Sunday May, 19 2024 07:52:57 PM

Lalaki patay, kasama huli sa entrapment operation ng CIDG sa MagNorte

Local News • 22:00 PM Sat Mar 30, 2024
413
By: 
DXMS NDBC

SULTRAN KUDARAT, Maguindanao del Norte - NAUWI sa palitan ng putok ang dapat sana’y entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM sa Sitio Mamadra, Barangay Limbo sa bayang ito 2:40 ng hapon kanina.

Ayon kay CIDG BARMM Regional Director Lt.Col. Ariel Huesca, nasawi sa operasyon si Datun L. Mastura habang nahuli rin ang kasama nitong si Norodin Sulaiman.

Sugatan naman si Patrolman Raffy Jacinto na kasapi ng CIDG na tinamaan sa kanyang paa.

Si Mastura, 56-anyos, ay isang X- Ray technician ng Cotabato Sanitarium, na taga Crossing Pinaring, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Habang si Sulaiman naman, 33-anyos, ay isang construction worker, na taga Brgy. Banatin, Sultan Kudarat at kasapi ng MILF Task Force Ittihad, Inner Guard Base Command sa Camp Darapanan.

Nakatakas naman ang isa pa nilang kasamahan na si Tato Intul, isa ring construction worker, na residente rin ng nasabing lugar.

Nagresulta sa shoot-out ang naturang operasyon nang matunugan ng mga suspek na pulis ang kanilang ka transaksyon sa pagbebenta ng mga armas at bala.

Nakuha ng CIDG-BARMM sa mga ito ang mga baril, magazines, mga bala, sasakyan ng suspek at boodle money na ginamit sa nasabing transaksyon.

Ang nahuling suspek at ang nakatakas na kasama ay kakasuhan ng paglabag sa RA 10591 at Direct Assault of a Person in Authority.

May be an image of 6 people and text

May be an image of 2 people

May be an image of 2 people

Granada pinasabog sa loob ng Roman Catholic chapel sa Cotabato City, 2 sugatan

COTABATO CITY - Hinagisan ng granada ng di pa nakilalang mga suspect ang isang kapilya ng Simbahang Romano Katoliko sa Barangay Rosary Heights 3 na...

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...