Friday May, 03 2024 08:15:01 PM

NDBC BIDA BALITA NOV. 14, 2015

 • 15:31 PM Sat Nov 14, 2015
1,585
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

NOVEMBER 14, 2015
(MONDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. SUSPEK sa pagpapasabog sa DAvao noong 2003, naaresto sa North Cotabato.

2. Police at mga residente ng Midsayap, naalarma na sa pagtaas ng motorcycle theft.3. Apat na mga suspected drug pusher
kabilang ang mag-ama inaresto ng mga pulis sa Sto. Nino, South Cotabato

4. Certified seeds, ipinamahagi sa mga magsasaka sa North Cotabato.

Local………………..

MULING naaresto ang suspek sa
pampapasabog sa Davao City Airport at Sasa Wharf na nangyari noong March at
April 2003.

Huli si Abdul Manap Mentang ALIAS
Terso, Manap Maugkalilen, Transceiver at Abdullah Pandito Hamsa, 43 years old,
miyembro ng Moro Islamic Liberation front o MILF at residente ng Dunguan Datu
Montawal, Maguindanao sa bisa ng arrest warrant na inihain nina Judge Wenceslao
Ibabao ng RTC 11, branch 33 sa Davao City at Judge Bansawan Ibrahim, Al haj ng
RTC 12, Branch 14 sa Cotabato City.

Nangyari ang pagaresto sa Brgy.
Panatan, Pigcawayan, North Cotabato, ala-1:55 ng hapon noong miyerkules.

Na sinundan naman ng pagharap ng suspek
kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte kinabukasan.

Si Mentang ay nahaharap sa dalawang
kaso, una ay Murder at ang isa ay murder with Multiple frustrated murder.

Nanguna sa pag aresto sa suspek ang
CIDG-ARMM kasama ang MIG-12, 45TH Infantry batallion, PRO-12, North
Cotabato-CIDT, Pigcawayan Municipal Polcie station, RID-PRO-ARMM at PSBRC-12
intelligence section.

Nakumpiska naman kay Mentang ang isang
unit ng .45 colt pistol na may serial number 7600718, isang magazine na loaded
ng anim na bala, anim na iba't ibang ID at cash na nagkakahalaga ng 96,500
pesos.

Nabatid na una ng naaresto si Mentang
noong 2004, ngunit napalaya rin, anim na buwan matapos ang Valentines day
bombing sa Davao City Overland Terminal.

Binigyang diin ni Duterte na bagama't
ay pinakawalan si Mentang noong 2005 dahil sa kakulangan ng ebidensya ay hindi
ibig sabihin nito na hindi na siya pwedeng arestuhin dahil sa parehong kaso.

Aniya, sisikapin nila na si Mentang at
iba pang suspek na naaresto at dapat pang arestuhin ay makukulong na at haharap
sa korte. (SAMANTALA, MAY REPORT na si Mentang ay pinalaya na sa Davao City matapos mapatunayan na isang kaso ng mistaken identity ang pag-aresto sa kanya). Local …………………

NA-ALARMA ang
ilang residente ng Cotabato City kagabi ng makarinig ng sunod-sunod na putok ng
baril.

Alas-8:30
kagabi ay isang insidente ng pamamaril ang nangyari sa Mandanas St. Rosary
heights 10 ng lungsod.

Kinilala ang
mga biktima na sina Bondi radsak na nasa edad 30 anyos at residente ng nasabing
lugar At isang Datu Ali, 37 anyos, taga-Kabuntalan, Maguindanao.

Nagtamo ng
maraming tama ng bala sina Radsak at Ali sa iba't ibang parte ng kanilang
katawan.

Nagawa pang
isugod sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima ngunit binawian rin ito ng
binawian.

Patuloy pang
iniimbestigahan ng Cotabato City police station 2 ang tunay na pangyayari sa
naturang insidente. Local…………………….

PANIBAGONG
insidente nang pamamaril ang naitala sa Brgy. Sambulawan Datu salibo,
Maguindanao.

Alas-dose
bente ng tanghali kahapon ng pinagbabaril hanggang mapatay ang isang hindi pa
nakikilalang lalake na biktima na nasa 26 hanggang 30 anyos at may taas na 5
feet.

nagtamo
ng tama ng bala ang biktima sa kanyang likuran n tumagos sa kanyang tiyan at
tama rin sa kanyang kaliwang balikat.

Patuloy
pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang DATU SALIBO PNP sa naturang insidente
habang patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima at ng suspek.

Local……………….

BUMUO
ng bagong set ng opisyal ang PPLMA Press corps pasado ala-1 ng hapon kahapon.

