Friday May, 03 2024 05:34:09 PM

NDBC BIDA BALITA (May 30, 2016)

 • 00:26 AM Tue May 31, 2016
1,434
By: 
NDBC

NEWSCAST

May 30, 2016 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MGA GURO, MAGULANG at iba pang
volunteers, abala ngayong araw sa pagsisimula ng Brigada Eskwela 2016

2.Misis binaril umano ng mister patay
sa Sto. Nino, South Cotabato

3. Mayor elect ng South Upi, Maguindanao, naniniwalang pulitika dahilan ng pagpatay sa isang town councilor DETALYE...PORMAL NANG sinimulan ngayong araw ng
Department of Education o DepEd ang taunang Brigada Eskwela o National Schools
Maintenance Week sa buong bansa para linisin at pagandahin ang mga paaralan
bago ang pasukan.

Sa Cotabato City, kahapon ay nagkaroon
na ng soft launching ng Brigada Eskwela 2016 sa pamamagitan ng fun run.

Sinabi Education Program Specialist at
Brigada Eskwela coordinator Atty. Rasul Ali na layunin ng aktibidad na
makalikum ng pondo para pantustos sa mga pangangailangan ng mga mahihirap na
paaralan sa lungsod.

Inaasahan naman na ngayong araw ay
dadagsa ang maraming volunteers na makikibahagi sa Brigada Eskwela na may
temang Tayo Para sa Paaralang Ligtas, Maayos, at Handa Mula Kindergarten
Hanggang Senior High School.

Inaasahan ding tutulong sa paghahanda
ng mga paaralan ang mga estudyante, magulang, guro, alumni, pulis, sundalo at
iba pang grupo ng mga volunteer.

Magtatapos naman ang paglilinis at
pag-aayos sa abot sa 88 primary at secondary schools sa Cotabato City ngayong June
4, araw ng Sabado.

Kaugnay nito ay hinikayat naman ni Ali ang
mga magulang at ibang sektor ng komunidad na ibahagi ang kanilang oras at
kakayahan sa gaganaping Brigada Eskwela biglang tulong sa kanilang anak na
mag-aaral.

Sa kabilang dako naman, may pera na
umanong nakahanda para pampagawa ng mga paaralan ng mga katutubong kabataan ng
Mindanao.

Ito ay makaraang maglabas ang Department
of Budget and Management ng 500 milyong pisong pondo na gagamitin sa pagpapagawa
ng mga bagong pampublikong paaralan sa mula regions 9 hanggang 13.

Ang nasabing proyekto ay magpapatayo ng
605 classrooms sa 251 areas sa Mindanao.

Kabilang dito ang Zamboanga del Sur,
Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Bukidnon, Misamis Oriental, Lanao del
Norte, Compostela Valley, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental,
Sarangani, South Cotabato, Sultan Kudarat, North Cotabato, Agusan del Sur,
Surigao del Norte, Surigao del Sur at Agusan del Norte.

Ang pondo para dito ay mula sa 2015
Contingent Fund na iparubahan ni Pangulong Aquino nitong Mayo base sa natanggap
nitong proposal mula sa Department of Education noong nakaraang Disyembre.

DEAD ON THE
SPOT ang isang dispatcher matapos pagtatagain at pagbabarilin sa Purok
Pagkakaisa, Barangay Poblacion 4, Almonte Extension, Cotabato city pasado alas onse
nang umaga kahapon.

Kinilala ang
biktima na si Mohammad Siwa Karon, 39 anyos, taga- Charles street, barangay Poblacion
2 ng lungsod.

Ayon sa
inisyal na imbestigasyon ng pulisya, tumatawag ng mga pasahero si Karon nang
nilapitan ng hindi pa nakikilalang suspek at pinagtataga ang biktima.

Pagkatapos
nito ay pinagbabaril pa ng suspek si Karon hanggang sa tuluyang mamatay.

Narekober sa
crime scene ang limang empty shells ng caliber 45 pistol na siyang
pinaniniwalaang ginamit ng suspek sa pagbaril sa biktima.

Personal
grudge ang nakikitang motibo ng mga imbestigador sa pamamaril kay Karon. NANINIWALA
si South Upi, Maguindanao mayor-elect Reynalbert Insular na may kinalaman sa
politika ang panibagong kaso ng pagbaril at pagpatay sa isang re-elected
councilor ng bayan.

Tiniyak
din ni Insular na tuloy tuloy ang ginagawang pagsisiyasat ng mga otoridad sa
pagpatay kay re-elected town councilor Warlito Pinuela, 74 years old, na nasa
huling termino na sana ngayon sa konseho ng South Upi.

Sa
inisyal na imbestigasyon ng South Upi PNP, habang palabas ang biktima sa
kanyang tahanan sa South Upi ay pinagbabaril ito ng dalawang hindi pa nakikilalang
mga suspek gamit ang caliber .45 pistol nitong Biyernes.

