PATAY ang barangay kapitan ng Polloc, Parang, Maguindanao del Norte at ang maybahay nito makaraang sila ay ambusin kahapon.
Sinabi ni Parang town police chief Maj. Christopher Cabugwang na idineklarang dead on arrival si Chairman Abobacar Abdul at misis nitong si Baisa Abdul.
Naganap ang ambush 5:30 kahapon ng hapon sa national highway, Sitio Timbangan, Barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao del Norte.
Minamaneho ng kapitan ang kanyang puting Toyota Hi-Lux nang paputukan ng di matukoy na bilang ng mga suspect.
Inaalam pa ang motibo ng krimen.