maitum.

Ayon
kay Sarangani Provincial Election Supervisor Atty Duque Kadatuan, kasalukuyan
pa nilang hinihintay na makapag-transmit ang nasabing mga bayan.

Kaya
naman posibleng bukas pa, May 12, makakapagproklama ng mga winning candidate sa
probinsya.

Subalit
inaasahan ring magsasagawa ng lowering of thresholds, upang may maiproklama na
ang ilang kandidato, lalo na sa mga hindi naman apektado ng ilang hindi pa
nabibilang na boto.

Nabatid
na naantala ang pagsasagawa ng halalan sa bayan ng Maitum dahil may ilang
presinto dahil naipadala doon ang balota na para sana sa Marinduque.

Samantala,
sa General Santos naman ay naiproklama na ang nanalong alkalde na si incumbent
Mayor Ronnel Rivera.

Habang
sa vice mayor naman ay ang incumbent rin na si Shirlyn Bañas-Nograles.

Ang
dalawa ay pawang mula sa partidong People's Champ Movement.

Pinangalanan
na rin ang 12 nanalong konsehal, kung saan mayorya rito ang mula rin sa PCM na
may siyam, habang tatlo lamang ang mula sa oposisyong Achievement with
Integrity Movement.

Sa
kabilang dako naman, naiproklama na bilang alkalde ng Sultan Kudarat sa
lalawigan naman ng Maguindanao si Datu Shameem Mastura, ganundin ang bise
alkalde nito na si Norhaina Mastura-Maik.

Sa
South Upi, Maguindanao naman, naproklama na rin bilang alkalde ng bayan si
Reynalbert Insular at vice mayor-elect naman si Bedz Campong.

Sa
North Upi, alkalde pa rin si Ramon Piang Sr. habang vice mayor-elect naman si
Alexis Platon.

NANINIWALA si Commission on Elections o
Comelec Chairman Andres Bautista na abot sa 80 porsyento ng mahigit 54 na
libong mga botante sa buong bansa ang lumahok sa katatapos lamang na halalan.

Sabi ni Bautista, na sa ngayon ay abot
na sa mahigit 28 milyong mga boto ang nabilang na sa pamamagitan ng KBP-PPCRV
quick count.

Ayon sa poll chief, bagamat hindi pa
nag-convene ang National Board of Canvassers o NBOC, ang natanggap na data ng
Transparency server ng KBP-PPCRV ay ibinato mula sa Central server ng Comelec.

Ipinagmalaki
rin ni Bautista ang agaran at mabilis na pagsasa-publiko ng resulta ng halalan
ay daan para maiwasan ang mga espekulasyon at ang posibleng pag-hack sa
programa ng Comelec.

Itutuloy ng Provincial
Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO South Cotabato ang pamimigay ng tulong sa mga drought victims
sa susunod na linggo.

Ayon kay PDRRMO Officer Mila
Lorca,sinuspinde ng PDRRMO at Philippine Red Cross o PRC ang relief
distribution para bigyan daan angkatatapos lang na Eleksyon.

Layon din nito na mabigyan
ng pagkakataoan ang mga staff at volunteer ng Red cross na makapagpahinga.

Sinabi din ni Lorca na abot
na sa 24,850 na mga drought victims sa mga bayan ng T’boli, Lake Sebu at
Tampakan ang naunang nakinabang mahigit
P16 million pesos na halaga ng bigas na binili ng pamahalaang panlalawigan sa
National Food Authority o NFA.

Ipinahayag na rin ni
Provincial Agriculture Officer Justina Navareta, na handa na rin ang kanilang
tanggapan na magbigay ng farm inputs tulad ng binhi at abono sa mga magsasakang
apektado ng dry spell.

Ito ang ipinahayag ni
Navarete kasunod na mga pagulan na naranasan sa ilang lugar ng South Cotabato
nitong mga nakalipas na araw.

Minamadali na ng Department
of Environment and Natural Resources o DENR ang limang mga local government
units o LGU sa South Cotabato na magsumite ng draft ng kanilang Municipal
Forest and Land Use Plan o FLUP.

Ito ay matapos hilingin ni
South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes ang tulong ng ahensya para
i-review ng draft FLUP ng mga bayan ng
Tupi, Tampakan, Banga, Polomolok at Koronadal City.

Ayon kay DENR 12 Regional
Director Datu Tungko Saikol bumuo na sila ng Technical Working Group para
tututok sa FLUP ng limang mga LGU.

Ang FLUP ayon kay Saikol ang
magiging gabay ng mga lokal na pamahalaan para sa mas maayos na paggamit ng
kanilang forest at land resources.

Ayon kay Saikol ang pagtatag
ng FLUP ay isa sa mga hakbang ng DENR upang mapangalagaan ang mga likas yaman.

Saklaw ng FLUP ang zoning,
rebilitasyon ng mga grasslands, bushlands,pagbibigay proteksyon sa mga
pinagkukunan ng tubit at maraming iba pa.

