Sunday May, 19 2024 05:49:50 PM

15 kasapi ng BIFF, sumuko sa Army sa Maguindanao del Sur

Mindanao Peace Process • 08:15 AM Tue Mar 26, 2024
1
By: 
6th infantry Division news release
Pinangunahan nina Maguindanao Vice Gov. Nathaniel Midtimbang at 601st Infantry Brigade commander Brig. Gen. Oriel Pangcog ang ceremonial presentation ng mga sumuko at baril. (6th ID photo)

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Labinlimang mga lokal na terorista ang nagbalik-loob sa pamahalaan, sa kasagsagan ng pag-obserba ng Ramadan dahil sa nais nilang magbagong buhay at tuluyang pagwaksi sa armadong pakikibaka.

Ayon kay Col. Michael Glenn Manansala, ang pinuno ng 6th Infantry (Redskin) Battalion, ang labinlimang mga indibidwal ay aktibong kasapi ng teroristang pangkat. Sa tulong ng militar at sa paghikayat ng mga lokal na opisyal, tuluyang iniharap ng mga ito ang kanilang sarili sabay din na isinuko ang bitbit nilang mga armas sa himpilan ng 6IB na nasa Brgy. Buayan, Datu Piang, Maguindanao del Sur, kaninang umaga (March 25, 2024).

Ang dating mga terorista ay iprenisinta ni Col. Manansala kay Brigadier General Oriel Pangcog, ang Commander ng 601st Brigade, Colonel Neil Alfonso Roldan, Deputy Brigade Commander ng 602nd Brigade kasama si Hon Datu Nathaniel Midtimbang, ang Vice Governor ng Maguindanao del Sur at iba pang mga lokal na opisyal.

Kabilang sa mga gamit pandigma na kanilang isinuko ay ang mga sumusunod: isang 81mm mortar, dalawang Barret Cal. 50 Sniper rifle, dalawang M14 rifle, isang M16 rifle, isang Cal. 45, isang Garand rifle, isang Cal. 50 Sniper rifle, isang Cal. 7.62mm Sniper, isang Cal. 5.56mm Sniper rifle, isang Cal. 30 sniper at mga magasin.

Nabigyan naman ng agarang tulong na pinansiyal, sako ng bigas at mga food packs ang mga nagbalik-loob sa isang simpleng programa.

Ayon kay Major General Alex S. Rillera PA, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central na tagumpay sa paglaban sa kapayapaan ang hakbang na ginawa ng labinlimang mga dating biktima ng maling ideolohiya at sirkumstansya. “Inyo ng nakikita ang kaibahan kung kayo ay tutugon sa layuning kapayapaan ng ating pamahalaan, ligtas kayong mamuhay na kasama ang inyong mga mahal sa buhay, kaya patuloy ang aking panawagan sa mga kasamahan ninyong magbalik-loob na sa gobyerno at tulungan nating paunlarin ang ating bayan,” wika ni Maj. Gen. Rillera.

Granada pinasabog sa loob ng Roman Catholic chapel sa Cotabato City, 2 sugatan

COTABATO CITY - Hinagisan ng granada ng di pa nakilalang mga suspect ang isang kapilya ng Simbahang Romano Katoliko sa Barangay Rosary Heights 3 na...

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...