Mabilis
namang tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo patungo sa isang liblib
na lugar ng nabanggit na bayan.

Agad
na dinala si Pinuela ng kanyang mga kamag-anak sa isang ospital sa Cotabato
City ngunit hindi na ito umabot ng buhay pagkatapos magtamo ng maraming tama ng
bala sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.

Una
rito, noong nakalipas na linggo ay tinambangan din ng mga armadong lalaki si
Tito Balinto, ang barangay chairman ng Brgy. Kigan, South Upi at nasawi ang
kanyang kasama na si Sambren.

Pinaniniwalaang
posibleng magka-ugnay ang dalawang insidente pangyayari kabilang na ang
pambobomba sa convoy ni South Upi Vice-Mayor Remy Sioson kung saan tatlo ang
nasugatan sa mga security escorts.

Subalit
sabi ni mayor-elect Insular, maaga para sa ganitong konklusyon kaya’t hintayin
na lang ang resulta ng imbestigasyon. LIMA
KATAO, kabilang ang isang doktora na tinangkang dukutin, ang nasugatan
makaraang pagbabarilin ng tatlong mga pinaghihinalaang miembro ng Abu Sayyaf Group
o ASG sa nasilat na pagdukot sa isang klinika sa Brgy. San Raymundo, Jolo,
Sulu.

Kinilala
ang mga nasugatang biktima na sina Dr. Marian Lao, SPO4 Tubadjir Mandangan,
Radem Maman, dalawang mga sundalo ng Philippine Marines na sina Private First
Class Omar Somcio at Marlon Banayag pawang nilalapatan na ng lunas sa
pagamutan.

Sa
ulat ng AFP-Joint Task Group Sulu, naitala ang insidente sa Lao Clinic na
matatagpuan sa Scott Road, Brgy. San Raymundo sa kapitolyo ng Jolo bandang
alas-2:40 ng hapon nitong Biyernes.

Batay
sa imbestigasyon ng PNP, bigla na lamang pumasok sa nasabing klinika ni Dr. Lao ang mga armadong mga lalaki pero lumaban
ang mga security escort nito kaya nagkaroon ng maikling palitan ng putok sa
lugar.

Sugatan
ang dalawang mga menor de edad matapos magpaputok ng rifle grenade ang mga
hindi pa nakikilalang suspek sa bahay ng isa sa mga kapatid ng namayapang si Andal
Ampatuan Senior.

Ayon
sa Maguindanao PNP, naganap ang insidente bandang alas kuwatro ng madaling araw
nitong Sabado.

Hindi
naman mabatid kung saan nanggaling ang pinaputok na rifle grenade na tumama sa
bahay ni Datu Pandag Ampatuan sa Barangay Poblacion 2, Shariff Aguak.

