1 patay, 2 sugatan sa banggaan ng van at 2 motorsiklo sa Kabacan
Breaking News • 05:15 AM Tue Nov 28, 2023
551
By:
DXMS NDBC
Isa ang patay habang dalawang iba pa ang agaw buhay ngayon sa ospital matapos umanong banggain ng van ang dalawang motorsiklo sa Kayaga, Kabacan, North Cotabato kagabi.
Sa inisyal na ulat, galing ng Carmen ang van at papuntang Kabacan habang papuntang Carmen ang dalawang motorsiklo nang mangyari ang insidente.
Sa ngayon ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga biktima habang nagsasagawa na ng imbestigasyon ang traffic section ng Kabacan PNP.