3 drug suspects inaresto sa drug den na nabuwag ng PDEA 12 sa Tacurong City
KORONADAL CITY - Kakasuhan ng PDEA 12 ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang tatlo katao na inaresto sa drug den na sinalakay nila sa Tacurong City, Sultan Kudarat.
Kinilala ni PDEA 12 Regional Director Aileen Lovitos ang mga suspek na sina Bernadette Besavilla, 44 anyos at Kristelle Mae Bermejo Caalim, 27 anyos pawang mga taga barangay Poblacion sa nasabing lungsod.
Arestado rin ang may-ari ng drug den na sinalakay ng mga otoridad sa nasabing barangay na si Ricky Borres alias Tibor, 29 anyos.
Ayon pa kay Lovitos, nakatakas naman ang isa pang suspek na si Renny Borres alias Baby na supplier ng illegal drugs sa kapatid nitong si Ricky.
Nakumpiska ng mga PDEA agent sa mga suspek ang pitong mga sachet ng suspected shabu na nagkakahalaga ng higit sa P34,000 at drug paraphernalia.
Kinumpira rin ni Lovitos na ang drug den ng magkapatid na Borres ay nagsimulang mag-operate sa Tacurong Enero nitong 2024.