Matapos makipag usap sa mga
ito, tiniyak naman ni FLUP Focal Person at Forester Benjamin Alangca na handa
ang mga lokal na opisyal na suportahan ang kanilang programa.

Sa katunayan ayon kay
Alangca nangako ang limang mga LGU na tatapusin ang kanilang FLUP bago pa man
magtapos ang 2016.

Isang malamig na bangkay na nang matagpuan ng mga
kaanak nito ang isang binata sa Tampakan, South Cotabato kahapon.

Kinilala ng mga kaanak nito ang nagbigti na binata
na si Jhon rey Diot, 24 anyos, residente ng Poblacion Tampakan.

Ang biktima ay natuklasan na lamang na nakalambitin
at wala nang buhay sa kanyang kwarto.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na
si Diot ay nagbigtigamit ang electrical
wire na itinali nito sa door frame.

Palaisipan naman sa pamilya ng binata kung ano ang
nagtulak sa kanya para kitilin ang sariling buhay.

Isasailalim naman sa post mortem exam ang bangkay ng
biktima upang matiyak na walang foul play sa pagkasawi nito.

Natangay ng mga hold upper na nambiktima sa isang
kawani ng isang Multi purpose cooperative ang mahigit P64,000 sa National
Highway Barangay Silway 7, Polomolok, South Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Jomar Pacana, 38 anyos at
residente ng Lagao General Santos.

Ayon sa salaysay ni Pacana sa mga pulis,sapilitang inagaw ng isa sa dalawang suspek ang
kanyang backpack na naglalaman ng
payroll money ng kanilang kooperatiba.

Matapos makuha ang bag ng biktima binaril pa ito ng
suspek na agad namang tumakbo sa naghihintay na kasama bago tumkas sakay ng
motorisklo.

Ang biktimang si Pacana ay dinala ng isang concerned
citizen sa Mindanao Medical Center sa General Santos City.

Narecover ng mga pulis sa crime scene ang dalawang
basyo ng 45 pistol.

Hindi pa batid ng mga pulis kung sino ang
magkasabwat na suspek na tumangay sa pera at bumaril sa biktima.

Dalawang araw matapos ang
eleksyon hindi pa rin maideklara ng
Comelec ang mga nanalong kandidato sa provincial level sa South Cotabato.

Naging dahilan naman nito ayon kay Provincial Election
Supervisor Atty. Kendatu Laguialam ay ang mahinang signal.

Hanggang sa ngayon ay
hinihintay pa rin ng Provincial Election Board of Canvassers ang resulta ng
halalan sa mga bayan ng T’boli at Norala.

Ayon kay Laguialam
dahil sa layo ng lugar, noon pa man ay problema na ang mahinang server
sa T’boli, kaya payo nito sa municipal board of canvasser, maghanap ng mas
mataas na lugar na may malakas na signal upang makapag transmit.

Sa bayan naman ng Norala, 60
lamang sa mahigit 24,000 na boto ang natanggap ng provincial board of
canvasser.

Sinabi ni Laguialam na
muling mag-convene ang South Cotabato Provincial Board of Canvasser ngayong
araw.

Inaasahan naman ng election
supervisor na kapag walang magiging aberya ay posibleng maideklara na ang mga
winning candidates sa South Cotabato.

Kinumpirma din ni Laguialam
na 75 percent sa mahigit 400,000 na mga registered voters ang nakaboto sa South
Cotabato.

Ayon kay Laguialam maaring
naging dahilan ng mas mataas na turn out ng mga botante ay ang mga kandidatong nais nilang suportahan, kaya
marami sa mga ito ay tiniis ang mahabang pila at init upang makaboto.

