Sunday May, 19 2024 10:39:55 PM

Suspects in killing of 2 candidates for BSKE in Cotabato City charged

Peace and Order • 15:30 PM Tue Oct 24, 2023
1
By: 
DXMS
BEHIND BARS. Suspects in the killing of 2 candidates for BSKE in Cotabato City are detained in this facility. (DXMS Photo)

COTABATO CITY - Kasong murder at frustrated murder, isasampa ng PNP sa 12 katao na sangkot sa nangyaring pamamaril sa RH-12, Cotabato City.

Kabilang sa kakasuhan ang isang pulis at aspiring barangay chairman.

ITO ang sinabi sa DXMS Radyo Bida ni Police Station 1 Commander Capt. Jemu Ramolete.

Maliban sa murder at frustrated murder, ilan sa mga ito ay kakasuhan din ng paglabag sa election gun ban dahil sa nakumpiskang mga baril.

Sa ulat, kabilang sa mga nahuli ay si Juhalidin Ladesla Abdul alias "Boyong” na kumakandidato bilang Barangay Chairman ng Rosary Heights 12 at Police MSgt. Pauti Dianal Mamalapat na nakatalaga sa Maguindanao del Sur PNP, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Anim sa mga nahuli ay mga residente ng Guindulungan, Maguindanao del Sur kabilang ang isang 19-anyos na estudyante.

Habang ang apat na iba pa ay taga lungsod kabilang ang isang babaeng social worker.

Nabatid na ang mga nahuli ay sangkot sa nangyaring pamamaril sa RH-12 na ikinasawi ng tatlo katao kabilang ang dalawang kandidato.

Sila ay nakunan ng mga baril at bala.

Ang mga nasawi ay agad ding inilibing kanina batay sa paniniwalang Islam.

                              May be an image of 1 person

May be an image of text

                         

Granada pinasabog sa loob ng Roman Catholic chapel sa Cotabato City, 2 sugatan

COTABATO CITY - Hinagisan ng granada ng di pa nakilalang mga suspect ang isang kapilya ng Simbahang Romano Katoliko sa Barangay Rosary Heights 3 na...

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...