Nanguna
si DILG Midsayap head Ricky Fernandez, Municipal local government operation
officer at ang bagong hepe ng Midsayap North Cotabato na ni Supt. Gilbert Tuzon
sa pagsagawa ng reorganization ng PPLMA press corps.

Sa mga
opisyal, ang ating kasamang si REX TORINO ang bagong presidente ng nasabing
press corps V-PRES FOR BROADCAST naman ni si GARRY FUERZAS ng Bomboradyo
Philippines Vice president for TV si benny Queman ng My FM, WILA dELA sERNA
BILANG secreatry, TREASURER naman si DAVIE
JAME CASTILLO, AUDITOR- ED CATULONG, PIO- RODEL TORINO, at Business
manager sina RUDY GUTIEREZ at NELLY JANE OBINEZ.

November
21 naman nakatakdang isagawa ang induction of officers sa Midsayap.

Speaker
naman sa naturang aktibidad ang Presidente ng NUJP at KBP Cotabato Chapter ang
ating kasamang si Caloy Bautista.

Local…………………..

WALANG
PAGTAAS sa presyo ng Noche Buena items hanggang sa matapos ang 2015.

Ito
ang kinumpirma ng Department of Trade and Industry o DTI.

Pero
may aasahang price rollback sa pasta spaghetti at macaroni ang mga mamimili
ngayong buwan dahil sa 14 peso na tapyas sa kada sako ng harina sa lokal na
merkado bukod pa ang malaking bawas-presyo sa Pinoy Tasty o loaf bread, Pinoy
Pandesal at noodles na bunsod ng mahigit 20 porsiyentong pagbaba sa presyuhan
ng trigo sa pandaigdigang pamilihan, may APAT buwan na ang nakalipas.

Iginiit
naman ng samahan ng supermarket sa bansa na dapat na paghandaan ng publiko ang
epekto ng El Niño dahil posibleng gumalaw ang presyo ng bilihin, bunsod ng
kakapusan ng supply ng tubig sa 2016.