Pasado alas nube kagabi nakumpleto na ang transmission sa election returns sa lahat ng mga bayan sa North Cotabato.Dahil dito nakapagdeklara na ng kanilang mga nanalong kandidato ang ibat ibang bayan sa lalawigan kabilang na ang sa provincial level.Para sa Provincial Governor nanalo si Cot. Gov. Emylou Mendoza, Vice Gov- Dodong Ipong. Rep ng unang distrito ng North COtabato- Jesus Susing Sacdalan, 2nd District Rep- Nancy Catamco habang nanatili naman sa kanyang pwesto bilang third district Rep. si Jose Ping-ping Tejada.Sa Kidapawan City pasado alas otso ng umaga kahapon ay naideklara na ang mga nanalo kung saan opisyal nang iprinoklama ng COMELEC si City Mayor Jospeh Evangelista bilang alklade ng lungsod para sa kanyang pangalawang termino habang may bago na ring bise alklade ang Kidapawan sa katauhan ni dating 2nd District Rep. ng North Cotabato na si Jun Piñol.Kabilang rin sa mga bagong iprinoklamang nanalong City Councilors ay sina Jivy Roe Bombeo, Francis Palmones, Judith Navarra, Gregorio Lonzaga,Ruby Padilla-Sison, Stela lamata, Lee Michael Rualo, Marites Malaluan, Peter Salac at Alan Amador.
Kabilang rin sa mga bagong iprinoklamang nanalong City Councilors ay sina Jivy Roe Bombeo, Francis Palmones, Judith Navarra, Gregorio Lonzaga,Ruby Padilla-Sison, Stela lamata, Lee Michael Rualo, Marites Malaluan, Peter Salac at Alan Amador.Maliban sa Kidapawan City nakaproklma na rin ng mga bagong opisyal ang mga bayan ng Carmen, Matalam at Alamada, Mlang, Tulunan, Makilala at iba pa.Magsisimula ang bagong termino ng mga bago at incumbent official sa June 30 ayon pa sa COMELEC. Hindi na nagawang makapalag pa ang isang ginang matapos arestuhin ng mga otoridad matapos ilunsad ang buy bust operation sa brgy. Dunguan, Mlang North Cotabato kahapon ng hapon.Kinilala ni Mlang PNP Chief of Police Supt. Joefry Todeño ang suspek na si
Salumbay Musa Melikano alyas Salome, 30 anyos na taga Midsayap.Ayon kay Todeño ilang linggo rin nilang minanmanan ang suspek na nagbebenta ng ilegal na droga sa lugar.Matapos matanggap ng PNP ang tawag na natimbrehan ulit ang presensya ng suspek sa lugar agad silang naglunsad ng buy bust operation at doon positibong nahuli ang suspek.Ilang sachet ng pinaniniwalaang shabu ang nakuha sa suspek at marked money.Sa ginawang imbestigasyon ng PNP galing raw sa bayan ng Midsayap at Pigcawayan at ilang bahagi ng Maguindanao ang mga drogang ibinibenta ng suspek.Idinagdag rin ni Todeño na konektado rin ang naturang suspek sa mga naunang mga nahuli ng PNP sa bayan.Kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang ngayon ay inihahanda ng PNP para isampa sa suspek na nakakulong na sa Mlang PNP lock up cell. Inihahanda na ngayon ng Pagalungan PNP ang kasong kanilang isasampa laban sa mga suspek na responsable sa nangyaring panghaharas, pagpapasabog at indescrimnate firing sa Pagalungan, Maguindanao noong araw ng eleksyon.Sinabi ni Pagalungan Chief of Police Sr. Ins Blaime Lumase, nakikita nilang walang ibang motibo ang mga suspek kundi pananakot at pananabotahe sa ginawang halalan.Una nang nabanggit ng opisyal na ang mga supporters ng dalawag tumakbong alklade ng bayan ng Pagalungan ang umano sangkot sa nabanggit na pangyayari.Ang insidente ay naganap sa mga barangay ng Damalasak, Inug-og at brgy. ng Galakit kung saan ilang metro lamang din ang layo mula sa mga polling centers.Kinilala rin ni Lumase ang isa sa mga leader ng dalawang grupo na si Mantil Kaloko na ngayon ay tinutugis na ng PNP.Sa kabila ng mga nangyaring kaguluhan nagpatuloy naman ang ginawang monitoring at pagpapatupad ng seguridad ng PNP at AFP para tapusin ang pagpipili at wala naman silang naitalang nasugatan at nasawi sa pangyayari. Sa kabila ng mahinang signal, malfunctioning at iba pang naranasang aberya ng mga COMELEC officers sa North Cotabato naging matagumpay pa rin ang nangyaring halalan.Sinabi ni Provincial Election Supervisor Atty Jay Gerada bunga ito sa mga ginawa at inisyatiba ng mga VCM Technicians, volunteers at mga Board of Election Inspectors.Sa kabuuan nasa 82 percent ang turn outs ngayong 2016 sa lalawigan bagay naman na mas mataas kung ikukumpara noong mga nakaraang eleksyon.Ayon pa kay Gerada mas mabilis rin ang kanilang transmission ngayon sa mga resulta mula sa mga bayan at barangay level kesa noong nakaraang mga halalan.Nabatid na nakapgdeklara ng mga nanalong kandidato noong 2013 makalipas pa ang apat na araw.Nilinaw din ng opisyal na walang nangyaring manual Counting.Pinasasalamatan ngayon ni Gerada ang lahat ng mga ahensyang bahagi ng Halalan 2016 lalo na ang Department of Education, PPCRV, PNP at AFP, LGU officials at iba pang mga ahensya.

P340K na halaga ng smuggled cigarettes, natagpuan sa Maguindanao del Norte

COTABATO CITY - MAHIGIT P340,000 na smuggled cigarettes nasamsam sa baybayin ng Simuay, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte. Sa isinagawang Anti...

Maj. Gen. Rillera honors wounded soldiers in clash with BIFF in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Major General Alex S. Rillera PA, Commander of the 6th Infantry Division/Joint Task Force Central, led the...

Cotelco announces power interruption sked in Kidapawan

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...

Cotabato Light announces power service interruption for April 25

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced a scheduled power interruption for April 25, Thursday affecting Bubong, Kalanganan...

NDBC BIDA BALITA (April 23, 2024)

HEADLINES 1   BIFF leader Kagi Karialan at 11 mga tauhan, patay sa Army offensive sa Maguindanao del Sur; sabi ng BIFF laban nila di pa...