Ayon
kay Maguindanao PNP spokesperson Chief Inspector Reynato Mauricio, dahil sa
bubog ng nabasag na bintana, nasugatan ang dalawang mga menor de edad na
natutulog nang mangyari ang insidente. Walang gagawing pagsubasta sa real property tax ang lokal na pamahalaan ng Koronadal ngayong semester.
Ayon kay City Treasurer Marloun Gumbao, layon nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng lungsod na makabawi muna sa masamang epekto ng El Nino Phenomenon.
Paliwanag ni Gumbao, hindi pa napapanahon para gawin ngayon ang pagsubasta sa mga ari arian na may arrears sa RPT matapos ang mahabang dry spell.
Sinabi nito na maaring itutuloy ang pag-auction sa mga real properties sa Oktobre kung kelan inaasahang makabawi sa tagtuyo’t ang mga mamamayan ng Koronadal
Matatandaan na ang dry spell ay sumira sa milyong milyong halaga ng mga pananaanim na nakaapekto sa mahigit 3,000 pamilya sa Koronadal City.
Nakatakda na ring simulan ng city agriculture office ang pamimigay ng binhi sa mga magsasaka ngayong panahon ng pagtatanim. Kanya kanya namang gimik ang ibat dibisyon ng DepEd sa Region 12 kaugnay sa pagsisimula ng Brigada Eskwela ngayong araw.
Ayon kay DepEd 12 Information Officer Antonio Maganto, layon nito na mahikayat ang mas maraming mamamayan na makiisa sa isang linggong paglilinis sa mga eskwelahan.
Ipinahayag ni Maganto na kung ang Cotabato City ay mayropopng Samanang ng Local Government Unit o LGU at mga magulang, magkakaroon naman ng Takbo para sa Brigada, ang Kidapawan City Division.
Habang ang mga benipsyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps naman ay inaasahang tutulong din sa Brigada Eskwela.
Ayon kay Maganto, kapalit kasi ng tulong na natanggap sa gobyerno, kailangan din ng mga magulang na nakinabang sa 4Ps na paaralin ang kanilang mga anak.
Sinabi ni Maganto na ang Tacurong City Division naman ay magkakaroon ng kanilang Oplan Balik Eskwela at Video K para sa Brigada.Ito ay upang makalikom ng pondo para pampaayos sa mga pasilidad sa eskwelahan.Aayusin din ng Sultan Kudarat Electric Cooperative o SUKELCO ang mga linya ng kuryente ng mga Eskwelahan sa Tacurong City
Ayon kay Maganto, napili ng Deped Central Office na gawin sa Cotabato City ang launching ng Brigada eskwela sa rehiyon dahil lumas sa kanilang mapping na kokonti lamang umano ang Out of Scholl Youth sa naturang lungsod.
Layon ng Brigada Eskwela o School Maintenance Week na matiyak ang pagsisimula ng klase sa unng araw pa lamng pasukan.
Ito ay sa pamamagitan ng paglilinis at pagsasaayos sa mga eskwelahan. NDBC News AM May 30
Hedline and Matapos ilunsad ang brand name nitong The Land of the Dreamweavers,” Green and Healthy Capitol isinusulong sa South Cotabato
Nagpalabas ng kautusan si Governor Daisy Avance Fuentes na nagdedeklara sa kapitolyo ng South Cotabato bilang Green and Healthy Capitol.”
Inaatas ng Executive Order ng gobernador ang ilang panuntunan na dapat sundin ng mga kawani ng kapitolyo .
Kbilang dito ang No Plastic and Styrofoam policy, pakiiisa sa mga health and fitness activities tulad ng Zumb at Aerobics.
Dapat din ayon sa gobernador na magtipid sa kuryente ang mga empleyado ng lalawigan, gumamit ng mga organic products sa mga lutuin, at pagbabawal ng paninigarilyo sa premises ng kapitolyo.
Gayunpaman ayon kay Fuentes, may ilan ding exemption sa kanyang EO kabilang dito ang paggamit ng plastic bottled water o ice tea, cellophane para sa pagpapatubo ng tree seedlings at packaging ng mga mahahalang supply ng provincial government.
Para matiyak na maipatupad ang EO, bumuo ng Green Capitol Committee ang lalawigan.
Ito ay kinabibilangan ng Provincial Administrators Office, Provincial Health Office,Provincial Planning and Development Office , Provincial Environment and Management Office, Provincial General Services Office, Provincial Human Resource Office at Bids and Awards Division.
Ang kautusan na ito ng gobernador ay nakabatay sa Ecological Solid Waste Management Act at Clean Air Act of 1999. Matapos ang mahabang tagtuyo’t naghahanda na rin sa posibleng kalamidad dala ng pagdating ng tagulan ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC South Cotabato.
Sisimulan na ng PDRRMC ng pagsagawa nito ng High Angle Rescue Training ngayong araw.
Ayon kay PDRRMO Action Officer Mila Lorca, layon ng limang araw na pagsasanay na mahasa ang kasanayan ng mga rescue teams ng lalawigan lalong lalo na sa High Angle rescue sa panahon ng kalamidad.
Ito ay bilang kabahagi din ng pagpaparami ng PDRRMO sa kanilang well trained local community disaster volunteers.
Ang pagsasanay ayon kay Lorca ay inaasahang dadaluhan ng 120 participants mula sa Local Disaster Risk Reduction and Management Council ng bawat local na pamahalaan, provincial search and rescue team at Philippine Red Cross.
Ang mga ito ay magiging katuwang ng PDRRMC sa kanilang search and rescue operation sakali mang salantain ng kalamidad ang lalawigan. Pinaghahanap pa rin ng mga pulis ang isang mister na umano ay pumaslang sa sariling misis sa Barangay Ambalgan Sto. Nino, South Cotabato kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Sto Nino Chief of Police, Chief Inspector Bernie Faldas ang tumakas na si Mads Ambalgan .Si Ambalgan ay suspek sa pagbaril sa 22 anyos na misis na si Shiela Mae Dela Cruz Ambalgan.
Ayon kay Faldas, bago naganap ang krimen, nagaway umano ng magasawa dahil sa pagseselos ng misis sa mister na humantong sa krimen.
Ang pagtatalo ng magasawa ay nasaksihan umano ng dalagitang anak ni Shiela Mae na step daughter naman ng suspek.
Sinabi ni Faldas, na ang biktima ay dead on arrival sa ospital dahil sa tama ng bala ng baril sa kanynag tiyan.
Ang suspek na si Ambalgan ay tumakas habang dinadala umano sa ospital ang nagaagaw buhay na misis.
Narekober ng mg rumesponding sa crime scene ang isang basyo ng 9mm na baril na posibleng ginamit sa pagpatay sa biktima.

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...