local...Ikinatuwa ng ilang Peace advocates sa North Cotabato ang ipinahayag na suporta ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP kaugnay sa pagdedeklara ng PEACE ZONE sa mga conflict areas na tinitirhan ng mga LUMAD sa lalawigan.Sinabi ni Inter Peace Zone Coordinating Council Chairman Maximo Casulukan, mas lumaki ang kanilang kumpyansa sa tuluyang deklarasyon ng PEACE ZONE lalo na sa nagpapatuloy na tensyon sa ilang mga lugar.Ayon kay Casulukan, ang nabanggit na deklarasyon ay makakapagbigay ng kalayaan sa mga mamamayang Lumad mula sa magkakaibang ipinaglalaban ng militar at ng New People's Army na ngayon ay nagdudulot ng takot sa mga katutubo.Sa ilalim ng Peace Zone, ipapatupad na rito ang de-militarization o pagbabawal sa anumang mga grupong armado na pumasok sa kanilang teritoryo base na rin sa protocol ng International Humanitarian Law.Nabatid na bago lamang ang pagpapahayag ng kanyang pagsang-ayon sa Peace Zone si Cotabato Archbishop Cardinal Rolando Quevedo, OMI. Local...Halos makumpleto na ng Kidpawan City Veterinary Office ang kanilang inilunsad pet medical mission sa mga Brgy. sa Kidapawan City.Sinabi ni City Veterinarian Dr Eugene Gornez, layunin ng programa na mamonitor ang mabilis na pagtaas ng populasyon ng mga aso at maging sa kaso ng rabbies.Ayon kay Gornez, sa kanilang pinakahuling monitoring bumaba ang kaso ng rabies sa Kidapawan maging ang sakit na Canine Dis temper sa mga aso ay bumaba rin.Una nang ikinalarma ng City Vet ang nasabing sakit matapos sumirit ang pagtaas ng kaso na may Canine Disease sa Kidapawan na halos kada araw ay may bumibisita sa kanilang opisina kaugnay sa naturang sakit.Base sa datos ng City Vet abot sa 29 na aso ang namatay dahil Canine Dis temoper at halos 15 mga barangay ng Kidapawa ang naapektuhan nito. Sa ngayon abot na sa labing pitong libong aso ang kabuuang alagang aso sa Kidapawan City.Para kay Gornez, mataas na ang nabanggit na bilang dahilan para isali ito sa kanilang ibinibigay ng programa ang libreng neuter castration sa mga aso.Ito ay base rin sa una nang derktiba ng Department of Health na isa sa mgapamamaraan para mapababa ang banta ng rabies.Ayon sa opisyal magtuloy tuloy pa rin ang kanilang programa at katunayan aniya, 35 mga barangay na ang napuntahan ng kanilang tanggapan katuwang na rin ang Animal Health Worker at mga barangay Oficials. Local...80 percent sa bawat isang daang inihahatid sa punerarya sa Kidapawan City, ay dahil umano sa lifestyle disease.Ito ang sinabi ni Aljo Cris Dizon, funeral director at may-ari ng isang Funeral Homes sa Kidapawan City.Ayon kay Dizon, bilang isang registered embalmer napag-aralan din nila ang ibat ibang bahagi ng katawan ng tao at mga trabaho nito.Sa kanyang naging obserbasyon at ilang mga pag-aaral, Lifestyle disease umano ang kadalasang dahilan ng pagkamatay ng isang indibidwal na inihahatid sa kanilang punerarya.Kabilang na rito ang Diabetes, Hypertension at iba pang Cardio vascular disease.Ang lifestyle ang nakagawiang ginagawa o kinakain ng isang tao.Para kay Dizon maiiwasan lamang ang nabanggit na mga sakit kung babaguhin nito ang kanilang mga lifestyle kagaya ng pagkain ng matataba, sobrang maaalat at matatamis at walang disipilina at ehersisyo.Bilang isang cycling enthusiast, naniniwala rin si Dizon na para maging malusog ang isang indibidwal kinakailangan nito ng 20 percent exercise,80 percent proper nutrition at 100 percent mind set. Local...Ibinunyag ng isang PNP official na ginagawan raw ng barrel sa armas ang isang telescopic na bahagi ng motorsiklo.Ito ang sinabi ni Supt. Gilbert Tuzon hepe ng Midsayap PNP kaugnay sa nagpapatuloy nilang problema sa bayan, ang nakawan ng motorsiklo.Ayon kay Tuzon, target ng mga suspek ang Honda XRM at bajaj Motorcycle dahil mas naangkop umano ito para sa mga high-powered firearms kagaya ng barret na kadalsang ginagamit ng mga lawless elements.Ito ay maliban pa umano sa ginagawang pump boat na ginagamit sa mga liblib na lugar malapit sa Marsh area partikular sa boundary ng North COtabato at Maguindanao at maging sa mga spareparts na posibleng ipinapalusot at ibinebenta ng mga retailer o motor shops.Sa kabila nito, itinanggi muna ng opisyal ang kabuuang impormasyon ng naturang usapin habang patuloy nila itong iniimbestigahan.Sa ngayon mas hinigpitan pa ng Midsayap PNP ang kanilang mga highway inspection para masita sa National Highway pa lamang ang mga kwestyunableng motorsiklo at para di na ito magamit sa krimen.Matatandaang noong nakaraang linggo lamang ay binaril ng di pa kilalang suspek ang isang habal-habal driver at mabilis na tingay ang motorsiklo nito.Ang nabanggit na insidente ay ikinaalarma naman ng mga opisyal at mga residente ng Midsayap dahilan para mag-iwan si Tuzon ng panawagan sa publiko na manatiling mapagmasid at kaagad na isumbong mga otoridad sakali mang may mapansing kaduda dudang tao o bagay sa kanilang lugar. Local...Halos dalawang libong mga magsasaka mula sa North Cotabato ang nakatanggap ng libreng certified palay seeds simula noong noong oktubre hanggang kahapon.Ang naturang mga binhi ay mula naman sa Office of the Provincial