Monday May, 20 2024 09:47:22 AM

Panabo City barangay kapitan, patay sa pamamaril

TIMRA Reports • 17:15 PM Tue Nov 7, 2023
1
By: 
DXMS
Barangay Chairman Paul Albert Saquian ng Barangay Datu Abdul Dadia, Panabo City. (Photo from his FB page)

PATAY ang bagong halal na barangay chairperson ng Barangay Datu Abdul Dadia, Panabo City matapos na siya ay ambusin ngayong hapon.

Nakilala ang biktima na si Paul Albert Saquian o mas kilalang si alias na "EPONG" na binaril sa loob ng kaniyang sasakyan.

Sa report ni Alvin Orsua sa DXMS Radyo Bida mula Panabo City, nabatid na minamaneho ni Saquian ang kanyang kulay silver gray na kotse nang paputukan ng dalawang mga suspect na nakamotorsiklo.

Sa ulo tinamaan ang biktima at siya ay nasawi on the spot.

Bumangga sa isang waiting shed ang kotse ng biktima matapos mabaril.

Nag post pa si Saquian sa kanyang Facebook na nananawagan sa lahat ng mga kumandidato, nanalo man o natalo, na kailangang ibalik ang dating relasyon ng mga mamamayan para sa pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran ng kanilang barangay.

May be an image of 1 person and text that says 'Paul Albert Gomez Saquian 3d Sa tanang nanagan.midaug man o napildi..kailangan natu ang panaguli sa maayong relasyon. Para sa panaghiusa, kahapsay ug kalambuan sa atong barangay.. 304 37 comments. 11 shares Like Comment Share'

May be an image of 3 people and text

Cardinal Quevedo's statement of condemnation on Cotabato chapel bombing

As a member of the BARMM Council of Leaders representing the Christian Settler Communities and as Catholic Cardinal, I condemn in the strongest terms...

NDBC BIDA BALITA (May 20, 2024)

HEADLINES 1   DALAWA SUGATAN nang pasabugan ng granada ang isang kapilya ng Simbahang Katoliko sa Cotabato City 2  ...

Granada pinasabog sa loob ng Roman Catholic chapel sa Cotabato City, 2 sugatan

COTABATO CITY - Hinagisan ng granada ng di pa nakilalang mga suspect ang isang kapilya ng Simbahang Romano Katoliko sa Barangay Rosary Heights 3 na...

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...