Monday May, 20 2024 03:39:56 AM

Isa patay, anim sugatan sa highway accident sa Midsayap

Local News • 17:30 PM Sun Feb 4, 2024
527
By: 
DXMS NDBC

MIDSAYAP, North Cotabato - PATAY ang driver ang habang sugatan naman ang anim na pasahero nito nang masangkot sa vehicular crash sa Barangay Poblacion 8 kaninang madaling araw.

Kinilala ni Midsayap town police chief Lt.Col. John Miridel Calinga ang nasawi na si Hezam Tambilan, 25-anyos, habang sugatan naman ang anim na iba pa kabilang ang dalawang mga menor de edad, na lahat ay taga Sto. Tomas, Davao del Norte.

Ayon kay Calinga, sakay ang mga nabanggit sa isang puting multicarry patungo sanang direksyon ng Cotabato City, nang pagsapit sa lugar ay aksidente nitong nabangga ang likurang bahagi ng Fuso truck tractor.

Sa tindi ng impact, lubhang nasugatan si Tambilan na kalauna’y binawin din ng buhay. Patuloy namang nagpapagaling ang anim na iba pa.

Halos hindi naman mapakinabangan pa ang sinakyan nilang multicarry dahil sa tindi ng pinsala.

Granada pinasabog sa loob ng Roman Catholic chapel sa Cotabato City, 2 sugatan

COTABATO CITY - Hinagisan ng granada ng di pa nakilalang mga suspect ang isang kapilya ng Simbahang Romano Katoliko sa Barangay Rosary Heights 3 na...

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...