Sunday May, 26 2024 11:37:57 PM

Special Investigation Team, binuo ng DOJ, upang ituloy ang laban para kay Ed Dizon

Local News • 15:15 PM Fri Apr 19, 2024
253
By: 
NDBC NCA
Dante Encarnacion Tabusares, alias ‘Bong Encarnacion." (Image from public social media site)

KIDAPAWAN CITY - BUMUO NG ISANG SPECIAL INVESTIGATION TEAM ang Dept of Justice upang hawakan ang kaso ng pagpatay kay radio broadcaster Eduardo Ed Dizon sa Kidapawan matapos na isa sa mga suspect ay napawalang sala habang ang isa ay nakapag-piyansa.

Si Ed Dizon ay binaril at napatay noong July 10, 2019 ng gabi sa Kidapawan City.

Sa isang memorandum, inaprobahan ni Justice Sec. Crispin Remulla ang pagbubuo ng special investigation team o SIT bilang tugon sa hiling ni Presidential Task Force on Media Security o PTFoMS executive director Undersecretary Paul M. Gutierrez.

Si Malolos City Prosecutor Aldrin Evangelista na humawak sa matagumpay na prosekusyon ng mga suspect sa 2009 Maguindanao massacre, ay itinalaga bilang pinuno ng DOJ investigation team.

SA tulong ni Usec. Gutierrez, si Evangelista ay naatasan na magtalaga ng probe team members mula sa ibat ibang ahensya ng pamahalaan upang mapalakas ang kaso laban sa mga suspects.

Sinabi ni Sec. Remulla na bago lang nalaman ng PTFoMS na isa sa mga suspect na si Sotero ‘Jun’ Jacolbe ay pinayagang makapagpiyansa at pagkatapos ay pinawalang sala ng Davao Regional Trial Court noong March 8.

Ang sinasabing mastermind sa pagpatay kay Ed Dizon na si Dante Encarnacion Tabusares, alias ‘Bong Encarnacion, ay pinayagan na mag-piyansa ng halagang P500,000 ng Davao court noong March 11 isang linggo matapos na siya ay sumuko sa Davao City police office.

Sa pagdining ng kaso laban kay Encarnacion kahapon, sinabi ng prosecution panel sa korte na binuo ng DOJ ang Special Investigation Team Dizon sa pamumuno ni Prosecutor Evangelista.  Si Evangelista ay haharap bilang kinatawan ng pamahalaan sa susunod na hearing na itinakda sa April 25.

Matapos pansamantalang mapalaya dahil nakapagpiyansa, si Encarnacion ay bumalik ng Kidapawan, nagpapresscon at iginiit na siya ay inosente.

                                   Slain radioman was once Oblate Media ...

               Remulla: PAO is the heart of Justice Dept. - Manila Standard     

Indigents, IPs get housing units from MSSD

AMPATUAN, Maguindanao del Sur - Indigenous Peoples and Moro indigents are now enjoying living in the comforts of their own homes provided for them by...

Army neutralizes a BIFF, captures IEDs and firearm in MagSur clash

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Operating troops of the Joint Task Force Central were conducting military operations in Butilen, Datu...

Magkapatid na drug peddlers, huli sa anti-drug ops sa MagNorte, P3.4-M shabu nakumpiska

NAARESTO NG MGA TAUHAN NG PNP ang magkapatid na drug peddler sa ikinasang anti-drug operation sa Barangay Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del...

6ID naglunsad ng air at ground assaults vs DI/BIFF sa Maguindanao Sur

  NAGLUNSAD ANG ARMED Forces of the Philippines ng air at ground assaults laban sa hinihinalang kasapi ng BIFF at Military, naglunsad ng air...

Health workers in far island town gets stipends from BARMM

COTABATO CITY - Up to 72 barangay health workers (BHW) in the so remote Sapa-Sapa island town in Tawi-Tawi each got their overdue P12,000 cash...