Sunday May, 19 2024 05:58:02 PM

Drag racing, ipinagbabawal sa Libungan, ayon kay Mayor Cuan

Local News • 15:00 PM Mon Feb 26, 2024
465
By: 
DXMS
Libungan Mayor Angel Rose Cuan. (Photo by DXMS)

LIBUNGAN, North Cotabato - Humarap si Mayor Angel Rose Cuan ng Libungan sa sesyon ng Sangguniang Bayan ngayong araw kasabay ng ginawang question hour ng SB kasama ang PNP hinggil sa mga ginagawang hakbang ng LGU kaugnay sa insidente ng drag racing na nauwi sa banggaan na ikinamatay ng dalawa sa Brgy. Sinawingan nitong sabado.

Sinabi ng alklade na noon paman ay may ginagawa nang hakbang ang LGU katuwang ang Sangguniang Bayan at PNP hinggil sa drag racing ng mga kabataan.

Inaantay nalang nila ang approval ng mga line agencies para madagdagan ang mga checkpoint partikular sa highway mula Brgy. Baguer hanggang Brgy. Sinawingan.

Aniya, karamihan sa mga sangkot sa drag racing ay mga dayo mula sa kalapit na mga Probinsya ng Maguindanao, Bukidnon at kahit Gensan.

Minsan ay nauuwi pa aniya sa habulan ang eksena para lang mahuli ang mga sangkot sa drag racing.

Sinabi ni Mayor Cuan na nasa 20 na ang mga nahuli ng PNP na sangkot sa drag racing sa bayan simula nitong nakaraang taon.

Nauna nang nabahala si Councilor Kristine Joy Cadava at Councilor Nikki Mae Dela Serna hinggil sa paglaganap ng drag racing activity sa bayan.

Sa kanilang privilege speech ay sinabi ng dalawang konsehal na kailangan ng agarang aksyon ang drag racing dahil may nalalagas na buhay.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang Sanggunian sa pamilya ng mga naging biktima ng aksidente sa pamamagitan ng isang resolusyon.

Inihain din sa Sanggunian ang ordinansa hinggil sa pagbabawal ng anumang drag racing at motor stunts activities partikular sa highway.

 

Granada pinasabog sa loob ng Roman Catholic chapel sa Cotabato City, 2 sugatan

COTABATO CITY - Hinagisan ng granada ng di pa nakilalang mga suspect ang isang kapilya ng Simbahang Romano Katoliko sa Barangay Rosary Heights 3 na...

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...