Agriculturist para sa mga nasalantang magsasaka noong nakaraang pagtama ng El Niño phenomenon sa lalawigan.Ayon kat Provincial Agriculturist Elesio Mangliwan ang calamity seed assistance ay nagkakahalaga ng kabuuang 2.3 million pesos na kinuha naman mula sa 2015 budget ng Provincial Disaster Risk Reduction ang Management Office ng Cotabato Province.Sinabi ni Mangliwan na malaki ang pagpapahalaga ng Provincial Government sa mga magsasaka upang silay makapagtanim at makabangong muli at bilang paghahanda na rin sa muling pagtama ng El Niño sa probinsiya.Labing tatlong mga bayan sa lalawigan ang nakatanggap ng calamity seeds assistance na bahagi naman sa programang ipinatupad ni Cotabato Gov. Emmylou Mendoza. Local....Arestado sa drug buy bust operation ng mga pulis ang apat katao kabilang na ang mga mag-ama sa Sto. Nino, South Cotabato .
Kinilala ni Police Chief Inspector Joel Fuerte, ang Sto. Nino Chief of Police ang mga suspek na sina Reymundo Faocbit alias Monding at mga anak nitong sina Reymund Faocbit alias Dondon at Nonoy Faocbit.
Kasama din ng mga ito na naaresto ang isang Mitch Dela Cruz, residente ng Barangay Little Baguio, Surallah, South Cotabato.
Isinagawa ng mga kasapi ng Sto. Nino PNP ang kanilang anti illegal drug operation sa pamamahay ng mga Faocbit sa Purok Santa Carmen, Barangay Katipunan, Sto. Nino, dakong alas syete y medya kahapon ng umaga.
Nakuha ng mga pulis mula sa apat na mga suspek ang limang medium size sachet ng suspected shabu, dalawang paltik na long fire arms, ilang mga bala at drug paraphernalia.
Maliban sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek na nakulong na sa Sto. Nino PNP Lock up cell ay kakasuhin din ng illegal possession ang fire arms and ammunition. Local...Gumamit ng iodized salt.
Ito ang hiniling ng National Nutrition Council o NNC 12 sa mga mamamayan ng rehiyon.
Para mapaigting ang kanilang kampanya sa paggamit ng iodized salt inilunsad ng NNC 12 ang Saktong Iodine sa Asin” o SISA Seal sa Koronadal City kamakalawa.
Kasama ng NNC sa pagsulong ng programa ang Food and Drugs Administration o FDA.
Ayon kay Dianne Cornejo ang Nutrition Officer III ng NNC Central Office,dapat tiyakin ng mga mamamayan na mayroong SISA seal ang iodized salt na bibilhin.
Binigyan diin ni Cornejo na maiiwasan ang mga iodized deficiency disorders tulad ng pagkapurol ng utak sa pamamagitan ng paggamit ng iodized salt.
Hiling pa nito sa mga mamamayan,dapat bumili ng iodized salt na mayroong SISA Seal.
Ito ayon kay Cornejo ay upang masiguro na sapat ang iodine ng pansakap na asin. Local...Ipinahayag ng otsenta anyos na byudang si Concepcion dela Cruz na malaking tulong na para sa kanila ang perang natanggap sa pamahalaan.
Si Dela Cruz ay isa lamang sa daang daang mga senior citizens na tumanggap ng social pension sa Tacurong City, Sultan Kudarat kamakailan lang.
Ito ay sumasaklaw sa ikatlong quarter ng pagbibigay ng benispyo ng pamahalaan.
Ang tacurong city ay mayroong 536 na mga regular pensioner na makatatanggap ng tig P1,500 kada quarter.
Mahigit tatlumpung daan dito na nakatanggap ng tig tatlong libo ay kadadagdag pa lamang sa talaan.
Ayon kay Violeta Muyuela ng Office of the Senior Citizens Affairs ng TAcurong,ang mga benipisyaryo sa programa ay tinukoy sa pamamagitan ng National Household Targeting System ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ang stipend para sa huling quarter ng 2015 ay ibibigay naman sa Enero sa susunod na taon.
Kabilang sa mga makatatangap nito ang mga senior citizens na sitenta’y singko anyos pataas.
Ito ay bilang pagtalima na rin sa Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010 Local...Maituturing lamang na flying voter ang isang botante na boboto sa ibang lugar sa araw mismo ng eleksyon.
Ito ang nilinaw ni Atty Richard Opinion, ang City Election Officer ng Koronadal kasunod ng mga lumalabas na isyu ng mga umano’y flying voters sa isinagawang voters registration ng Comelec.
Nilinaw din ni Opinion na dahil sa wala sa kanilang panuntunan, hindi rin maaring tanggihan ng comelec ang mga mamamayan na lilipat ng mga pagbobotohang lugar.
Tiniyak ng city election officer, na hirap makalusot ang mga flying voters sa Koronadal City.
Ayon kay Opinion dahil sa updated deactivation, may mga larawan din ang bawat botante na tutungo sa mga voting center para ma-validate ang totoo nilang pagkakakilanlan. Local...Patay ang isang binata na biktima ng pamamaril sa bayan ng Tupi, South Cotabato.
Kinilala ng Tupi PNP ang biktima na si Diomedes Sorilla, biente singko anyos at residente ng Purok Pagasa 1, Barangay Cebuano, Tupi.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na habang naglalakad papauwi, ang biktimang si Sorilla ay bigla na lamang hinaragan at pinagbabaril ng suspek dakong alas nuebe ng gabi kamakalawa.
Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.
Narecover ng mga pulis sa crime scene ang siyam na basyo ng 9 mm na baril na posibleng ginamit sa krimen.
Inaalam pa ng Tupi PNP ang kung sino ang tumakas na suspek at ano ang motibo nito sa pagpatay sa biktima.

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...